Kanina ko pa napapansin ang panakaw tingin nila Nadine at Ella. Sinamaan ko sila ng tingin dahilan para mahagikhikan sila. "Mukhang may nadiligan, ah. Blooming kahit kagagaling lang sa practice," pilyong sabi ni Nadine saka nito isinubo ang isang pirasong chicken nuggets. "At saka girl, kitang-kita ang cleavage mo, baka puwede mong takpan." Sabay kaming napaubo ni Nikko saka niya ako binigyan ng tubig na agad ko naman ininom. "S-shut up, Nadine! Kumakain tayo." "Buti na lang talaga at nakabantay kami sa labas or else mabubuking mayo," Ella chimed in, chuckling. Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya at kita ko sa gilid ng mata ko kung paano natigilan si Nikko. "Nandoon kayo?" hindi makapaniwalang tanong ko. "Oo, nakalimutan kasi ni Nadine ang selpon kaya binalikan namin tapos nakarinig k

