Chapter 2

2016 Words
Chapter 2- Famous Lahat tayo di tayo nakokontento sa kung anong meron sa atin gusto ng iba na mas lamang sila sa kahit kanino kahit nakakasakit at may nasasaktan na silang mahal sa buhay.... sumikat lang. 3rd Person's POV* "Ang guwapo naman ni John." "Maswerte ang babaeng mapapares niya. May girlfriend na ba siya?" "Ang crush ng bayan ng Whith University dumating na!" Dumating ang sikat na si John at ang bestfriend niya na si Zack. Puro sila mga varsity sa basketball pero mas sikat si John kumpara kay Zack pero guwapo din si John. "Bakit di mo sinabi sa kanila na jowa mo si Fei, John." Mahinang tanong ni Zack. Umiling si John bago nagsalita. "Ayaw niyang dumugin siya ng mga fans ko mas gusto pa niya na tago ang relationship namin kesa lumantad siya baka marami daw siyang bashers." Tumango tango nalang si Zack. Napangiti si John sa grupo ng Camera club na parating gumagawa sa kanya ng video para mas lalo siyang sumikat. Nagpatuloy sila sa paglalakad nang biglang may bumangga sa kanya at bago ito matumba agad niya itong nahawakan at napalapit sa kanya. "Ohhh!!!" React ng mga tao sa paligid nila. Agad naman agad kinuhaan ng isang estudyante na si Ben ang nagaganap na pangyayari. Natulala si John sa kagandahan ng babaeng hawak niya ngayon. "Sorry." Gulat na sabi ni John at inalalayan ang babaeng nabangga niya. Napatingin siya kay Ben na nagkakamera at sa mga fans niya sa kinikilig parang may naisip siyang paraan upang mas lalong sumikat. "John pala." Inilahad niya ang kamay niya sa babaeng nasa harapan niya. Nahihiyang ngumiti ang babae at tinanggap ang kamay niya. "I'm Milez." Napangiti si John dahil sa tili ng mga fans niya sa gilid. "Ngayon lang kita nakita dito... transferee ka ba?" Tanong niya at tumango naman si Milez at ngumiti. "Saan ba ang room mo ihahatid nalang kita." "Sa Room 13." Mas lalong napangiti si John dahil magkaklase sila ni Milez. "Magkaklase tayo sumabay ka na lang saakin." Napangiti si Milez at tumango. Napatingin si John sa bestfriend niya na nakakunot ang noo dahil sa nangyayari. Sa di kalayuan nakita niya ang kanyang girlfriend na kunot noong tumingin sa katabi niya at sa kanya. Lunch break agad niyang pinuntahan ang jowa sa kung saan sila parati nagkikita at sa rooftop iyon. "Babe." Niyakap niya sa likuran si Fei at hinalikan nito ang leeg nito. "Tsk. Magsama kayo ng babae mo." Umiwas si Fei pero hinabol niya padin at pinaharap sa kanya. "Babe, just an accident at yung nangyari kasalanan ko na nabangga ko siya. Pangit namang makita na di ko siya tinulungan papangit ang image ko sa kanila." Tumingin si Fei sa kanya. "Are you sure? Di mo gusto ang bagong transferee na yun?" Kunot noong sabi ni Fei at agad tumango naman si John na kinangiti ng girlfriend niya. "Wag ka ng magtampo, okey?" Ngumiti ito at tumango. Isang araw lumapit si Ben sa kanya. "John, tamang tama si Milez para mapares mo. Nako marami kang fans kong gagawa tayo ng mga cut scenes ninyo ni Milez. Bagay kayo mga magaganda at guwapo." Kwento nito. Napangiti naman siya kahit gusto niya di niya pwede ipahalata na gusto niya ang plano nito. "Ah eh... tanungin muna natin si Milez." Nahihiyang sabi ni John. "John." Napatingin siya sa nagsalita at napatingin siya sa likuran niya at nakita niya si Milez na nakangiti. Agad namang itinaas ni Ben ang camera niya para makuha ang mga sweet moves nilang dalawa. Lumapit si Milez at nahihiyang ngumiti. "Para pala sayo. Salamat dahil nasalo mo ko kahapon." Napakamot naman sa batok niya si John. At nakatingin sa regalo na hawak nito na inilahad sa kanya. "Wala yun. Kasalanan ko din naman at pwede namang di mo na ako bigyan nito ayos lang naman." Napansin niya na maraming mga fans na kinikilig na nakatingin sa kanila. "Sabay na tayo." Tumango si Milez at sumunod na sila. "Pakinggan mo ito ang ganda ng musika." Sabi ni John at inilagay nito ang isang earphone sa isang,tenga ni Milez. Napangiti naman ito at tumango. "Oo nga ang ganda." "Eiiii! Nakaka kilig!" Napatingin sila sa mga kaklase nila at napangiti nalang sila. Marami nang sumubaybay sa kanilang love story at kahit sa you tube, f******k at marami pa silang website na sikat sila at maraming followers. "Team Jolez na kami!" Sigaw ng mga estudyante na kinangiti nila. May mga gumawa na mga tarpuline, mask, mugs na may mukha nila, shirts na may nakasulat na Team Jolez Forever at marami pang iba. Marami ding bumili sa mga estudyante sa paaralang iyon. "John! Nastranded si Milez sa isang room! Iligtas mo siya!" Nanlaki ang mata ni John at agad tumakbo at ganun din ang mga fans nila. Hanggang makarating sila sa room na iyon at narinig nila ang iyak ni Milez. "Milez, nandyan na ako! Teka lang sisipain ko lang ang pintuan." Panik na sigaw ni John at ilang ulit niya itong sinipa hanggang sa bumukas. At agad siyang pumasok at nakita niya si Milez na nanginginig sa sahig. Agad niya itong nilapitan at binuhat. "John..." naiiyak na sabi ni Milez. "Don't worry, nandito na ako." Yumakap si Milez sa leeg nito at agad naman silang lumabas sa room at pinaupo niya ito sa bench sa labas may mga maraming fans pa ding nakatingin sa kanila at nagpalakpakan. "Thank you, John." Hinawakan ni John ang kamay niya. "Nanginginig ang kamay mo." "Di ko mapigilan. Natatakot talaga ako sa loob." Umiiyak nanaman ang dalaga at agad naman niya itong niyakap. Marami na silang viewers, followers, at lakers na parating sumusubaybay sa kanilang love story at palagi iyong nadadagdagan araw araw. "Ano ba! Iba na ang nakikita ko, John!" Sigaw ni Fei. "Just an Act lang iyon, Fei. Maniwala ka naman. Alam mo naman na ikaw lamang ang gusto ko at mahal ko at di na iyon magbabago." Todo yakap ang ginawa niya sa girlfriend niya dahil madali iyong mag selos at magalit. "At para saan naman yang acting na yan para rumami ang fans mo?" Kunot noong sabi nito. "Oo, kung maraming fans maraming pera, Fei. Sana maintindihan mo ko." Nakatingin lamang siya sa boyfriend niya na parang nagdadalawang isip. "Promise, ko sayo ikaw at ikaw lamang ang mamahalin ko. At si Milez ginamit ko lang siya." Napabuntong hininga nalang ito at tumango. "Thank you for trusting me." Sa isang banda. Ininterview ni Ben ang mga fans nila kahit ang,iba ay puro mga guro nila. "Anong masasabi mo kay Milez sa klase niya, Maam?" Tanong ni Ben. "Si Milez, matalino siya at mabuti siyang example sa isang mabuting estudyante." Nakangiting sabi nito. "Si Milez mabait siya at matulungin. Tinuturuan nga kami sa mga subjects na mahirap eh." Sabi ng isang estudyante na kaklase ni Milez. "Oo nga." Magkasabay na naglalakad sina Milez at John papuntang canteen. "Libre na kita." Sabi ni John at napangiti nalang si Milez at umiling. "Nako wag na." "No, libre na kita. Please!" Nagpuppy eyes pa si John na kinangiti muli ni Milez. "Sige na nga." At umalis na ito. Napatingin si Milez sa isang estudyanteng masamang nakatingin sa kanya at yun ay si Fei. Nginitian niya nalang ito. Bumalik si John at may dalang mga pagkain. "Bukas gaganapin ang sports fest papanoorin mo ba ako?" Nakatutok ngayon ang camera sa kanila nasa gilid nanaman si Ben upang kuhaan sila ng video. Napatingin si Milez sa paligid at marami nanamang nakatingin sa kanila. Ngumiti siya at tumango. "Oo, naman. Ako atah ang number one fan mo kahit sa puso mo." Marami ang nagtitili sa paligid at napangiti naman si John dahil sa sinagot nito. Sa araw ng sports fest marami na ang tao sa loob ng gym para sa laro. Habang naglalaro si John nagchecheer naman si Milez sa gilid pero masama pa ding nakatingin si Fei sa dalaga. Nagsigawan ang lahat nang manalo ang grupo nila John at ganun na din ang mga fans nila. Lumapit si John sa dalaga at pinunasan naman ni Milez ang pawis nito at binigyan ng tubig. "JOLEZ! JOLEZ! JOLEZ! JOLEZ!" Hiyawan nila. Pero nagulat ang lahat ng biglang lumuhod si John. Natahimik ang lahat at hinihintay ang susunod na mangyayari. "Milez, will you be my girlfriend?" Nagulat naman si Milez sa tanong nito. "Yes." Naghiyawan ang lahat ng fans nila dahil sa nangyayari. Pati si John napangiti sigurado siya na mas dadami ang fans niya. "Pero may tatlong rules ako." Natigilan muli ang lahat sa sinabi ni Milez. "A-ano iyon?" "Una ay wag na wag mo kong iiwan then ang ikalawa wag mo kong iiwan at ang pangatlo ay same padin walang ibang makapaghihiwalay sa atin." Nakangiting sabi ni Milez. Naghiyawan