2

1127 Words
"Danica kilala ka namin ng Daddy mo, alam naming wala ka pa ring nararamdaman diyan sa asawa mo. Hindi iyon maari, as a parent hangad namin ang magandang kinabukasan para sa 'yo, dapat matutunan mo siyang mahalin." "Mom. I love my husband, you don't have to do this." Pagpigil ko sa pinaplano ni Mom. "Sweetie, I know that's not the truth. Kilala kita. Stop lying to me, okay?" "Hindi niyo na kailangan pa muling manghimasok sa relasyon naming dalawa, please, baka malaman ito ni Trevor at ito pa ang pagsimulan ng gulo." "We're not doing anything wrong. Pabor pa nga sa kaniya itong ginagawa namin. Baka naman ikaw ang may ayaw nito kaya todo ang pagtanggi mo. Kapag nalaman ito ng Daddy mo i'm sure hindi siya matutuwa sa 'yo. Habang tumatagal mas lalo kaming na-di-disappoint Danica. What's wrong with you, sweetie? Tumatanda kang paurong." "I'm sorry, Mom," napatungo ako dahil sa nakita kong disappointment sa mga mata ni Mom. Siguradong ganoon din ang makikita ko sa mata ni Dad kung kasama siya ni Mom ngayon dito sa office ko. "Clear your schedules, okay? I'm counting on you sweetie, better if you get pregnant with your husband this year." "Mom," "Tomorrow you will have a date with Trevor. Your husband will not get mad darling don't worry. Hangga't hindi ka umiibig sa kaniya hindi kami titigil ng daddy mo sa mga ganitong bagay." "Mom, parehas kaming may work. We can't keep up with this. Our schedule can't make it to this date. Besides, we're married. Hindi namin ito kailangan. Hindi na kami bata." Gulat ang rumehistro sa mukha ni Mom. "Now you're talking back to me? Kailan ka pa natutong sumagot sa akin, Danica? Kailan? Bakit, dahil kaya mo nang mabuhay ngayon ng wala kami? Anong pinagmamalaki mo, si Trevor? Lagi mong tandaan Danica, papunta ka palang sa negosyong ito pabalik na ako. Huwag kang magmataas dahil sa huli kami rin ng daddy mo ang lalapitan mo, sigurado ako doon." "We're not teenagers anymore, Mom. Please just give these tickets to others. Sigurado akong hindi rin ito magugustuhan ni Trevor. Baka makatulog lang siya dito sa Movie." "Why? Hindi ba ganiyang movie ang mga tipo niya? Dapat kasi sinabi mo agad sa akin para nakapagpili pa tayo ng maganda." "He doesn't watch movies, Mom, actually he hates it. Puro trabaho lang ang alam niya." "Really?" "Yes. He works a lot mom we don't have much time to date." Kinuha ni Mom ang tickets at nilagay sa pouch niya. "Kami na lang ng daddy mo ang manonood nito. By the way, aalis na ako." "Take care," I smiled a little. Sapat lamang upang makita ni Mom. "Thank you. Sweetie, just a reminder, don't be too cold to your husband okay? Love him." "That's what I'm doing," "Kulang pa 'yon! Lambingin mo pa anak. Kaunti pa. Dapat sa 'yo lang iikot ang mundo niya. Not to work and not especially to some bitches. Ayokong masira ang marriage niyo, hindi pa totally okay ang company natin, hindi pa natin kaya sa ngayon so please don't ruin your marriage. Don't let him fall out of love with you, okay sweetie?" "Yes, mom," She left me with a quick kiss on my cheek and a big smile on her face. I'm happy to see her happy. Someday, magiging proud din sila sa akin na walang disappointment sa kahit na anong anggulo. Mayamaya pa ay nakatanggap ako ng mensahe galing kay Trevor. I miss you Napatulala ako sa phone ko dahil sa nabasa. Somehow, I feel guilty. I feel sick. Ginagamit ko ang pagpapantasya sa akin ni Trevor para sa business naming palugi na. Tumunog ang telepono sa table ko, mabilis ko 'yong sinagot. "Thank you for calling Danica's Scents how may I help you?" "I'm outside of your office baby please come out." "Trevor?" "Can't focus on work." "Where are you again?" "Sa labas ng office mo. Sunduin mo 'ko dito sa labas." "Anong ginagawa mo diyan?" "Miss kita e," "Trevor!" "I tried not to come here but I failed." Matagal bago nasundan ang sasabihin niya. Halos pabulong lang iyon at muntik nang makaligtaan ng pandinig ko. "I miss you, baby." "Hindi mo sana iniwan ang work mo. Magkikita naman tayo mamayang uwian." "You miss me right? Say it please I want to hear it from you." "I miss you," sabi ko sa kaniya kaso mukhang nahimigan niyang hindi ako sincere sa pagsabi ko niyon sa kaniya. "Is it okay that I'm here or do you want me to leave?" "No. Palabas na ako. Hintayin mo ko d'yan huwag kang aalis." "Okay po baby," he sounds like a real baby boy. How can he be so cute like that? Iba talaga kapag mga tulad niyang lalaki ang nagpapacute. Alam kong nagpapacute iyan sa akin. Halata sa boses niya. Kilala ko na 'yang si Trevor. "Trevor," Nagliwanag ang mukha ni Trevor noong makita niya ako. Mabilis siyang lumapit sa akin at yumapos. "I'm getting addicted to your scent baby," "Mabaho ako Trev, napagpawisan na ako kanina pa," "Araw-araw kang mabango sa pang-amoy ko. Kahit gabi mabango ka pa rin. Kahit pawis na pawis mabango pa rin," binulong niya sa akin ang huling sinabi niya. "Thank you," He's being touchy in front of my employee again. I tried pushing him away. Mas lalo lamang niya ako hinigit palapit sa kaniya. "Trevor, maraming nakakakita sa atin dito. Stop doing that." "Doing what? Masama bang yakapin ang asawa ko?" "In front of everyone?" "Yes. Para malaman nilang akin ka." His possessiveness isn't healthy. Minsan sumosobra na kaya nakakaasar din siya pag ganoon. May tumingin lang sa akin na lalaki, lalapitan na niya iyon para komprontahin. "By the way baby, I called my secretary to cancel my appointments for tomorrow. I'll go with you." "Ha?" "Stop pretending. Your mom gave me this. Pinaabot mo raw kasi nahihiya ka sa akin. Baby hindi ka dapat mahiya sa akin. Asawa mo ako. Kung alam ko lang na mahilig kang manuod ng movies, ako pa mismo ang bumili ng ticket na 'to." Napatingin ako sa ticket na hawak niya. Iyon 'yong iniabot sa akin ni Mom kanina. Siguro nagkaabutan sila bago umalis si Mom and Mom really wants me to go on a date with Trev. Sinabi ko namang walang time pero ginawan pa rin ng paraan ni Mom. Trev cancels all of his appointments tomorrow. So tuloy na ang date naming dalawa bukas kahit ayoko. "Mahilig ka pala sa sexy romance?" tanong niya habang kinikilatis ang nasa kamay niya. Hindi ko masabing si Mom ang pumili ng movie ng hawak niyang ticket ngayon. "Yes. I like sexy romance movies." I lied. "I see. Let's go to your office?" I smiled a bit and guide him to my office. "Tara,"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD