How hard it is to find happiness? Ano ba ang mga dapat at hindi dapat isakripisyo para makamit mo ang kaligayahang hinahangad mo? Ano ba ang mga dapat at hindi dapat sundin ng isang tao para siya ay sumaya? Kailangan ba niya munang maghirap at dumanas ng sakit bago siya maging masaya?
Sabi nga ng iilan sa atin na maikli lang ang buhay kaya nararapat lang na mabuhay tayo ng naayon sa ating kagustuhan at maging masaya sa buhay na ating dinanas. Pero paano kung may isang tao na sa murang edad pa lamang ay pinagkaitan na ng kasiyahan? Paano niya kakamitin ang kasiyahang ninanais? Ang pagpatay pa ang solusyon? Para sa kaniya masaya siya kapag may napapatay. Pero hanggang doon na lang ba talaga?
[March 6, 2005, 6 PM Philippines]
"Hanz! Hoy gaga!" Itinigil ko ang aking pagbabasa ng libro at ibinaling ang tingin kay Yvonne na kasalukuyang naglalakad palapit sakin. Tinaasan ko lang ito ng kilay at pinagpatuloy ang pagbabasa. "Did you receive any e-mails?" Pagpapatuloy nito sa kaniyang sinasabi at umupo sa harapan ko.
"Hindi ko alam." Inilipat ko ang pahina ng libro ng bigla niya itong inagaw sakin. Tsk. "Bakit ba?" Isinandal ko ang likod sa silya at tumingin sa kaniya.
"Basically, me, Judy and Hanes received an e-mail from an anonymous person. So baka meron ka din." Nagkibitbalikat lang ako at tumingala sa kisame. Apaka boring naman dito.
"Hoy! Makinig ka naman." Umayos ako ng pag-upo at walang ganang tumingin sa kaniya. "Ano ba kasing meron sa email na iyon at para kang timang diyan." Sinamaan lang niya ako ng tingin at inirapan.
"Buksan mo nalang iyong sayo ng malaman mo kung meron o wala." Tsk. Tumayo ako mula sa pagkakaupo at naglakad papunta sa computer dito sa librarya. Mabilis akong tumipa at binuksan ang mga email na natanggap ko ngayong linggo.
"San ba diyan?" Umupo ito sa tabi ko at binasa ang mga pangalan ng mga nagpadala. "Yan! Meron ka din! OMG! TAYO PALANG AP-" Kaagad kong tinakpan ang bibig ni Yvonne at baka marinig kaming nag-iingay ng librarian. Kung magkataon ay magco-community service na naman kami. Ang init pa naman.
"Sorry." Pabulong nitong sabi sakin at masayang binasa ang laman ng email. Ano ba kasing meron sa email na yan? Tsk.
"Ano ba kasi yan?" Naiiritang tanong ko sa kaniya at tinarayan lang ako. Aba't.
"Nawawala kasi itong email after mabasa ng pinadalhan. Actually pare-pareho lang naman yung email natin." Litanya nito at napairap nalang ako sa inis. Ano namang connect non sa tanong ko?
"Wala ka ding sense kausap minsan." Sinamaan lamang niya ako ng tingin at tinaasan ko lang siya ng gitnang daliri. "Ang pangit mo pa rin kasama." Umismid lang ako at bahagyang pina-ikot ang swivel chair at bumulong sa kaniya. "Mas pangit ka."
Bakas sa mukha niya ang inis pero patuloy lang ako sa pagtawa at bahagyang sinundot-sundot ang kaniyang tagiliran. "Galit kana niyan?" Natatawang biro ko sa kaniya at umiling.
"Seryoso ano ba kasing meron diyan?" Seryosong tanong ko sa kaniya. Huminga muna siya ng malalim bago nagsalita at ngumiti sakin. "Well, a secret organization in France offered us to be part of them. Kasali tayo sa mga bagong recruit na mga kabataan this year." Bakas sa mukha niya ang saya at excitement. Ano namang kabaliwan 'to?
"And? How sure are you na hindi yan scam?" Hinila niya ang kamay ko at mahigpit iyong hinawakan. Ano na namang pakulo 'to?
"Nararamdaman ko." Nakapikit nitong sabi sakin at may nginig-nginig pang nalalaman. Hinablot ko ang kamay ko mula sa kaniya at nandidiri siyang pinasadhan ng tingin.
"Maka tingin naman tung bruha parang rapist ako!" Nahihibang na yata siya. Tumayo ako at naglakad palabas ng library at iniwan si Yvonne mag-isa doon. Nakakawalang gana naman kasi kausap, kung ano-ano pinagsasabi.
