Simula

1425 Words
Simula "Have you heard the news about our classmate? Si Nikko iyong kilala sa campus na nonchalant nerd na kaklase rin natin," panimula ni Nadine habang nag-apply ng lip gloss sakanyang labi. Nandito kami ngayon sa loob ng cr at nagre-retouch, naghahanda para sa susunod na subject. "Oh, iyon ba? Rinig ko nga rin na nireject niya si Celeste, iyong social climber na nangagaya sa'yo Bea," dugtong ni Ella. "Hindi naman kayang gayahin, mukha pang paa." Natawa na nalang kami ni Nadine sa sinabi niya. Ella and her savage words. Nakikinig lang ako sakanila habang inaabala ang sarili ko sa pagpo-polbo at pagpapahid ng lip gloss sa labi. It's not like hindi ako updated sa tsismis sa school, hindi lang talaga ako nagsasalita tungkol doon. Like para saan pa? Sayang laway. Hinahayaan ko lang 'tong dalawa na magtalk at pakunwari na walang alam. Ella and Nadine are my best friends, at gaya ko rin updated din sila sa nangyayari dito sa school, iyon nga lang lantaran silang nagtsi-tsismis kahit pa may ibang taong nakakarinig unlike me na tahimik lang. "Iba rin kasi datingan no'ng nerd na iyon. Ang angas, pogi, matangkad plus matalino, saan ka pa 'di ba?" dugtong pa ni Nadine, mukhang tapos na sa ritwal niya sa mukha. "Maski ako na-po-pogian din sakanya." Nakita ko sa gilid ng mata ko kung paano tumango si Ella sa sinabi ni Nadine. Well, gwapo naman talaga si Nikko at habulin kahit na wala siyang pakialam sa paligid niya, hindi ko lang talaga type. "Sang-ayon ako dyan, Nadine. Kung hindi lang gano'n ugali niya baka nagkagusto na rin ako sakanya at napa-confess ng malala," said Ella, almost done retouching her eyebrows. "Buti na lang talaga unbothered 'tong kaibigan natin pagdating sa mga lalaki. Hm, di mo type?" tanong ni Nadine sabay tingin sa'kin. "Me? You know abala ako sa pagsasayaw at pagkanta 'di ba? Wala sa isip ko ang lalaki," sagot ko, tapos na rin magretouch. "See, no chance... pero ang dami kayang nagkakagusto sa'yo. Anyway, tapos na akong magretouch," sambit ni Ella at inilagay sa bulsa ng skirt niya ang mga ginamit. Isa-isa kong nilagay sa bulsa ng skirt ko ang polbo at lip gloss. "I don't mind though, tara na? Baka ma-late pa tayo," sambit ko saka sila binalingan ng tingin. Lumabas na kami ng cr at habang nasa hallway, may i-ilan na kumakaway sa gawi namin, may magha-hi at may i-ilan naman na nginingitian ako. Nakasalubong namin si Celeste pero agad din siyang nag-iwas ng tingin nang makita kaming naglalakad. "Si gaya-gaya oh," mahinang bulong ni Ella. Kinurot ko nga sa tagiliran. "Kairita pagmumukha eh." "I must agree, Ella." Segunda naman ni Nadine. Sabay silang tumawa at pakunwaring nagbubulungan habang nakatingin kay Celeste na ngayon ay pumasok na sakanilang room. Napabuntong-hininga na lamang ako. Ito talagang dalawang 'to walang pinapalampas. Pareho nilang nilingkis ang mga braso nila sa'kin habang naglalakad sa hallway. Naupo kami sa sari-sarili naming upuan pagkapasok ng room. Umayos kami ng upo nang makita namin si Sir Ion na nakasunod kay Nikko, dala ang ang sandamakmak na test papers. Kung hindi ako nagkakamali iyong dala niya ay iyong exam namin sa Physics. Napapikit ako ng mariin nang maalala ko ang mga sagot ko ron'n, ilan lang ata ang may sagot doon. Hindi pa ako sigurado kung may tama. "Since ikaw Nikko ang highest sa exam, distribute the papers to your classmates," ma-awtoridad na sabi ni Sir. Agad namang kinuha ni Nikko ang mga papel sa mesa ni Sir saka sinimulang ipamigay. Naririnig ko ang bawat mahihinang mura mula sa mga kaklase ko habang ang iba ay pinupunit ang papel at nilulukot. Napamura na lang ako sa isip ko nang tumapat sa harap ko si Nikko. This is pancit, hello itlog. Bago niya i-abot sa'kin ang test paper ko, pabalik-balik ang tingin niya sa'kin at sa papel na hawak niya. "What now?" hinigit ko ang papel sa kamay niya. "Cheers to your egg, Miss Altara," he said in a very insulting tone. Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. What the actual f**k? Sinabi niya iyon mismo sa harap ko? Tanginang! Porket matalino siya sa lahat, iinsultuhin niya ako dahil sa itlog 'kong score?! Nag-effort naman akong sumagot ah, hindi nga lang tama. Bago pa man ako makapagsalita ay umalis na siya sa harap ko. Nilukot ang papel sa kamay ko at buong tapang na tumayo. Nakatalikod naman si Sir kaya okay lang. Nilingon ko ang kinaroroonan Nikko at walang sabing ibinato iyon sakanya. Boom sapol sa ulo. Bago pa man siya makaharap ay umupo na ako at nagkunwaring nagsusulat sa notebook. "Gaga ka, bakit mo binato?" Mahinang bulong sa'kin ni Ella. Narinig ko ang mahinang tawanan ng ilan sa kaklase namin. Deserve niyang mabato, gagong iyan! "Tama bang insultuhin ako dahil sa grades ko?" balik tanong ko, nangangalaiti sa inis. Gano'n ba siya magsalita? Ang sama ha! "Hoy, anong nangyari? Mukhang mangangain ng buhay si Nikko, oh." Mahinang bulong ni Nadine habang nginunguso ang kababalik lang na lalaki sa upuan niya. Umirap lang ako nang mapatingin ako sa gawi niya. "Ininsulto si ate mo, ayon binato ng papel." Sagot ni Ella, nasa unahan ko si Nadine kaya hindi niya nakita. "Hindi naman niya alam kung sinong bumato," sabi ko at tinuon ang pansin sa harap. Hanggang ngayon naiinis pa rin ako, parang nag e-echo sa tenga ko ang boses niya habang sinasabi niya iyon. "Gaga, papel mo yon 'di ba? Eh di kita pangalan mo ro'n," naiiling na sambit ni Nadine. Tangina! Oo nga pala, papel ko pala iyong binato ko sakanya. Nasabunutan ko ang sarili sa katangahan. Makikita niya ang pangalan ko ro'n for sure at sa tingin ko nakita na niya kasi hindi na lukot. Shit! "Gago, kita niyo iyon? Ngumiti si Nikko," sambit pa ni Ella. "Namamalikmata ka lang, hindi iyan ngumingiti," giit naman ni Nadine habang pinaglalaruan ang ballpen sa mga daliri. "Quiet class and start writing." Sabi pa ni Sir saka nagsi-ayos ng upo ang mga gaga. Pagkatapos ng klase, I tried my best to set aside the thoughts of being insulted by Nikko, that nonchalant nerd. Habang naglalakad sa hallway, ito mga kasama ko ay panay asar sa'kin dahil sa itlog kong score. Hindi ko alam kung mga kaibigan ko pa ba to or ano eh. I sighed countless times just to divert my attention pero tawa pa rin ng tawa mga demonyita kong mga kasama. Kapag talaga ako napuno dito, sila sasabunutan ko. "We dare you to make papansin to the so-called nonchalant nerd, ililibre kita ng ticket kung sakali man na magpa-concert dito sa Pilipinas ang EXO, vip pa," natatawang sabi ni Ella. "Ako naman kahit anong gusto mong bilhin na cosmetics galing Seoul," segunda naman ni Nadine. Nagawa pa talaga nilang mag-apiran habang ako rito badtrip. "Wala akong panahon diyan, mga gaga kayo," sabi ko at inunahan silang maglakad. Umuna na ako dahil pakiramdam ko masasakmal ko silang dalawa. May ilan na kumakaway sa'kin pero hindi ko pinapansin dahil walang-wala ako sa mood. "Pagpasensiyahan niyo na, wala sa mood," natatawang sambit ni Ella sa mga nakakasalubong namin. "Think about our offer, Bea." Dahil sa inis ko, nilingon ko sila at sabay sabing, "500k each of you, deal!" "Okay deal!" sabay pa nilang sagot. Mga mayayaman nga naman. "Una na ako sa inyo, bye!" pagpaalam ko nang makarating na sa bus station. "Cheque kailangan ko ha?" sabi ko bago sumakay sa kararating lang na bus. Kinawayan lang nila ako habang tumatango-tango. They are still giving me a subtle smirk while waving their hand at me kaya umirap ako na siyang tinawanan ng mga bruha. May araw rin kayo sa'kin. May mga sarili silang sundo kaya okay lang na mauna ako sakanila. Ilang beses na nila akong pinilit na sumabay sakanilang dalawa pero tinatanggihan ko. Iniiwasan 'kong magka-issue kaya hangga't maari ayoko unless may valid reason. May bus naman kaya okay lang na magcommute mag-isa. Nilagay ko sa kandungan ang bag nang makaupo sa tabi ng bintana. Kailangan ko pang maglinis ng apartment dahil may darating daw na ka-share ko sa room. Gusto ko rin naman dahil masyadong mahal ang renta para kahit pa-paano maka-less sa gastusin, idagdag mo pa na studio type. Malaki kasi ang espasyo ng apartment na yon kaya sa ibang bahagi no'n ay ginawa kong practice room though kurtina lang nakaharang. Pagkarating ko, agad akong umakyat sa 2nd floor at habang papalapit sa unit kinaklaro ko ang nakatayong - teka lalaki? Binilisan ko ang paglalakad hanggang sa natigilan ako nang makilala ko na kung sino iyong nakatayo sa labas. "Ikaw?!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD