"Anong karapat mong paki-alam ang buhay ko, sawang-sawa na ako sa pang hihimasok mo. Ano pa bang gusto mong marining para lang ipasok po d'yan sa kokote mo na may asawa na ako at may anak na rin kami." sigaw ni Four, halatang na shock ang mukha ni Stefy sa narinig at nag palipat-lipat ng tingin sa kanilang dalawa. Hinablot ni Four pabalik sa kanya ang cellphone n'yang hinila nito. "What did you said?" "May anak na sila?" ulit ni Cassy. "Paano ka na kakasigurado na anak mo ang anak n'ya. All along si Toby ang sinamahan n'ya, na sira ang buhay ni Toby dahil sa kanya. Itinakwil s'ya ng parents' mo dahil sa kanya tapos aakuin mo ang anak n'ya." "Wala akong kailangan patunayan sa'yo Stefy. Wala din akong balak na ipilit ang anak ko kahit kanino," wika ni Sofie. "At paano ang anak natin Fo

