PININDOT NI LYRA ANG RED BUTTON sa kanyang wristwatch para magbigay hudyat sa mga agent na may nak4pas0k na kalaban sa kanilang teritoryo, "Mag-ingat, hawak ng babaeng iyon si Cade!" babala niya sa kanilang mga agent. "Copy!" sagot ng mga ito. "Stella, dalhin mo sa ligtas na lugar si Candice!" utos ni Lyra sa isa sa mga Assistant Agent niya. "Copy!" sagot ni Stella. Habang hinahabol ni Lyra ang dating kaibigan ay namataan na niya sa sulok ng kanyang mga mata ang palihim na pagsunod ng kanyang mga kapatid. Mabilis itong nag-iba iba ng mga direksyon. "Papalibutan namin siya!" Sabi ni Yuki sa pamamagitan ng wristwatch nito. Napadpad sila sa malawak na kagubatan kung saan madalas nilang ginagawa ang training nila. Doon na napansin ni Lyra ang pagbagal ng takbo ni Moca, "Mukhang tumatal

