12: Ano ba ang dapat? ZACH "Zachary, long time no see." Agad nagsalubong ang aking kilay nang makita ko ang naglalakad na si Joaquin palapit sa akin. Kumakaway pa ito na tila ba masaya siya na makita ako. "Mukhang alam ko na naman ang ipinunta mo rito. Nabalitaan mo na? Magpapatawag na ba ako sa VIP Room?" Umupo siya sa tabi, sumenyas sa bartender upang bigyan siya ng alak. Hindi ko itinuon ang atensyon ko sa kaniya. Tanging nasa alak lang ang aking mga mata. Joaquin owns this bar — and he is somewhat a friend of mine. "Bro, ano? Pupunta ka lang ba rito para uminom? Paano naman kikita ang bar ko kung ganiyan?" Masamang tingin ang ibinaling ko sa kaniya kaya mahina itong natawa. Every time I come here, he always offer me woman I can f**k. Womanizer? Not really. It's just that, when

