Chapter 11.

1476 Words
Pag katapos namin kumain ay umowi na rin si Jake at ipinabaonan ko siya nang adobong manok para kay Mang Erny, masaya naman si Jake dahil sigurado daw na matutuwa ang papa niya. Pumasok na sa kwarto sina Daddy at Camila, pumanhik na rin ako sa kwarto. Nakita kong nakaupo si Fabrizio sa sofe pero nakabihis 'to. Nag palit lang yata nang damit. " Fabrizio," tawag ko sa pangalan niya. Lumingon naman siya sa' kin, "Hmmm," Aniya, nag ta-type siya sa cellphone niya . Pag katapos nag ni-send niya ang message ay binulsa niya ang cellphone. Tumingin siya sa'kin pero blangko ang mukha. Kumabog naman ang puso ko sa simply tingin niya sa'kin. Para na akong nalulusaw. " A-aalis ka ulit?" malungkot ko siyang tinignan. Dahil alam ko na ayaw niya akong makasama sa isang kwarto. "Oo, Doon ako matutulog kila Mama." wika niya na binalik ang mata sa sapatos na sinusuot niya. Hindi ko alam bakit para naiiyak ako pakiramdam ko para akong iniwanan nang asawa. " P-pero K-kadarating mo lang aalis ka na naman?" basag na ang boses ko, napalagok ako sa sarili kong laway. At napakagat labi ako para pigilan ang sarili kong wag maiyak. " What do you want Andy, mag stay ako dito at mag labing-labing kasama ka? Ha! Come on Andy don't act like jealousy wife, dahil sa papel lang tayo mag asawa Andy pag katapos nang one year, It's all over naiintindihan mo?" pag ka wika niya ay tumayo na ito. Patalikod na sana siya sakin nang hawakan ko ang kamay niya. Hindi pa ako na kuntinto niyakap ko pa siya sa likod niya at napatigil naman siya at napasinghap. " A-ano bang gu-gusto mong gawin ko Fabrizio Para M-mahalin mo rin ako bi-bilang asawa mo or bilang babaeng nag mamahal sa'yo." putol putol kong sabi. Tuloyan na akong na paiyak dahil subrang sakit ang raramdaman ko. Para akong binibiyak pati stomach ko ay parang may batong humarang. " Wala kang dapat gawin Andrea " Mariin niyang sabi pilit na tinatangal ang kamay ko na pumulupot sa baywang niya. " Mahal na mahal kita Fabrizio. Bigyan mo naman ako nang chance para mapatunayan ko ang nararamdaman ko sa'yo. A-Alam mo naman na m-mula sa simula ikaw na ang gusto ko. " umiiyak na ako habang nakayakap parin sa kaniya. Natatakot akong bitawan siya dahil baka tululoyan na itong umalis. Pilit parin niya tinatangal ang kamay ko. Hanggang sa natangal na nga niya yon at humarap sa akin at humugot ng malalim na buntong hininga bago mag salita. "Wag mo ako mahalin Andrea' hindi ako worth sa pag mamahal mo" Madiin na sabi sakin Fabrizio, pero naaninag ko parin sa kaniyan mga mata ang lungkot. " Pero ikaw lang ang gusto ko Fabrizio" Naiiyak kong sabi "No!.. Wala akong gusto sayo iba ang mahal ko at hindi ikaw yon" Madiin parin ang pag kakasabi niya. I bite my lower lips. " Balang araw kasusuklaman mo rin ako Andy please palayain muna ako" nakita ko ang namumuong luha sa kaniyang mga mata. Umiling - iling ako hindi ko kayang mawala siya. Kahit hindi niya ako mahal makasama ko lang siya masaya na ako. " No! No! No! Mahal na mahal kita! Bakit ba ang hirap sa'yo na mahalin ako Fabrizio " humagulhol na ako at pinag hahampas ko ang dibdib niya bahang patuloy parin ako sa pag iyak. Hinawakan niya ang dalawa kong kamay. " Tanongin mo sa sarili mo kung bakit hindi kita kayang mahalin, Wala akong nararamdam sa isang spoiler brat at p****k!" Pag wika niya itinulak niya ako. Napaatras naman ako. Dahil nanghihina ako ay tuloyan na ako bumagsak sa sahig. Napatingin ako sa likod ni Fabrizio na papunta sa pinto pero hindi niya ako nilingon kahit narinig niya ang pag daing ko sanhi nang pag ka bagsak ko sa sahig. Umiyak lang ako nang umiyak, sa sahig na ako humiga. Bumabalik sa'kin ang mga sinabi niya na p****k ako. Pinipilit Kong i-absorbang sinasabi ni Fabrizio sakin. Ni-minsan ay siya lamang ang gusto kong makasama. Diko alam kong ilan oras na akong umiiyak. Hanggang sa nakatulogan ko ang pag iyak sa sahig. Dala na rin siguro nang pagod. Naramdaman kong umangat ako sa ere at na amoy ko ang familiar na amoy. Pero alam kong hindi siya yon dahil umalis naman siya agad. Narinig ko pa ang ugong nang kotse niya. Siguro nanaginip lang ako. Hinaplos niya ang noo ko at dinampian yon nang halik. " Sorry, alam kong mandidiri ka rin sa'kin." narinig kong bulong niya. Pero wala na akong lakas na dumilat pa kung panaginip man ito ay ayoko na gumising pa. Kung ganito niya ako pakitungohan . Humiga siya sa tabi ko at sinisik ang katawan niya sa'kin at niyakap niya ako ng subrang higpit. hinahalikan pa niya ang akin mga labi ramdam na ramdam ko ang bawat galaw nang mga labi niya. Parang totoong totoo pero alam kong panaginip lang ang lahat. KINABUKASAN, nagising ako na masakit ang ulo . Mahapdi rin ang akin mata sanhi nang mag damag kong pag iyak. Bumangon ako at nag shower tinignan ko oras mag seven palang ng umaga alam kung gising na sila Daddy. Hanggang sa shower ay naiisip ko rin ang mga sinabi sa'kin ni Fabrizio na sa papel lang kami mag asawa. Pero doon ako nasaktan sa sinabi niyang may mahal na siyang iba at hindi ako yon. Muli ko naman naramdaman ang paninikip nang aking dibdib halos hindi na ako makahinga subrang sakit. Pero may na buo sa isip ko. Hangga't mag asawa pa kami ay hindi ako mawawala nang pag asa na baka mahalin din niya ako. Pag katapos ko naligo nag bihis na ako nag suklay nag lagay lang ako ng Sunblock creame para manatili ang face ko. Pag babako naabotan ko si Daddy na nag babasa nang news "Goodmorning Princess wha—" na tigilan si Daddy nang makita niya ako "Morning Daddy, si Camila po tulog pa ba?" pag iiwas ko dahil alam kong mag tatanong sakin si Daddy dahil sa pamumugto nang aking mata. " May kinuha lang siya sa manggaan. Pabalik na yon ngayon nag pasama siya kay Fabrizio. Umiyak kaba?" aniya ni Daddy. Napatigil ako dahil sa sinabi ni Daddy na kasama ni Camila si Fabrizio. Umowi pala nang maaga si Fabrizio. " Daddy punta muna ako sa studio ko ha Kung may mag hanap sakin sabihin mo natutulog lang ako gusto ko muna mapag Isa Daddy at doon na ako kakain may mga foods pa naman ako roon" aniya ko dahil ayoko makita niya na ganito ang hitsura ko ayoko malaman nila na umiyak ako. " Okey, Kung yan ang gusto mo puntahan lang kita doon at mag usap tayo" malungkot na sabi ni Daddy. Tumango lang ako sa kaniya at lumabas na ako sa bahay ay lumiko ako sa likod bahay. Bago ako makapasok sa loob nang aking studio ay natanaw ko na paparating sina Fabrizio at Camila na parihong nakangiti iisang kabayo lang ang sinakyan nila dahil hindi ito marunong sumakay nang kabayo si Camila. Kung titignan mo sila ay parang masayang mag asawa. Hindi mo mababakas sa hitsura nila ang. Pag ilang sa isa't Isa. Napa hawak ako sa aking dibdib nang bigla ito tumibok na subrang sakin. Nasasaktan ako nag seselos ako pero hindi ko alam kung kanino sa asawa ba ni Daddy na si Camila? , Isa pa wala naman akong nakikitang alitan ni Camila't Daddy. Sa katunayan masaya nga sila. Dahil minsan kona itong narinig na nag tatalik silang dalawa sa office ni Daddy. Napasandal ako sa sofa nang aking studio pinapakalma ko ang aking sarili. Gaya nga nang sinabi ko kay Daddy ayoko nang isturbo Inubos ko ang oras ko sa pag pa-print sa loob nang studio ko. Nakikipag harutan din ako sa mga pinsan ko tinatanong nila kung bakit daw namamaga ang mata ko sabi ko sumakit ang ulo ko kaya umiyak ako. hindi man sila kumbinsado ay wala din silang nagawa nakita ko ring na tumawag si Fabrizio sa cellphone ko pero hindi ko yon sinagot dahil masama parin ang loob ko sa kaniya. " Nahihirapan kana ba anak?" aniya ni Daddy nang puntahan niya ako dito sa studio ko tangin ako laang at Si Daddy ang nakakaalam sa studio na ito pag may na print ako pinupost ko sa t****k at i********: account ko pag may bumibili saka ko naman deni-deliver. " Okay lang ako Daddy kaya ko pa naman mag tiis" Alam ni Daddy ang kalagayan namin ni Fabrizio kaya lagi niyang sinasabi na pwede naman akong bumitaw na ang kung nasasaktan na daw ako. " I'm sorry anak kung nasasaktan ka pero pwede ka naman bumitaw na lang. Gusto mo bang kausapin ko siya?" aniya ni Daddy. Pero umiling ako ayoko na baka masabi ni Fabrizio na dinadamay kopa ang Daddy sa problema namin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD