I was looking forward to it. To be with Faven for 24 hours? That's the best feeling ever.
But that excitement eventually faded when kuya Rev spoke to me the next morning.
"He decline Red"
My hands formed into fist. "What do you mean?"
Kuya Rev sighed. "Hindi pwede ng 24 hours duty si Faven, Red. He can't be stay in because he has work to do beside guarding you. I only hired him to accompany you when you're going out. Kapag naandito ka sa bahay, hindi mo kailangan ng magbabantay" May binigay siyang papel sa akin. "Ito ang number ni Faven. You can call him para masamahan ka niya sa mga lakad mo."
Tulala kong tinanggap ang papel, not bother to look at it.
"But make sure that he's always beside me. I'm anxious when he's not around" I reasoned out before I slowly accepting the truth.
Fine. Tanggap ko na hindi pwede pero ang panget naman na hindi ko siya makikita. What I want is more time with him! Gusto ko nga siyang makilala eh.
Kumamot siya ng tungki ng ilong. "Ang gulo mo talaga. Sabi mo no'ng isang araw, ayaw mo ng may aaligid sayo tapos ngayon gustong gusto mo na"
E kasi gustong gusto ko siya.
"Mapagkakatiwalaan ko siya. May ganoon kasi siyang vibe. Hindi siya nakakairita"
"Because he's trustworthy. No problem with him" pag-agree pa niya. "Sige. Aalis na ako"
"Saan ang punta mo?"
"Tagaytay"
"Ingat ka"
Bagsak ang balikat ko sa naging desisyon ni Faven and I'm so sad that I couldn't do anything about that. Ayaw niya ako kasama 24/7.
Ayaw niya ba ng may kasamang maganda?
But that will not stop me from knowing him. Tumingin ako sa papel na binigay sa akin ni kuya Rev.
Sabi niya , I can contact him using this number para tuwing kailangan kong lumabas ay may bantay ako.
Hmm...
This is interesting. Ma-try nga.
Kinuha ko ang phone ko. Inilagay ko sa contacts ko ang number niya at pinangalanan.
Kaagad ako nagtipa ng mensahe.
Ako: I'm going to the mall. I need you here. ASAP!!!!
I didn't expect that he immediately replied. Dali-dali ko iyong binuksan at binasa.
Faven "Amnesia" Madrigal : K
Aba! Ang tipid din niya sa text pero tunay nga, sasamahan niya ako.
Should I write an eterinary for the whole week? Magpa-plano na ako ng mapupuntahan.
Tumayo na ako at kaagad naghanda ng pag-alis.
May date pa ako sa aking bodyguard. Ayaw ko naman siyang paghintayin. What kind of admirer I am right?
Nakasuot ako ng pink checkered polo top na pinares ko sa cream skirt. Kinulot ko ang buhok at pinakanatural at simpleng make up lang ang nilagay ko sa mukha.
Pinaliguan ko ang sarili ng pabango. Sinuot ko na ang aking rubber shoes at kinuha ang aking small sling bag. Nagsuot na din ako ng relo, kwintas at magandang hikaw na magko-compliment sa OOTD ko for today.
Bago ko pa matapos ang pag-aayos, nakatanggap ako ng text message.
Faven "Amnesia" Madrigal: I'm outside
Hindi ko maiwasan ang pag-alpas ng ngiti sa aking labi habang lumalabas ng kwarto.
Bakit parang na-miss ko siya?
Nagmamadali ako papuntang labas pero nang buksan ko ang pinto ay nagpanggap ako na parang hindi ko halos takbuhin ang pagitan namin.
Sumalubong kaagad ang napakagwapo kong bodyguard. Kaagad lumibot ang mata ko sa kaniyang itsura.
The body built is insane. Straight body. Para siyang King's guard sa england 'yong kahit anong gawin mo hindi matitibag.
"A tuxedo?" Tanong ko nang mapansin ang kaniyang suot. Itim na itim iyon mula sa ulo, hanggang sapatos niya. Puro itim! "Why are you wearing a tuxedo. Sa ganitong kainit?"
"It is my usual fitting"
"Alam mo gwapo ka pero huwag kang baduy. Please do change your clothes? We're going to the mall. Hindi iyon formal setting. Mukha akong bilyonaryang babaeng may men in black sa tabi ko sa itsura mo. It's uncomfortable"
Panandalian niyang binababa ang tingin sa kaniyang kasuotan. "Wala akong dalang damit"
"No problem" lumapit ako sa kaniya at hinuli ang kaniyang kamay. "May damit dito si kuya"
Akmang hihilahin ko siya nang iwaksi niya ang kamay kong nakahawak sa kaniya na para bang nandidiri sa akin.
"I can manage myself ma'am. No need to pull me"
"Fine. Ang arte ah?" Para akong napapahiyang binawi ang aking kamay.
Sh*t! It feels like someone stabbed my chest.
This is what it feels like to get rejected?
Pathetic!
Sumunod siya sa akin paakyat ng kwarto ni Kuya. It's not lock so I'm free to go inside.
Kumuha ako ng damit sa kaniyang closet habang nasa gilid lamang si Faven, nakatingin sa ginagawa ko.
"I only wear black" saad niya sa akin.
"It's fine. Basta huwag lang 'yan" I pointed out his clothes.
Kinuha ko siya ng bagong tshirt na itim ni kuya. Usually, if hindi white or gray, puro black din ang damit niya.
Inabot ko ang round-neck branded shirt na kaagad niyang inabot. Dumiretsyo ulit ako sa cabinet para maghanap ng casual short or cargo pants. He's too formal kasi eh mall lang naman ang pupuntahan namin.
Tiningnan ko kung may bago bang shorts si Kuya na hindi nagagamit.
"Are you okay with used shorts? Anong size ng bewang m-"
Hindi ko natuloy ang sasabihin ko dahil paglingon ko ay naghuhubad siya ng pang-itaas.
My lips parted when my eyes landed on his well-built body. Hindi naman...bago sa akin ang ganiyang katawan. Kuya Rev is usually half naked when he's in the house. Banasin kasi iyon.
But the view is too much for me. Hindi ko alam kung bakit hindi ako makahinga.Bakit ang mga abs niya, masiyadong buhay na buhay? Parang isang perfectly cooked buns.
Napalunok ako at hindi na rin makapagsalita.
Oh my!
Umiwas ako ng tingin nang magising sa malikot na pag-iisip at muling naghalungkat sa closet ni Kuya. I don't even know if Faven is watching me because I can't look at his face.
It is better like that.
Mapapahiya ako kapag tiningnan ko siya dahil alam kong nahuli niya ako!
Hindi ko din alam kung ano anong pumapasok sa utak ko. I never fantasized about men's body before!
Only him could make me do that!
Napa-sign of the cross ako.
Omyg! Bakit ang init?
Basta na lang akong pumili ng cargo short sa taranta ko at binigay ko sa kaniya. Good thing that he didn't changed his pants in front of me. Bigla itong pumasok ng banyo kaya nakahinga ako ng maluwag.
Nag-decide na akong lumabas at hintayin na lang siya sa kotse. Huminga ako ng malalim at pinapayan ang sarili.
Why I'm sweating so bad?
I was breathing in and breathing out until I saw Faven coming.
By the window, I saw his looks. Nasatisfied naman ako sa itsura. Hindi na siya mukhang formal masiyado. Pwede na kami mapagkamalang couples.
Haist, tinutulak ko talaga sarili ko ah!
Pumunta ako sa driver seat. Binaba ko ang window para makita niya ako. I waved my hand. Pinagbuksan ko na rin siya ng pinto.
As usual, straight poker face lang siya na pumasok.
"You look good in your outfit now. I'm expecting to see you wearing that style often"
"If that's what you requested" he nodded.
"Anyway" pinagkrus ko ang braso. "Dito na ako uupo" saad ko habang tinuturo ang shotgun seat. "From now on I will sit here"
"If that's what you want ma'am"
Ang bilis niya kausap talaga.
"Don't call me ma'am" irita kong sabi.
"Anong gusto mong itawag ko?"
"Baby"
Tumingin siya sa akin, tila hindi na-gets ang sinabi ko. Miski ako ay nagulat sa lumabas sa aking bibig.
"Just kidding!" Kaagad kong salba. Peke akong tumawa bago ko siya hinampas ng mahina sa braso.
Nagsalubong ang kilay niya sa paghampas ko.
"Hindi ka naman mabiro." Mas lalong nahahalata kung gaano kapeke ang tawa ko kaya tinigil ko na sa pamamagitan ng pag-irap.
Poker face pa din siya habang nakatingin. Nakakaconcious. Nakakahiya! Parang isa akong bagay na hindi niya maintindihan.
I shrugged my shoulders to erase the tension in my body. I inhaled before speaking again.
"I mean, you can call me by my name. I want to be comfortable with my protector" dahilan ko na lang.
"Ginagawa mo rin ba ito dati sa iba ma'am?"
Hindi ako nakaimik kaagad. I mean, he's an exception. All I did was to escape my previous guards.
"Yes. Tingin mo sa'yo lang? Ang espesiyal mo naman" Medyo defensive kong sambit.
"I'll just call you Ms. Red. Is that okay?"
"Sige. Mas okay 'yan kaysa sa ma'am" hindi ako satisfied pero mukhang iyon lang ang maio-offer niya. Sino ba ako para tumanggi.
"Okay Ms. Red"
"That's better" ngumiti ako.
Pero mas better pa din ang baby.
Umandar na kami tuluyan at bumyahe na papuntang mall.
After that conversation, hindi na talaga kami magkausap.
Gano'n ba talaga siya? Why he's too quiet? Hindi kaya siya natutuyuan ng laway?
Sumilip ako sa kaniya at nakita ko ang side view features ni Faven.
Walang pagkakaila. He's way better in a side view angle. Mas depina kong nakikita ang panga niya sa ganitong angle. Nabibigyan din ng emphasis ang kaniyang ilong.
I sighed while looking intently at him.
Kapag lumingon ka, akin ka
Napabalikwas ako sa pagkakaupo ko nang bigla nga siyang lumingon kasabay ng pagtigil ng sasakyan.
"Naandito na tayo"
I cleared my throat. Bigla akong kinabahan dahil lumingon! Hindi ako naging ready do'n.
Ang snobber niya kasi.
But at least he's mine now. Sa isip ko.
I flipped my hair and fixed my posture. Masiyado na ata akong halata.
Unang lumabas si Faven para umikot at pagbuksan ako ng pinto.
So gentleman.
"Thank you so much" hinging pasasalamat ko pagbaba ko.
Sinarado niya ang kotse at akmang babalik sa driver seat nang hawakan ko ang t-shirt niya.
"Saan ka pupunta?"
"I'm going to watch you ma'am with distance—"
"No. You will stay with my side" I cut him off.
I startled him a bit when I immediately wrapped my hands on his biceps.
'Yong matigas niyang biceps.
Tiningnan ko siya sa paraang bossy. He needs to acknowledged me as his boss. Masiyado na siyang namumuro.
Ako ang dapat niyang sundin.
"You'll come with me Faven. Bakit mo naman ako hahayaang gumala mag-isa sa mall?"
"I'm comfortable protecting you from a fa..."
He stopped talking when I pressed my chest on his biceps. Tumingin kaagad siya doon kaya napangisi ako.
Whatever happens, I'll make you mine, Faven.
"Come and shop with me" I innocently pressed my chest more.
For the first time, I saw his eyes widen in a split second.
Ngumiti ako ng inosente.
"Be my date today, Faven"