"Ang tagal niyo ha? Kitang-kita namin mula rito kung paano kayo magharutan, amp!" bungad sa amin ni Nadine na naka-halukipkip. Nagkibit-balikat na lang din si Ella na mahinang tumatawa. "Nainip kami ng very slight, mare." Tumawa ako. "Akala ko kasi nagsimula na kayo. Hindi ko alam na naghintay pa pala kayo, sorry naman." Sabi ko at lumabi. Binitawan ko si Nikko at inakbayan ang mga kaibigan ko. "Tara na?" pag-anyaya ko dahilan para mabuhayan sila. "Pasalamat ka talaga mahal ka namin, naku!" gigil na sambit ni Nadine. "Sorry na nga, bebs." Pilyong sabi ko na inikutan lang niya ako ng mata. "Let's go!" sigaw ng dalawa sabay taas ng kanilang kamay. "Here we go, let's enjoy!" Sabay-sabay kaming pumasok sa loob na may ngiti sa mukha. Iyong mga lalaki ay nakasunod lang sa amin na abala sa

