19: Hindi Sigurado BETTY Lumabas ako sa opisina niya na para bang walang nangyari. "Yes, Baby?" nakangiting tanong ko sa kabila ng pagwawala ng aking sistema. Ramdam ko ang lagkit ng ibaba ko pero kailangan kong ipagsawalang bahala ito. "Can you sleep beside me tonight?" Bahagya akong natigilan dahil sa sinabi niya. Napatitig ako sa kaniya. Ito ang unang pagkakataon na nakiusap siya sa akin. Wala man akong narinig na please mula sa kaniya ngunit ramdam ko at kita ko sa mga mata niya ang sinseridad niya. "Betty..." humawak siya sa laylayan ng aking damit. "Okay. Pero kailangan mo munang magsabi sa Daddy mo." Ngumiti siya. "Okay. He is inside, right?" Tumango ako. Humawak siya sa aking kamay na para bang gusto niya maging ako ay kasama niya sa loob para magpaalam. Goodness! Ayok