"Secret organization nasobrahan yata sa e-book ang gaga." Napahinto ako sa paglalakad ng may maramdaman akong kakaiba. Ikinuyom ko ang aking kamao at nagpatuloy sa paglalakad.
Lumiko ako sa kanan ngunit ramdam ko pa rin ang presensya ng sumusunod sakin. Catholic School nga may multo naman yata.
Huminga ako ng malalim at pinakalma ang sarili. Kung sino man 'tong sumusunod sakin pupugutan ko 'to ng ulo.
Habang pabilis ng pabilis ang paglalakad ko ay unti-unti ko na rin naririnig ang yabag niya. Nang-iinis ba 'to? Kinuha ko ang ballpen na nasa bulsa ng palda ko at hinawakan iyon ng maigi.
Mas binilisan ko pa ang paglalakad ko at lumiko sa kaliwa papuntang locker room at nagtago sa gilid. Inilabas ko ang ballpen na hawak ko kanina at inantay ang sumusunod sakin na lumiko sa kinaroroonan ko.
Ten. Nine. Eight. Seven. Unti-unti ng lumalapit sa kinaroroonan ko ang mga yabag niya at mas lalong hinigpitan ang pagkakahawak ko sa ballpen. Three. Two. One.
Tumigil ito sa paglalakad at lumingon-lingon sa sulok. Medyo madilim na rin sa loob ng paaralan dahil alas a-alas syete na rin ng gabi.
Dahan-dahan akong naglakad papunta sa kaniya at iniwasang gumawa ng anumang ingay ang takong ng sandals ko.
Nang ilang dangkal na lang ang layo ko sa kaniya at akmang sasaksakin ito ng ballpen nang bigla itong magsalita.
"Being quiet and sneaky is not enough Ms. Panis. You also need to hide your presence and calm yourself." Dahan-dahan siyang lumingon sakin at pagkatapos ay ngumiti. Weird.
"Hello señorita, that was quiet impressive I tell you." Hindi nawala ang mga ngiti sa labi niya at bahagyang yumuko pagkatapos ay hinawakan ang kamay ko at hinalikan ito. Anong problema ng matandang 'to?
Mabilis ko'ng hinila palayo sa kaniya ang kamay ko at tinalikuran siya. Anong oras na ba? Ibinaling ko ang tingin sa orasang pambisig ko at alas syete na pala ng gabi. Kaya naman pala kumakalam na ang sikmura ko.
"Did you receive an email?" Napatigil ako sa paglalakad at nilingon siya. Nakakunot noo ko siyang tinignan at sinuri ang pagkatao nito. Para siyang nasa men in black except hindi ito naka suit.
"I did, how did you know about that?" Ipinikit ko ang mata ko at huminga ng malalim. Papangit ka self kung papatulan mo yan. Tinalikuran ko siyang muli at naglakad na palayo sa kaniya.
Nakahinga ako ng maluwang nang maramdamang hindi na ito sumunod sakin. Tinitigan ko ang ballpen na hawak-hawak ko kanina at nilaro-laro iyon sa mga daliri ko. Bahagya ko itong inihagis pataas, bago pa man ito malaglag ng tuluyan sa sahig ay iniikot ko sa ere ang aking sarili at pinatid iyon sa direksyon ng lalaking nasa kabilang building.
Tinaasan ko siya ng gitnang daliri at nagpatuloy sa paglalakad. Magkasama kaya sila ng lalaking nakaharap ko kanina? Tsk.
Kung kaming apat ang nakatanggap ng email na ipinadala ng organisasyon na iyon paniguradong hinahanap din nila sina Yvonne. Napatigil ako sa paglalakad nang mapagtanto na iniwan ko si Yvonne sa librarya kanina at nasa quarter naman sina Hanes at Judy. "Bwesit."
Mabilis pa sa alas-kwatro ko'ng tinakbo ang quarter namin at naabutang nakasarado ang pinto. "Judy, Hanes, Yvonne? Nandiyan ba kayo sa loob?"
Sa bawat paglipas ng segundo ay siya namang pagbilis ng kaba ko. Bwesit. Inikot ko ang doorknob ng pinto at hindi naman ito naka lock. Binuksan ko ng tuluyan ang pinto ng kwarto namin at nakitang walang tao roon.
Mabilis akong pumasok sa loob nang bigla akong may naapakang kung ano sa sahig. May kung anong tumama sa leeg ko na naging dahilan ng pandidilim ng paningin ko. "Anong?"
Tuluyang bumagsak ang katawan ko sa sahig at may narinig na nagbubulungan sa di kalayuan. Pilit ko'ng itinukod ang kamay ko sa sahig upang bumangon. "Judy? Putang ina."
Tuluyang nandilim ang paningin ko at nawalan ng malay.