Chapter 13.

1551 Words
Kinabukasan maaga akong gumising para mag luto nang almusal. Pag kauwi sa bahay kagabi galing sa manggaan ay nadatnan kong natutulog si Fabrizio sa aking kama. Pero hindi ako tumabi sa kaniya sa sofa ako natulog total kasyang kasya naman ako roon. Nag luto ako friedrice at hotdog itlog nag adobo rin ako nang manok. " Good morning Andrea, ang aga mo naman magising, " Aniya ni Ate Edlyn na kagigising rin. " Good morning Ate Edlyn, Wala naisip an ko lang mag luto diba aalis sina Daddy at Fabrizio ngayon? Kaya naisipan kong ipag luto sila, " nakangiti kong sabi. Marami rin kaming pinag kwintohan ni Ate Edlyn, di nag tagal dumating rin si Nanay Doris kasama niya ang bruha kong bestfriend. " Wow, kabilugan ba ng buwan ngayon Nay? " aniya ni Lovely. Napangiti naman ako dahil alam ko na ako ang pinaparinigan nito. " Mas maliwanag pa sa buwan Baks " aniya ko naman. Pag katapos ko mag luto ay inayos ko na rin ang Mesa. Tama lang nang matapos ako mag ayos nang Mesa nang bumaba si Camila. Di nag tagal ay si Fabrizio nakaligo na ito. "Good morning" masaya kong sabi sa kanila Wala akong nakuhang sagot mula sa dalawa. Umupo na sila kanilang mga upoan. Lumapit ako at pinag sandok ko sana si Fabrizio. " Kumain ka nang marami Fabrizio malayo pa ang bibiyahin mo" aniya ko na nilagyan nang kanin ang plato nito. " Sino nag luto nito" Itinuro pa ni Camila ang mga niluto ko. "Ako? Bakit? " aniya ko, hindi ito sumagot imbes na nag timpla nang kape at nag pahid nang tinapay. " Ito Fabs kainin mo" saka niya ni lagay sa harap ni Fabrizio ang kape at at tinapay na tinangal ang plato na ni lagyan ko nang kanin. Naningkit ang mata ko bakit siya nakikialam sa amin ni Fabrizio. Akmang iinomin naman yon ni Fabrizio nang agawin ko ang baso sa kamay ni Fabrizio. "Tika nga muna kayo ba ang mag asawa sa bahay na'to? Ikaw Fabrizio asawa mo ba si Camila? Pansin ko lang lahat nang sinasabi sayo ni Camila sinusunod mo. Ako ang asawa mo Fabrizio at siya ay asawa ni Daddy dapat ba na pag silbihan ka niya na eh nandito naman ako? " tumaas na ang boses. Nakatingin lang sakin si Camila at Fabrizio, ganun din sila Nanay Doris at Ate Edlyn at Lovely. " What are you talking about Andrea, dapat lang na asikasohin ko si Fabrizio dahil asaw-" pinutol ko ang iba pang sasabihin ni Camila. " Yon ang punto ko ako mag aasikaso sa asawa ko ikaw duty mo asikasohin si Daddy hindi ang asawa ko " ipinag diinan ko pang sabi na asawa ko. Nakita ko naman ang pag babago nang mukha ni Camila sa sinabi ko. Mag sasalita pa sana ako nang unahan ako mag salita ni Fabrizio. " Can you lower your voice Andy? Bakit mo sinisigawan si Camila? Asawa nang Daddy mo siya. Lumalabas na ang tunay mong kulay, " aniya ni Fabrizio. Kunot noo niyang tumingin sakin. "Ano? " Natawa ako dahil hindi ako makapaniwala sa sinabi ni Fabrizio. Mas kinakampihan pa niya si Camila. Mag sasalita pa sana ako nang bumaba si Daddy. " Ang aga - aga ang ingay mo Princess. " aniya ni Daddy umupo na ito sa gitna nawalan na ako nang gana kumain. Na ngi-nginig ako sa inis lumingon ako sa kinaroroonan ni Fabrizio. Seryoso lang ito nag ka kape yong binigay ni Camila ang ininom kinuha ko yong plato at ni layo kay Fabrizio. Napatingin sakin si Fabrizio nang kunin ko ang plato. Lumingon ako ulit sa gawi ni Fabrizio pero natuon ang pansin ko sa pula sa leeg ni Fabrizio. Alam ko kung ano. "Ano yan sa leeg mo Fabrizio kiss mark? Kanino ka nakipag kiss mark? Sa kabi-" diko natuloy ang sasabihin ko nang mag salita si Daddy. " Enough! Bakit napaka talkative ka ngayon Andrea? " aniya ni Daddy. Narinig kong napaubo si Fabrizio. Nanginginig ako sa galit mabilis ang kabog ng dibdib ko. " Nasa hapag kainan tayo. " dagdag pa na sabi ni Daddy. Hindi na ako nakatiis binalibag ko ang kurbeytos sa aking plato. Sinabayan ko nang tayo. Tumakbo ako palabas nang bahay, narinig ko pa ang tawag ni Daddy sa'kin pero hindi ko yon nilingon. Tumakbo ako sa likod bahay at agad na pumasok sa loob nang aking studio. Doon ko nilabas ang aking samanang loob. Kahit mag sisigaw ako ay walang makakarinig sakin dahil soundproof ang kwarto. Naiinis ako kay Fabrizio kay Camila malapit kona silang pag hinalaan na may something sa