"Kulang na lang ay hingian niya yung mga pinamili ng girlfriend niya." Hindi napigilang ikomento ni Susan pagkapasok niya sa office ko. "Tapos na iyon, Susan, kalimutan na natin. It's settled." "Ang yaman yaman tapos ang kuripot. Bakit sila kumuha ng gold necklace at mamahaling mga bags kung takot naman palang magbayad ng milyon? Di sana hindi sila bumili." "Naiintindihan ko si Travis. His bank account was monitored. Bantay sarado ang mga card niya, even his allowances. Kaya hindi siya basta makapag bitiw ng ganoon kalaking halaga." "Gayunpaman ay binili niya pa rin para doon sa babaeng kasama niya. He took the risk. Para ano? Makapang babae lang. Mga lalaki talaga. Mukha namang nanghuhuthot lang sa kaniya yung babae." "It's his life, Susan. Labas na tayo sa kung anuman ang gustong g

