Hindi ko namalayang nakatulog na ako kahihintay kay Trevor. Pag gising ko, nasa tabi ko na siya at mahimbing na natutulog. Bumangon na ako sa higaan, tulad ng palagi kong ginagawa ko at tumulong sa pag prepare ng breakfast. Magaling din magluto si Gina, may pagkamasungit at maldita lang siya, halata ko iyon sa kaniyang personality dahil madalas niyang binubungangaan ang ibang empleyado. Kumpara kay Ligaya, mas mahusay gumalaw si Gina at makikita mo itong sanay na sa kusina. Mukhang may experience na talaga ito. Namimiss ko si Ligaya. Ewan ko ba, mas magaan ang loob ko kapag si Ligaya ang kasama ko rito. Hindi sa 'di ko gusto si Gina, iba lang talaga para sa akin si Ligaya, siguro dahil mas matagal na kaming nagkasama dito sa kusina. "Ma'am Danica, hindi na natin lalagyan ng toyo 'yan