muli ang mga fans sa loob ng basketball court. "Ano ba, John! Bakit umabot sa ganun! Ginirlfriend mo pa siya!" Iyak na sigaw ni Fei kay John sa tagpuan nila. "Sorry, Fei. Pero don't worry ikaw naman talaga ang mahal ko at di na yun magbabago." "No! Hiwalayan mo siya kundi makikipagbreak ako sayo!" Nagpanik naman si John at agad niyakap ang jowa. "No...No... please. Gagawa ako ng paraan." "Ako na." Sabi ni Fei. May inutusan si Fei na may lalandi kay Milez at binayaran niya iyon at success naman ang plano. Gabi na at inilagay niya sa gym ang mga litratong binigay ng photographer sa kanya. Nakangiti siya habang idinikit sa white board ang mga litrato nang nagulat siya nang biglang may flash galing sa cellphone ang umilaw at pagtingin niya napakaraming estudyante na nakamaskara ng kalahi sa mukha nila John at Milez ang nakatingin sa kanya. "JOLEZ! JOLEZ! JOLEZ!" Umatras atras siya hanggang sa dumugin siya ng mga fans nila John at Milez. Ginamot ni John si Fei sa tagpuan nila. Masakit sa binata ang nangyari sa girlfriend niya at di niya mapapatawad ang sarili sa nangyayari ngayon. "Isa nalang ang plano ko." Napatingin si Fei sa nobyo. "A-ano..." "Ang patayin siya." Sabi nito habang nakatingin sa mga mata ng nobya. "Ako ang gagawa at ikaw magpapanggap ka na masasaktan ka sa nangyayari." Naglalakad si Milez papunta sa upuan niya at napatingin siya sa sulat na nasa mesa. Binuksan niya iyon at binasa. Dear My Love Milez,    Punta ka sa rooftop my surprise ako sayo. Love John. Inilapag niya ang sulat at lumakad papunta sa rooftop nang pagbukas niya ng pinto biglang may pumalo sa kanya ng pala na kinatumba agad nito. Busy ang lahat sa canteen habang nagkukuwentuhan tungkol kina John at Milez. Nang nagulantang ang lahat nang biglang may nahulog galing sa taas at nagulat sila sa nakita dahil si Milez iyon. Agad silang nagsilapitan at nagsiiyakan dahil sa nakita. "Teka ano yan?" Dumating si John at agad lumapit sa katawan ni Milez at umiyak. "Sinong may gawa nito sayo, Milez. Sino!" Tulala naman si Fei habang nakatingin sa taas dahil sa nangyari. Niyakap ni John si Fei at nakangiting tiningnan ang nobya. "Nagawa mo at ngayon tahimik na tayo." Masayang sabi ni John. Tulalang tumingin si Fei kay John. "Di ako ang may gawa nun." Nagulat si John sa sinabi ni Fei. "Huh?" Flashback... Hinihila ni Fei si Milez palayo sa pinto at ipinatayo para sana ihulog sa rooftop ng biglang nagmulat ng mata si Milez na kinagulat ni Fei. "Hmm... ang luma naman ng plano niyo. Pero ikaw mismo ang nagtulak saakin kay John." Nakangiting sabi ni Milez at agad naglakad paupo sa railings ng rooftop. "Tandaan mo. Pinaubaya mo na si John saakin... akin na siya hanggang sa huli." At isang iglap nagpahulog siya sa rooftop na kinalaki ng mata ni Fei. End of Flashback.... "Hush hush... patay na siya. Di na niya tayo mapaghihiwalay." Sabi ni John sa nobya. Biglang tumunog ang cellphone ni John at tumawag ang bestfriend niya na si Zack. "Oh?" "John, pumunta ka ngayon sa hospital. Ngayon na." At binaba na nito ang telepono nagkatitigan naman sila. Nakarating sila sa hospital at maraming estudyante ang nasa labas ng kwarto ni Milez. "Dito ka lang." Sabi niya sa jowa at tumango naman si Fei. Lalakad sana nang biglang nakaharap ni John ang doctor. "Ikaw ba ang nobyo ng pasyente dito?" Tanong nito. At walang malay siyang tumango. "Stable ang kalagayan ng pasyente at wala siyang pamilya dito kaya ikaw na ang magbabantay sa kanya." Natulala si John sa sinabi ng doctor kahit si Fei ay napaupo sa malamig na sahig. Tulalang naglakad si John papunta sa kwarto ni Milez at nakita niya na natutulog ito makikita talaga ang sira sa magandang mukha ni Milez dahil sa pagkakabagsak nito sa sahig at may mga estudyante ding nakamaskara sa loob ng kwarto ni Milez. "JOLEZ! JOLEZ! JOLEZ! FOREVER...  ang rule one ninyo ay walang iwanan ang rule two naman ay walang iwanan pa din kahit ang rule three ninyo ay walang ibang makapaghihiwalay sa inyo." Sabay sabi ng mga estudyante sa loob at labas ng kwarto ni Milez. Napaluhod si John dahil sa nangyayari. "Aaaaaaahhhh!!!" Sigaw nito. ****** LMCD 

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD