Nadine's POV Inuwi ko si Bea sa bahay dahil awang-awa na ako sa itsura niya ngayon. Nasasaktan din kami sa nangyayari sakanya. Hindi namin alam ang dahilan kung bakit nagkakagano'n siya at naniniwala ako na hinding-hindi magagawa ni Nikko na magcheat sakanya. "Sabing huwag mo akong hawakan, eh!" pagtataboy ni Bea kay Nikko. I could see how painful it is for Nikko na ipinagtutulakan siya ni Bea. Hindi ko alam kung hanggang kailan 'to tatagal. Bea seemed getting back to her old self. "Nikko, ako na. Kami na ang bahala sakanya ni Ella. Magpahinga ka, wala ka pang tulog ng maayos the past few days." Marahang sabi ko at tinapik siya sakanyang balikat. Huminga siya ng malalim at kita ko sa gilid ng mata ko kung paano tumulo ang luha mula sa mga mata niya. I never seen a man crying for his

