Trevor started to speak. Nakapokus lamang ang aking mga mata sa kaniya Hindi ko inaalis at naghihintay ako sa mga sasabihin niya. "Because of the responsibility," seryoso niyang sinabi. Hindi niya inaalis ang tingin sa kalsada. Kahit gabi na marami pa ring mga sasakyan. "What responsibility?" I asked. I'm curious. "Isang responsibilidad na walang may gusto kahit pa ang kuya ko." "You mean ikaw lang ang pumayag na umako sa responsibilidad kaya ikaw ang ipinakasal sa akin? Ganoon ba iyon?" Tumango siya sa tanong ko. "Oo. Mula sa kompanya hanggang sa iyo, inako ko. Wala naman akong pinagsisihan dahil lahat ng iyon ay gusto ko. I even volunteered myself to marry you. Natatandaan mo pa ba na niligawan kita noong senior high school?" Napatango ako sa sinabi niya. Oo. Hinding hindi ko m