kanila. Pero wala akong proof, Isa pa asawa siya ni Daddy. Hindi ko na nakita ang pag alis nila Daddy at Fabrizio dahil hindi ako lumabas sa studio masama talaga ang loob ko. Nag text lang sakin si Daddy na paalis na raw sila at mag uusap daw kami pag balik niya. Tumawag rin si Fabrizio pero hindi ko rin yon sinagot. Gusto ko iparamdam sa kanya na galit ako. Pero Alam ko sarili ko lang niluluto ko dahil alam kong Walang effect yon dahil wala naman siyang pakialam sa'kin. Balang araw mapapagod rin ako sa ginagawa kong kahibangan. Hintayin ko na lang matapos ang isang taon na agreement namin. Para mawalan ng bisa ang kasal namin ni Fabrizio. Naisip kong sa Maynila na lang ako mamalagi para malayo kay Fabrizio. Kahit umowi siya dito ay hindi na kami mag kita pa. Sa Maynila may sarili naman bahay at condo ang mga Ramirez. Doon si Fabrizio naman may sariling penthouse sa ka nilang hotel. Pupuntahan ko si Lovely namimiss ko na rin yon. Wala rin si Jake sa manggaan dahil kasama ito ni Daddy sa Maynila. "Sino ba kasi nag sabi sa'yo na pumonta ka rito Isa pa hindi ako patay. Para dalhan mo ako nang bulaklak! " rinig kong sigaw ni Lovely, sino na naman ang kaaway nito. " Pasalamat ka nga binibigayan kita ng bulaklak. Yong iba nga nanga-ngarap na bigyan ko ng bulaklak, " aniya nang lalaki. Sa boses pa lang kilala ko na ito. Si Fabian, " Pwes sila yon! Ako! Hindi ko kailangan ng bulaklak mo. Kaya layaaaaas!! " sigaw pa ni Lovely. Boy's hater talaga ito. Kaya nga never pa nag ka boyfriend since birth. Kasi takot masaktan. " Bakit kayo nag aaway ha, Para kayong mag jowa na nag aaway" singit ko sa nag babaga nilang sigawan. Sabay pa silang napatingin sa akin. " Ay, salamat at buhay kapa Baks, anong mag jowa, hindi ako papatol sa Casanova noh, araw araw Ibang babae ang kanaig no! Never! " giit na sabi ni Lovely nakita ko ang pag igting nang panga ni Fabian parang nag tetempi lang ito. " Kasi wala pa akong girlfriend, pag nagka girlfriend na ako I only focus to her, " katwiran ni Fabian, " Saan ka ba kagabi Fabian? Nag dinner kami sa iniyo pero wala ka? " aniya ko. "see? I told you, Malamang sa mga babae niya. Kaya lumayas ka nga rito di kita kailangan dito" aniya ni lovely, hindi ko rin maintindihan kong bakit galit na galit ito kay Fabian. " Sa planta ako nag ka emergency lang Kaya ako ang na pag utosan ni Papa na pumonta" true, dahil yon din ang sabi ni Fablo kagabi. " Ang sabihin mo may Customer ka lang kagabi" sabat ni Lovely sa sinabi ni Fabian. "Tama na yan samahan mo nga ako sa bayan Baks" anyaya ko kay lovely Para matapos na ang awayan nila ni Fabian. "Buti pa nga Baks, Tara na nga " sabay hila sa kamay ko palayo kay Fabian. Naiwan pakamot-kamot sa ulo si Fabian. Habang palakad kami papunta sa kotse ay nag uusap kami ni Lovely, "Baks narinig mo ba yong mga balita sa Manggaan na may dalawa raw na salot dito sa loob nang Hacienda niyo? " Napatingin ako sa kaniya. Dahil naalala ko ang sinabi ni Jake na may salot daw na paniki sa manggaan. " Na alala ko sabi ni Jake ka gabi na may dalawang paniki daw sa manggaan" aniya ko sa kaniya. Napatigil siya at tumingin sa akin na parang nag tataka. "Paniki? Ang sabihin mo aswang yon gagi" aniya sabay binuksan na ang frontseat ng akin kotse. Pinilig ko lang ang aking ulo sa sinabi niya. Dahil na niniwala parin ito sa aswang, kahit wala naman talagang aswang sa mundong ito Diba. Habang sa loob na ako nang bookstore ay nakita ko si Cathy na mamimili din nang mga books. Napatingin siya sakin. Ngumiti ito pero hindi ako nag smile back sa kaniya. Dahil alam ko na karibal ko siya kay Fabrizio. At ayoko makipag plastikan sa kaniya. "OH, bakit ganiyan ka makatingin sa'kin Andrea Delmonte? " aniya ni Cathy na nakangising aso pa ito. Lumapit din sa'kin si Lovely. " What the s**t doing here? " pa Ingles pa na sabi ni Lovely natawa naman ako sa kaniya na palihim dahil namaiwang pa ito na. Kung titignan mo ay kontrabida sa isang tales series sa tv. " Anong problema mo dwarf " aniya ni Cathy kay Lovely. " Ano sabi mo? " aniya ni Lovely na pikon na yata ito. "Can we talk privately Andrea? " aniya ni Cathy na ikinataas nang kilay ko ang sinabi niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD