Kourtney let a heavy sighed nang malaman na wala na si Avery sa tabi niya. Napailing siya nang maalala ang sinabi ng kaibigan at muli na lamang na napabuntong hininga. Ipinagpatuloy niya ang ginagawang paghuhugas ng mga gulay at nang matapos ay inilagay niya iyon sa strainer at ipinatong sa kitchen counter. Inilabas ni Kourtney ang cellphone mula sa bulsa ng shorts niya at nagsimulang mag-search ng video kung paano magluto ng tinola. Idinikit niya ang phone sa tasa na may laman na tubig para manatili iyon na nakatayo saka pinindot ang play button. Una niyang kinuha ang manok at sinimulan na hiwain katulad ng sabi ng nasa video. Mabuti na lamang at matatalas ang mga kutsilyo nila at isa siyang surgeon dahil marunong siyang maghiwa. Pagkatapos maghiwa ng karne ay sinunod niya ang

