Mabilis kaming dinaluhan ni Sir. Sa sobrang tapang no'ng asido, hindi kinaya no'ng gloves. "Rinse your hand with water," sambit ni Sir. "You two, escort her." Tukoy niya kay Nikko at Jiro na hanggang ngayon ay hawak pa rin ang kamay ko. Binawi ko iyon sakanila at tuwid na tumayo. "Hindi na po, Sir. Kaya ko naman po." Untag ko at dali-daling lumabas ng lab room at tumungo ng banyo. Binuksan ko ang faucet at gano'n na lang pag-ngiwi ko no'ng sumakit iyon, gaya kanina na para nasusunog. "Shít! Ang sakit!" Hindi naman gano'n kalaki iyong lapnos pero ang init at ang sakit. The pain were undeniable. The intense heat and stinging sensation can cause discomfort. Napasinghap ako no'ng bigla kong maramdaman na may yumakap sa akin mula sa likuran. Nag-angat ako ng tingin at nakita si Nikko na s

