"Kanina pa kita tinatawag, hindi mo ako naririnig?" Nakasunod na sa akin si Susan. "Sorry. Wala kasi ako sa katinuan ngayon. I and my husband had a misunderstanding. He's acting weird and I don't even know why!" "Why don't you ask him?" sabi niya. "I did. Hindi niya ako sinasagot. He threatened me instead." "What? Trevor will never do that." Iyon din ang tingin ko. Kaya nga ang laking gulat ko matapos niya akong hawakan ng mahigpit sa braso ko. Hindi ko lubos akalain na magagawa sa akin 'yun ng asawa ko. Iyon ang unang pagkakataon na gawin niya sa akin 'yon, mas lalo akong masasaktan kung pinagbuhatan niya ako ng kamay, mabuti na lang ay hindi na umabot pa sa ganoon ang sitwasyon kaninang umaga. Kahit pa nakikita ko sa mga mata niyang sobra siyang nagpipigil dahil sa kaniyang galit n

