Liza POV Inabangan ko umuwi sa bahay ang asawa ko. Anong oras na hindi pa rin ito naka uwi sa bahay. Panay rin ang tawag ko sa number nito ngunit hindi man lang ito sumagot. Gigil na gigil ako dahil ngayon lang ito umuwi ng matagal. "Yari, ka' talaga sa akin kapag wala kang dahilan kung bakit late ka umuwi?" bulong ko sa hangin. 9: 00 pm na dati, 7: 00pm pa lang narito na ito. Pero ngayon mag 10 na wala pa rin ito. Hindi nagtagal may sasakyan ako narinig. Siguro sya na ito humiga ako sa kama sabay pikit ng aking mata. Hindi ako nagmulat ng aking mata. Maya-maya bumukas ang pinto. Naramdaman ko tumabi ito sa akin. Ngunit nagkunwari ako gumalaw upang hindi nya ako mahalata na gising pa. Amoy na amoy ko ang alak mula sa bibig nito. Kung ganun naglasing ito kasama ang babae nito.

