CHAPTER 24 WARREN'S POV Parang ayaw pa ng katawan ko na gumising ang kaso ang lamig lamig tapos parang may umuuga sakin or umuuga talaga ako; malamig dahil parang basa ako.May naririnig din akong mga boses. "May shark! Gumising ka naaaaa!" "Piranhaaaa!" "Shaaark!" "Piraaaanhaaa!" "SHARK NGA EH!" "GUSTO KO PIRANHA MAS NAKAKATAKOT YON!" "SHARK KAYA!" Napabangon ako bigla habang sumisinghap, anak ng pating at piranha. Paano kung may barracuda din? "Nasaan nasaan? May barracuda ba? Damn it! Alis na tayo-" Napatigil ako at inikot ko ang paningin ko sa mga taong nakatingin na lang sa akin ngayon, naririnig ko pa sa likod ko si Mommy na hindi kami pinapansin. Naaalala ko na kung nasaan ako. Lalong kumunot yung noo ko ng nagtawanan silang lahat.

