"GRABE, SI JINUEL BA TALAGA IYON?" hindi pa rin makapaniwala si Ella habang hatid tanaw na lang niya si Jinuel kasama ang apat na nilalang na akala mo cast ng 'Men In Black.' "Si Jinuel talaga siya! Maski ako ay nagulat! Ang laki na ng pinagbago niya! Ang kwento niya nakapangasawa daw ang Ate Lyra niya ng mayaman kaya ganoon!" manghang kwento ni Aling Sylvia, "Anak, bakit hindi ka rin humanap ng mayaman para naman maka-ahon na tayo sa hirap!" "Ano ka ba?" inis na sa saway ni Mang Lucio, "Pipilitin mong makapangasawa ang anak natin ng mayaman para lang maka-ahon tayo sa hirap? Hindi ko gusto iyan! Hayaan mo ang anak mo makapili ng lalaking mapapangasawa niya. Huwag mong itulad ang anak mo kay Lyra. Aba, malay ba natin kung saan niya nakilala ang lalaking iyon!" "Napaka-KJ mo talaga matan

