KINABUKASAN
Nagising ako ng alas 6 (uyyyy alas six yung pagkabasa nya hahah!) ng umaga para maaga makapasok sa school para di malate..tapos na ako maligo at magbihis paalis na din ako papuntang school....
Pagkalabas ko ng bahay ay nakakita ko sports car na kulay dark blue na parang nagaantay sa labas ng bahay namin..ewan ko lang ah di sa nagaassume na baka prince charming ko na yan ah pero magaassume na din ako pag ka tapat ko sa sports car ay kinatok ko tapos natigilan ako dahil.
Dahil........
Dahil.........
Dahil.......
Dahil..........
Wala palang tao naka park lang pala sa harap ng bahay namin....
Yung kapit bahay pala naming matanda na may anak galing abroad yung may ari takteng yannnnn!!!
-_-
Kaya ayun nagderederetso nalang ako sa paglalakad bwiset akala ko pa naman may prince charming akong nagaabang sa labas ng bahay tapos ihahatid ako sa school hayyyyyyyy...
Pagkadating ko sa school as i expected late again always naman eh tsss buti ba kung naka kotse ako diba eh hindi naman tsskkk tapos magagalet nanaman yung mga teacher sakin kase lagi nalang akong late tapos ipapa tawag si mama kase ang dami ko ng record kahit dalawang araw palang yung pasok namin.
baket ba more than one ay madame na..
Anong pinaglalaban mo??(utak)
Wala baket nagpapaliwanag lang naman
ako
Salamat sa dyos kase wala pang teacher pag pasok ko sa room tapos ako palang magisa?? Eh anong oras na wala pa akong classmate???
Tapos may pumasok na hindi ko kilalang babaeng istudyante na naupo bandang unahan ko tapos bigla syang humarap sakin at nagtanong.
"Hi po! Tranfer ka po ba dito?" HA! What the heck ako tranfer eh yung pinsasukan nga nyang room eh room namin eh tsss...
"Ah hindi po baka po kayo yung transfer eh room po kase namin tong pinasukan mo po"
Tapos kong sabihin yun eh tumayo sya at mukang lalabas na hahhahaa tanga amp....
"Eh ate baka kayo po ang mali ng pasok, kasi po 302 po yung nakalagay dito eh eto po ang sabi ng teacher namin kahapon kase magpapalit nga daw po ng room ang senior high at kameng mga college...college ka po ba?new student?"...
Wahhhhhh takte ako yung mali awwwwww bwesittttt talaga nako ano bang schedule ko? Wait ..... wait..... waittttttttt.....
Dali dali kong kinalkal yung bag ko nagkanda laglag pa nga ang mga laman waleyang yan
-_-'
At nakuha ko na hahhahahahahahha
Monday. 8:00-3:00 pm room 302
Tuesday. 7:00-10:00 am laboratory 1
11:00-1:30. PM. ROOM302
Friday 5:00 am-1:00 pm. Room 302
Saturday 8:00-3:00. am. Room 302
Huwahhhhhhhhttttttttt bakit.....bakit.....bakit......bakit?
TANGA KOOOOOOO!!!!!TUESDAY PALA NGAYOOOOOO!!!!
Ayan di muna kase tinitignan yung schedule alam ng kakapasok lang kahapon eh ang tanga moooo!! (Utak)
Pota manahimik ka dyan ah! (Ako)
"Ah heheh sorry po di ko kase nakita yung schedule ko eh hehehhe sorry po ulet"
'^_^
ganyan ganyan yung muka ko kase medyo pahiya ako eh hheheheh takte! Talaga!!!
Tapos umalis na ako dun at naglakad papuntang lab.
Lutang ka gurl?
Baka ikaw yun gurl duhh utak kita diba? (Ako)
Siraulong utak na yan nagsasalita ampp... tapos puro pangangasar pa yung mga sinasab----
"Arrraaayyyyy?!!!" Pota may biglang nantisod ampp... ayun plakda...
