PROLOGUE

573 Words
DUPLIKADO (M2M ROMANCE DRAMA BY FRANCIS ALFARO)   DISCLAIMER...     No part of this story maybe reproduce or transmitted in any form or by any means, electronic or mechanical including  photocopying, printing, or by any information storage and retrieval system without the permission of the author. Please do not re-copy, re-edit, and re- publish this story without asking the writer's permission.   All of the characters in this story are fictitious, and any resemblance  to actual persons, living or dead, is purely coincidental. Copyright (c) 2020  All Rights Reserve 2020     PROLOGUE...     “Grabe! Ako na ba talaga ito?” hindi ako makapaniwala sa nakikita ko ngayon sa salaming hawak ko. Ang buong mukha ko... ang laki ng ipinagbago!     Titig na titig ako sa mukha ko... ang laki talaga ng ipinagbago niya. Grabe talaga! Sobrang gwapo ka na! Hindi maikakailang kamukhang-kamukha ko na SIYA... bagay na pangarap ko na noon pa.     Ang tangos na lalo ng ilong ko, siguradong hindi na mahuhulog ang salamin ko sa mata dahil may pagsasabitan na, ang labi ko, natural na mamula-mula at may kanipisan na at ang balat ko... napahawak ako sa aking mukha, ramdam ng kamay ko ang kinis nito, walang pores at parang hindi man lamang tinubuan ng maraming tigyawat. Pantay pa ang kulay nito sa balat ko sa katawan, ang ganda nga ng pagka-moreno ko.     Ang hindi lang nagbago sa akin ay ang aking mga mata at katawan, ‘yun lang pero gustong-gusto ko na ang malaking pagbabagong ito dahil alam ko naman na mukha ang unang tinitingnan ng lahat sa isang tao.     “Nagustuhan mo ba ang bagong mukha mo?” tanong niya na ikinatingin ko sa kanya. Napangiti ako ng ubod ng tamis.    “Gustong-gusto ho... Maraming salamat.” Sabi ko.     “Alam mo naman siguro na may kaakibat na malaking responsibilidad ang pagkakaroon mo ng ganyang mukha hindi ba?” tanong niya. Nakangisi siya. Ang matamis kong ngiti ay napawi at napalitan ng tipid. Napatango ako. Alam na alam ko, ngayon ko nga napatunayan na kahit ang anyo, may kapalit kung gusto itong ipabago. “Handa ka na ba na iyon ay gampanan?” tanong niya.     Muli akong napatango. Wala naman na akong magagawa, wala na akong takas.    “Handa ka na bang maging siya at agawin ang lahat mula sa kanya?” tanong niya. Napatango ako.    “Bakit mo ba ito ginagawa?” tanong ko. Hanggang ngayon kasi ay hindi ko pa rin alam, wala siyang sinasabi sa akin. Ewan ko nga ba kung bakit ako napapayag dito, siguro kasi nabulag ako sa kagustuhan kong mabago ang sarili ko dahil sa totoo lang, sawang-sawa na ako sa buhay na kinagisnan ko.   Nawala ang ngisi niya.     “Wala kang karapatang magtanong.” Sabi niya.     Napatango na lamang ako. Umiwas nang tingin sa kanya.     “Simula bukas... magbabago na ang buhay mo... Itatapon mo na ang kinagisnan at mamumuhay ka bilang iba.” Sabi niya.     Napatango na lamang muli ako. Napag-aralan ko naman na ang lahat... ang lahat-lahat at dahil iyon sa kanya. Hindi lamang niya binago ang mukha ko kundi pati na rin ang buong ako.     “Lagi mong tandaan... Matatapos lamang ang lahat ng ito kapag nagawa mo na ang misyon mo... ‘yon ay ang agawin ang lahat mula sa kanya hanggang sa wala ng matira pa... kahit ang puso niya.” Sabi niya.  “Sa oras na may gawin ka na hindi ko kagustuhan o magkamali ka... humanda ka...dahil hawak kita sa leeg... alam mo na ang iyong sasapitin.”     Muli akong napatango.     Gusto kong takasan ang buhay ko sa nakaraan... sa pamamagitan ng ibang buhay ngayon sa kasalukuyan.     Ngunit ano ba ang kahahantungan?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD