Antok na antok pa si Kourtney nang sumakay siya sa sasakyan ni Red kinabukasan. Hindi na siya nag-abala na maligo at magpalit ng damit at kinuha na lamang ang bag niya ng gisingin siya ni Avery para sabihin na uuwi na sila. Parang ilang minuto pa lamang na nakakatulog si Kourtney ay narinig na niya agad ang pagkatok ni Avery sa pinto ng kuwarto niya. Gusto pa sana niya na matulog ngunit kailangan na nilang umuwi dahil tapos na ang maliligayang araw nila. Hindi pa naman siya nakatulog masyado dahil sa labis na pag-iisip tungkol sa napag-usapan nil ani Rick. “Good morning, my love!” dinig niyang masayang bati ni Rick mula sa driver’s seat. Naramdaman niya ang paglingon sa kanya ni Avery na katabi niya sa backseat at malakas ang kutob niya na nakangiti ito ng nakakaloko at handa na