Pagtingin ko dun sa pumatid sakin kala ko lalaki muka lang pala.
Tomboy ka gurl??
"oi miss! Wala ka bang mata?"tanong ng tomboy.
"meron ho! " sagot ko sa tanong nya.
"Aba pilosopo tong gagong to ah!" Pasigaw na sabi nya sakin....
Luh kayo na nga namatid kayo pa galit pakshetttt lang?
"Sorry po hindi ko naman po sinasadya eh kasi po nakatungo p----"
Hindi ko natuloy yung sinasabi ko kase bigla nya akong kinutongan...
"Awww!!"
Masekettt yun ahhhhh!!!
"Yan ok na pwede ka nang umalis hahhahahahha" muntanga amp ang sakit nun ah takte..
Naalog ako dun ah! (Utak)
Nasaktan naman ako tsk! (Ako)
Ikaw kasi eh! (utak)
Bwiset sya na nga yung nangtalisod sya pa yung may ganang magalit ah at nangalyok pa TIBAY MO GURL!!!
pasalamat sya at mabait ako tsss....
Huh! Nababaliw na siguro ako napapadalas tong pagkausap ko sa sarili ko ah lagi nalang ah!
Nababaliw na nga siguro ako!!!!!!
Kaya tumakbo nalang ako ng matulin parang flash!! Oo flash talaga hahhaha wag kayong ano jan
Hanggang sa makarating ako sa laboratory ...pagpasok ko don syempre nagulat sila diba gantong gulat oh
(0.0)
Ganyan banglaki ng mata grabe kala mo nakakita ng artista hahahhahaha edi ako naman sige pasok lang tapos MAY NAGHARANG NANAMAN NG MAGANDA NILANG PAA! AYAN PLAKDA NANAMAN! DALAWANG BESES NA TO AH!!!bang dumi na siguro ng uniform ko takte!!!
"HAHAHAHHAHAHAHAHAHAHHAHAHAHAHAHAHAHHAHAHAHAHAHAHHAHAHAHAHAHAHAHHAHAHAHAHAHAHHAHAHAHAHAHAHHAHAHAHAHAHAHHAHAHAHAHAHHAHAHAHAHAHAHHAHA....." ayun natahimik din sil----.....
"HAHAHAHHAHAHAHAHHAHAHAHAHAHHAHAHAHA"
TAKTE TALAGAAAAAAAA!!!! GRRRRRR!!!
??????
"Class shut your mouth!!"sabi ni sir alvin...hayyy salamat tumigil din ang mga gungong!!
Naupo nalang ako sa pinaka dulong upuan at biglang tumabi naman sakin si gella mae....
"Hi tiff!" ^_^
"Hello gella mae" ^-^
"Ang pangit ng pangalan ko bwiset mheng nalang or mhenggay nalang tawag mo sakin ang baduy ng pangalan ko eh"huh!? Ganda kaya ng pangalan nya anong panget dun or baka di lang sya nasanay na gella mae tawag sakanya hayyssss....
"O sige.. hi mheng...okie ka na gurl?"..nangiti naman sya ng malaki..
"Ayan hahhahahahah nababadtrip talaga ako pag timatawag real name ko eh"
"Di mo manlang sinabi saking sa laboratory pala tayo ngayon pahiya tuloy ako dun sa college student hayysss"
"Gaga ka ba anong gusto mo pumunta pa ako sa inyo eh hindi ko nga alam yung inyo eh...kung alam ko lang baka sabay pa tayo pumasok shunga neto
"Pshh.. sige sama ka sakin mamaya pauwi ah para alam mo tapos add moko sa sss ha hahahhaha"
"Oo na...oh anjan na pala yung nathan mo eh kasama pa yung isang gwapo hihihihi kaso mukang suplado ....pero okay lang may maynard naman na ako eh hahahha"
"Pinag sasabi mo?"
At pumasok na nga yung dalawang may sapak sa utak
Mga kupal
Aktong uupo si nathan sa katabing chair ko ng bigla kong hinila yung isa nyang kasama na dustin ata yung pangalan non..
"Tss"singhal nun dustin...pero naupo pa din....
Ang bangooooo nya
"Tsk..chance mo na yun na makatabi ako sinayang mo pa"si nathan.
Di ko na sya pinansin at nag discuss nalang si sir alvin about sa science of earth pshhh.... nung grade 8 pa namin yan napag-aralan eh inuulit lang tskk...
DISCUSS...
QUIZ.....
ASSIGNMENT....
LAST SUBJECT..
Uwiannnnnn...
Habang naglalakad kami ni gella mae ay este mheng pla na kwento ko na sa kanaya na baka mawala yung ihawan namin kase nga magkakatulong si mama at ako nalang maiiwan sa bahay magisa kase isasama ni mama si kien..
"Oh edi ikaw nalang mag isa ngayon dyan sa bahay nyo?"tanong nya medyo malapit na kame samin at nasabi nya na sakin kung saan sya nakatira malapit lang pala kase isang tawid lang ng tulay samin sa kanila na
"Ah hindi pa kase next week pa magsisimula si mama...sabi ni mama pag pumayag daw ang amo nya na isama ako baka dun na din ako titira kasama sila mama dun sa mansyon ng amo nya"
"Edi lilipat ka ng school nyan?pano ako? wala na akong kaibigan maliban sayo"ganto ba talaga tong babaeng to lagi sunod sunod mag tanong?! OA pa tss..
"Gaga ka sabi ko lilipat lang ng titirahan at hindi pa naman sure yun eh kaya wag kang masyadong oa di ka mawawalan ng magandang kaibigan hehehe"
**,
"Aba bang lakas naman yata ng confidence mo gurl? Well mas maganda ako sayo wag kang ano jan hahahah"
-_-
"Hoy ang kapal naman ng taba mo jan....sige na nga its a tie okay parehas na tayo maganda!!"
"Hoy mga iha hindi kayo parehas maganda wag kayong ano jan lalo ka na potpot di mo minana yung ganda ko kaya manahimik kayo dyan nagsisigawan pa kayo dito sa ihawan tignan nyo ang daming nakatingin sainyong customer!!!"
Nasa bahay na pala kame at pinagtitinginan ng mga customer ni mama sa ihawan.....
"Luh nag away yung dalawang panget hahahha"
"San banda yung ganda?"
"Mukang tanga naman sila dyan"
"Uyy tangeks maganda naman sila pareho eh kaso mga mukang tanga nga lang tsk.."
"Eh mas maganda pa anak ko dyan eh mas maputi pa at mas makinis"
Mga naririnig namin na mgasinasabi ng customer ni mama pati din yung mga chismosa naming kapit bahay...hayysss di ba mauubos yung mga ganyan sa kalye? Sobrang lakas ba talaga ng boses namin?
"Tsk....andyan na ma!!!!!!!"
Tinulungan muna namin bago kumain....ayun si gella mheng napaka takaw nakaubos ng sampung stick ng isaw...
"Tiff ang sakit ng tyan ko ang bigat"
Sabi nya habang nakahawak pa sa tyan nya
"Tanga ang sexy mo kase kaya mabigat tyan mo tignan mo pati katawan mo di mo na mabuhat di mo ako gayahin hindi mataba at hindi mapayat sakto lang hahahahha"
nangirap ang gaga....nagpaalam na din kase maggagabi na baka daw walang nagbabantay sa BOHOL STORE nila sabi ko sakanya maglakad nalang sya para mabilis bumaba yung kinain nya at malapit lang din naman yung bahay nila isang deretso lang naman.......
"Ah nak sasama ka samin ni kien bukas ah wala ka namang pasok eh"luh!lilipat na ba kami agad bukas?
"San tayo pupunta ma?lilipat na tayo?agad?ang bilis naman?ano ma mageempake naba ako?"sunod sunod na tanong ni mama...lumapit si mama sakin at bigla akong kinotongan NANAMAN!!
Ano brain nasa ngala ngala na ba kita?
Takte baka lubog na yung bunbunan ko neto ah..
"OA ka gurl? Hindi ba pwedeng ipapakilala muna kita sa mga amo ko gusto ka nilang makit gaga to balibag kita dyan eh napaka over adik mo masyado!"
"Ma, over acting yon hindi over adik di ako d**g user ma wag ka ano jan"
"Ah over acting ba yon akala ko over adik kase narinig ko sa kapit bahay natin na sinasabihan yung anak nya na over adik daw sya,kaya akala ko over adik yon,ang bobo mo kasi eh"muntik nanaman ako makotongan ni mama kaya lumayo na ako sakanya hehehehshs flash
"Huwaw! Ma ako pa bobo ah.... hahhahaha ay sige okay lang edi parehas tayong bobo ma hahahha"tawa lang ako ng tawa...
"At bakit naman ako naging bobo di mo ba alam na MCL ako nung college days ko...hahahaha bobo ka pa dyan ah"
huh!anong MCL yun pauso nanaman neto ni mama ts(face palam)
"ma anong MCL yan baka pauso mo nanaman yan ah"
"MCL means M is for Magna C is for c*m L is for louder....so it means your mama is MAGNA c*m LOUDER......oh diba may title ang ina mo"haysss sabi na nga ba eh ...okay potpot wag ka na komontra baka mabutas na yang bunbunan mo pag nakotongan ka
"Ah hahahahhaha ma ang galing mo pala nung college ka hahahahah ang galing mag ingay"sarkastiko kong sabi kay mama...
"Well at least may title ang ina mo,matulog ka na at maaga tayo bukas"
"Sige ma"at lumabas na si mama ng kwarto namen kase magliligpit lang daw sya sagit at matutulog na din
ZzzzzzzzzzzzzZzzzzZZZZZZZZzzzzzzzzzzz
_
Maaga ako ginising ni mama para daw makaligo na ako dahil ako ako nalang daw ang hinihintay nila ni kien at aalis na kame papuntang mansyon ng pag tatrabahuhan ni mama sana lang mabait yung amo ni mama no para pwede kami don tumira habang nagtatrabaho si mama at maaga makarating sa school gaya ng sabi ni mama mas malapit lang daw don yung school namin kaseng isang sakay lang ng tricycle at mura lang ang bayad hindi daw katulad don samin eh malayo na at mahal pa ang singil ng tricycle kaya sana mabait nga ang mga amo ni mama...
"Tiffang bilisan mo dyan magbihis ikaw nalang ang hinihintay bang bagal mo!!"sigaw ni mama sakin..ngayon nagbibihis na ako simpleng jeans lang tapos t-shirt na black favorite color ♡ tapot itinuck in ko nalang kase over size shirt to eh tapos white na rubber shoes at sling bag na kulay black den hehehhehe payboreyt eh
"Ma tara na ok na ko alis na tayo"
Buhat buhat ni mama si kien palabas ng bahay namen ako naman magaabang na ng tricycle para makasakay na kame nila mama nang...
"Hoy tiffany anong ginagawa mo dyan!?"
"Nagaabang ng tricycle ma"
"Hay nako tara dito may sundo tayo oh kotse kaya wag ka na mag abang dyan bilisan mo dyan sumakay ka na dito"
"Wow yayamanin si mader naka kotse"
Pok!
"MA aray naman kahapon ka pa nangongotong ah nakakarami ka na!"wala na lubog na bunbunan ko yung ulo ko pa heart shape na ....charot! Pero ang sakit talaga walanjot
"Pano ka hindi makakaltokan eh bang tanga mong bata ka kanino ka ba nagmana nako! Sumakay ka na bilis"
"Eto na nga eh sasakay na nga eh" pumasok na ako sa loob ng kotse ang lamig may aircon kase sumunod na pumasok si kien tapos si mama na
"Miss okay na po ba?"tanong ng driver sa unahan at may babae din na nasa kabila naman..
"Ah oo kuya tara na po"sabi ni mama
At pinaandar na ng driver yung kotse ng mabilis ...ang sarap pala magka kotse no may aircon sa loob,komportableng mga upuan may pa sounds pa oh diba ang sarap lang yaan nyo pag nakatapos na ako ng pag aaral at nakakuha ako ng magandang trabaho bibili ako nyan mas maganda pa dyan..
Nakarating na kame sa mansyon ng mga amo ni mama grabe sobrang laki ng mansyon at sobrang ganda kulay puti ang buong paligid at ang laki ng garden nila kahit nasa gate palang kame ay na mangha na ako sa ganda ng mansyon..
"Tara na po tuloy po kayo"pinapasok na kami ng babaeng kasama namin kanina sa kotse ang ganda talaga ang daming bulaklak sa paligid at puro puno meron ding fountain sa gitna tapos mga upuan sa tabi ng mga puno pag tingin ko sa mansyon siguro mga nasa apat na palapag ito...
"Dito po tayo andoon po si Mr.tsujima sa likod inaantay na po kayo"sabi nung babae ulit habang naglalakad kami palikod ng bahay
Mr.tsujima para narinig ko na yung pangalan na yon ah????hmmmmmmmmm....
"Mr.tsujima nandito na po yung iniintay ninyo"ang ganda din dito sa likod may malawak na swimming pool tapos sagilid naman may kubo tapos sa tabi ng kubo may maliit na court na isa lang ang ring ang ganda naman talaga dito malaki na ang bahay may fountain pa may garden pa na mahanda at may swimming pool pa nakakaingit naman talaga siguro ganito din yung iniisip ni mama siguro naiingit din sya kase walang wala yung bahay namin dito eh kung sakanila eh fourth floor amin hanggang first floor lang pero okay lang yon tatlo lang naman kami sa bahay eh baka dito sa mansyon na to madaming tao bang laki eh..
"Oh andyan na pala kayo halikayo dito lumapit kayo"sabi ng matandang lalaki na tinawag ng babae na Mr.tsujima muka syang mabait kase nakangiti sya samin pagharap nya hindi naman sya masyadong matanda siguro kung titignan mo sya mas matanda lang siguro sya kay mama ng mga 5 taon mga nasa 40+ pataas na siguro sya eh si mama naman 38 palang singkit ang mata maputi,matangkad,may mga uban ng konti pero gwapo pa din..
Lumapit kami ni mama kay Mr.tsujima napinapaupo kami sa upuan na nasa harapan nya"ah Mr. Tsujima sya po yung sinasabi kong isa pa ko pong anak sya po yung panganay nasa senior high na po sya ngayon at sa FMU(felix memorial university)po sya nagaaral ngayon am 18 anyos na po sya ngayon"
"Ah mas matanda lang pala ng isang taon yung anak ko sakanya at mag ka schoolmate din pala sila senior high na din yon at medyo tahimik at di mahilig sa mga tao ewan ko ba don sa batang iyon masyadon creepy ang personality pero pag naging close kayo non mabait yon."sabi ni Mr.tsujima habang nakatingin sa pinaka taas na bintana tinignan ko naman yun at hindi ko naman mapigilan mag tanong kay Mr. Tsujima
"Ah Mr. Tsujima ano pong meron doon sa bintanang yon"turo ko don sa pinakamataas na bintana
"Ah yun ba iha doon yung kwarto ng anak kong sinasabi ko sainyo hindi sya mahilig lumabas ng bahay gusto nya kase laging mapag isa bihira nya din akong kausapin"ah doon pala yon sino kaya yung anak nya pero pamilyar talaga sakin yung pangalan na yon eh narinig ko na talaga yon di ko lang talaga matandaan kung saan o kung sino ay basta!
"Tara gusto nyo bang pumasok sa loob para ma tour ko din kayo lalo ka na ellena para kabisado mo na yung mga pasikot sa mansyon"
TO BE CONTINUED......