Pagkatapos kong hugasan yung baso at mabalik sa lagayan nito ay bumalik na muna ako sa room. Hindi muna ako kumain. Hihintayin ko si Trevor, sasabay ko na lang siya kumain mamaya. Siyempre bilang asawa niya at ang pagkakaroon ng mommy na talaga namang nakabantay sa kung paano ko aalagaan ang asawa kong si Trevor ay hindi pupuwede yung maging asal dalaga pa rin ako. May kumatok sa kwarto, akala ko ay si Trevor na pero nagkamali ako. Nagmamadali pa naman akong pumunta sa may pinto para pagbuksan iyon. Ngunit isang kasambahay lamang ang nakita kong nasa labas ng kwarto. "Hi, how can I help you?" tanong ko agad dito. Hindi naman siguro siya pupunta dito sa kwarto kung wala siyang kailangan sa akin. "Pinatatawag po kayo ni Don Tresiano, Ma'am Danica. Nasa office po siya ngayon." May

