Chapter 13

4395 Words
(Vasselisa's POV) I'M aware that everyone keeps on glancing on me, I can see it in my peripheral vision but I choose not to mind them and just keep on pretending that I'm busy scanning the reports that was handed to me earlier by Jerlyn. Nakikinig rin naman ako sa nagre-report about sa earnings namin last month kaya hindi ko maintindihan kung bakit sa akin sila naka-focus. Nilingon ko ang cellphone 'kong kanina pa umiilaw dahil sa paulit-ulit na pagtawag ni Jerome, gayundin ang tablet 'kong umiikot na sa mesa kaka-vibrate dahil sa video call request ni Nikolai kaya hindi ko maiwasang hindi mag-ikot ng mata. These men kept on pestering me, mapa-love life or mapa-trabaho, perwisyo pareho. I have a lot on my plate right now pero talagang hindi sila natitinag at mas lalo pa akong kinukulit. Bakit hindi nila gayahin si Daks? He never bothered me after that last conversation that we had. He left as I've wanted and never came back. No crocodile tears, no pathetic kneeling, no pleading, just left straight out of my building. He did ask a few questions pero at least hindi pahirapan makipag-hiwalay. Though he forgot to take his small paper bag, naiwan nya kasi sa sofa ko. I clicked my tongue before turning off both my cellphone and tablet. Doon lang ako lumingon sa lahat ng kasama ko sa conference room kung saan nahuli ko silang nag-iwas agad ng tingin kaya kay Jerlyn ko ibinaling ang tingin ko na ngayo'y alanganing nakangiti. "Let's stop this meeting for now." Tumayo ako tsaka pinagpag ang palda't blouse 'kong medyo nalukot sa matagal na pagkakaupo. "Mukha wala rin namang nakikinig sa report mo, Mr. Valencia. You can continue your report this friday." "O-okay, miss Vassy." Nalilito at natatarantang sagot ng nagre-report. Walang lingon akong naglakad palabas ng conference room at dumiretso sa elevator. I can still feel the stares behind my back pero alam 'kong galing na 'yon sa mga empleyado 'kong nalagpasan ko. Nakasunod naman si Jerlyn sa'kin na syang may bitbit ng tablet at phone ko at sya na rin ang pumindot sa button ng elevator. "May something ba sa mukha ko?" I asked her. Jerlyn immediately shook her head that made me frown. There's definitely something strange about me because everyone is staring and I can't figure out why. I mean, possible na dahil 'yon sa issue namin ni Jerome na kalat na kalat na sa buong building but it was days ago. Hindi pa rin sila nakaka-move on? "Are you being honest with me right now, Jerlyn?" I crossed my arms and raise an eyebrow. "Because I swear, if you're not telling me the truth ay magagalit ako." Sunod-sunod ulit syang umiling. "It's not that, miss Vassy. They're just shocked po because you're not wearing your eyeglasses today and also because you're not wearing your usual pastel colored outfits." Bumalik sa pagkakakunot ang noo ko. Is that a big deal? Hindi ko lang sinuot yung salamin ko because I'm planning to buy a new glasses, tumaas na kasi ang grado non kaya nag-contact lenses muna ako for today. Tungkol naman sa damit ko, I just feel cute wearing black and white for today. Though it's still the same style of casual blouse and knee length skirt, siguro nanibago sila dahil mahilig ako sa pastel colored clothes. Tumikhim ako bago muling nagtanong. "Do I look like a different person with black and white clothes? Tsaka kapag walang salamin?" "Hindi naman po sa different person, just a different vibe lang naman." Napatango ako sa sinabi nya. I thought it's about my love life na naman. I've been ignoring Jerome since the day na umalis sya para sa business trip nya sa Japan. I'm still pissed off from the fact that he decided to move our wedding day again and just told me about it over the phone. I'm so done with him. Minasahe ko ang sentido ko dahil nagsisimula na naman sumakit iyon. Medyo nawala pa ang balanse ko dahil parang tila umikot saglit ang paningin ko. It must be because I skipped breakfast today. "Okay ka lang po ba, miss Vassy?" Puno ng pag-aalalang tanong ni Jerlyn ng mapansin nyang napahawak ako sa hand bar ng elevator. "Yeah, I'm okay." Umiling-iling ako, nagbabaka-sakaling mawala ang pagkahilo ko. "I think, I need to sit down and eat something. I skipped breakfast today." "Would you want me to order you some food?" I suddenly feel hungry when she mentioned the word food. Ramdam ko ang pagkalam ng sikmura ko at ang biglaang panunubig ng bagang ko nang isa-isang sumulpot na tila slideshow ang itsura ng mga pagkain sa isip ko. "Can you get me some coffee mocha flavored cake in a large size, two patties cheeseburger with extra ketchup and mayo, two orders of a medium rare steak, a bucket of crispy chicken nuggets and..." Kumurap-kurap ako at bahagyang napatagilid ang ulo nang may maisip habang napahinto naman si Jerlyn sa pagsusulat sa notepad. "And...?" "...a cucumber." Nangunot ang noo nya. "Pipino po, miss Vassy?" "Yes. Pipino. I want that." Nangunot rin ang noo ko. "Gusto ko sana yung fresh from the wet market, ayoko ng galing sa mall or supermarket." "O-kay...?" Isinulat nya rin iyon habang nasa akin ang tingin. "Anything else po?" "That would be all." Nauna na akong lumabas sa elevator ng huminto yon. "I'll be waiting for it in my office." Nagmamadali akong naglakad papunta sa office ko at ng sa wakas ay makapasok ay dali-dali 'kong ini-lock tsaka mariing napapikit at mabilis ang paghingang sumandal doon. Cucumber? I don't eat cucumber. Why would I want a cucumber? I don't like the taste of a cucumber. What the hell? "Hey Vassy, what's wrong?" Natigilan ako nang marinig ang nag-aalalang boses ni Theo. Doon ako napamulat tsaka nakita silang nagkanya-kanya ng pwesto sa sofa. Si Vero na katabi si Theo, si JR na nakasandal sa sofa habang nakapatong ang paa sa mesa, si Charlotte na salubong ang kilay habang naka-upo sa swivel chair ko at si Morgan na sa arm rest ng sofa nakaupo. "What are you bitches doing here in my office?" I blurted out. They all looked at me weirdly, na para bang may nasabi akong kakaiba. "Oooh, someone's true colors are showing." Vero clicked her tongue as she raise her eyebrow. "By the way, that's my f*cking line, you b***h. Like, don't copy me." "Oh, so you own the 'b***h' word now?" Sabat ni Theo kaya inirapan sya ni Vero. "Why do you f*****g care, asshole? Doon ka nga! Naiirita ako sa pagmumukha mo." Theo tsked. "Paano ka natatagalan ni Seph? If I were your husband, I would annul you right away." Vero's eyes widen and made a disgusted expression. She even pushed Theo's face away from her. "Ew, I would never even marry you, douchebag, like kahit ikaw na lang ang natitirang lalaki sa mundo—OUCH! You stupid, Theodore!" She shrieked after Theo pulled her hair. "Ah! Get off me! Don't pull my f*****g hair—VERONICA!" Now Vero's pulling his hair. "You pulled mine first!" Ginulo ni Charlotte ang buhok nya sa inis. "T*ngina, magmula sa sasakyan hanggang dito sa loob ang iingay nyo pa rin! Wala pang tulog yung tao oh?!" "Ako rin gago, wala pang tulog at may jetlag pa pero dahil sobrang na-miss ko kayo eh patatawarin ko na lang kayo." Nakataas ang kamay na saad ni JR. "Theo, could you please get me some beer with a straw?" Utos ni Morgan na nasa cellphone na ang atensyon, malamang ka-text ang asawa. Theodore glanced at her while still pulling Vero's hair. "Talagang binago ka ni Noam, huh? You're much more respectful and now you're even using the word 'please'." Bumalik ang matalim nyang tingin kay Vero. "Unlike this b***h na kinasal na't nagkaanak, bastos pa rin bunganga't ugali—ARAY! What the f**k, Veronica?! Hindi ka pa tapos?!" "Ikaw ang tatapusin ko kapag hindi ka pa nag-shut up!" "So f*****g noisy." Si Morgan. "Saglit lang, bubusalan ko lang 'tong bunganga ni Vero!" "Forget it, I'll just ask someone else to get it." Morgan dialed a number on her phone. "One, it's me. Get me some beer and straws and take it up here. Third floor." "Oy, ikuha mo rin ako ah! Isang case na ipakuha mo para solb bago magwalwal mamaya." Si JR. "Ahhh, p*tangina talaga. Ang ingayyy!" Si Charlotte. Napangiwi ako sa kaingayan nila bago ako tuluyang naglakad palapit sa kanila but my focus are not on them. My eyes we're actually pinned on the three boxes of pizza on the table, especially on the opened box of pepperoni and cheese pizza. I took a sit beside Theo and took one slice of pizza. I maybe because I'm hungry, mabilis ang naging pagkagat at pagnguya ko sa pizza slice that caught again their attention. Napahinto pa si Vero at Theo sa pagsasabunutan. "Whoa, slow down, beautiful." Theo said bago naglabas ng bottled water sa box sa gilid ng paa nya. "Hindi ka kumain kanina?" "Nope. I'm too busy." Inabot ko ang box at pinagkukuha lahat ng pepperoni. "Can I get this pepperonis? I don't want to eat another slice, just the pepperonis." "Sure, just make sure to drink lots of water." Si Theo. "Okay." Isa-isa ko silang tiningnan. "Where's Chryseis? Still missing?" "H'wag kang mag-alala. She contacted me last week, she said she's working as a part time bodyguard to some royal arab prince's. She'll be fine." JR answered. "By the way, ngayon lang ata kita nakitang naka-itim at puting damit." "Who died?" Si Charlotte. "Her diet died." Saad ni Morgan tsaka itinuro ang pizza sa mesa na nagpahalakhak kay Vero with matching hampas kay Theodore. "This b***h finally knows how to make a joke!" Anya habang patuloy na tumatawa. Medyo na-conscious naman ako sa sinabi ni Morgan kaya ibinaba ko ang box ng pizza. The slices are still there but it doesn't have ang pepperoni on it. Shit, I'm still hungry. Is this what they call stress eating? "Nagpunta kayo sa opisina ko para manggulo at mag-inuman?" Tanong ko para mawala sa'kin ang atensyon nila. Nagkatinginan silang lahat bago nabaling sa'kin ang tingin nila. "Nah, nandito kami kasi sasama ka sa'min mamaya." Turo ni JR sa'kin. Tumaas ang kilay ko. "Where?" Muli na naman silang nagkatinginan bago nagsingisi except for Morgan who's still busy texting with her husband on the phone. *** THEY brought me to a freaking bar. What's worst is that they brought me where Daks works. Hindi ko alam kung aware ba sila sa koneksyon ko sa lugar na 'to, or kung sinadya nila akong dalhin dito but I really doubt that they brought me here intentionally dahil si Theodore at Morgan lang ang nakakaalam ng lugar na 'to at alam 'kong hindi nila sasadyain na dalhin ako rito. Theo got us a huge private room even though there's just a six of us. Katwiran nya ay alam.nyang magsisimulang magwala si Vero, JR at Charlotte "Their food and drinks looks interesting. " Theo said before giving back the menu to the waitress and smiled. "Give us everything from your menu, sweetheart." "Noted, sir." The waitress who almost wear nothing but a skimpy skirt, high heels and a fluffy bra, smiled sweetly and gave him a wink before walking out of our private room. That made me feel cringe so I made a cringed expression, saktong nakita ni Theo ang naging reaksyon ko kaya ngumiwi sya. "What? You're allowed to flirt and have a boy toy, but I can't wink at a waitress?" He said before drinking his liquor. "I'm not saying anything and please, I've already ended things with him." Sagot ko tsaka tumikim ng appetizer na dala ng waitress kanina. "Oh, I see." Theo chuckled. "Kaya ba wala ka sa mood dahil nag-aalala kang magkasalubong kayo?" "Ended things with who?" Singit ni JR na inakbayan pa ako. She sounded drunk already dahil kanina pa sya umiinom bago pa kami umalis sa opisina ko. "Her young, not-so-little boy toy named Daks." Sabat rin ni Morgan habang sumisipsip sa straw nyang nasa bote ng beer. JR laughed after hearing the word 'Daks'. "Ayos sa nickname ah. May Daks rin ako sa bahay eh, busy mag-alaga ng batang tokwa." Tukoy nya sa asawa nya tsaka muling tumawa. "Bakit tayo nandito?" Charlotte asked, nakasimangot habang naka-ekis ang mga braso. "Talagang harap-harapan nyo 'kong ginagago 'no? Imbes na suportahan nyo 'yung bar ko, talagang binitbit nyo pa ako sa bar ng iba?" "b***h, just chill. Hindi mo ikamamatay ang pagpunta sa bar ng iba. Now shut your trap, I'm talking to my love." Vero rolled her eyes before getting back to her phone. "Seph, baby, how are you doing with the twins? Are you having a hard time?" "What if makasalubong mo sya?" Tanong ni JR habang may nang-aasar na ngisi sa labi. "Anong sasabihin mo?" "Why would I talk to him? Makasalubong kung makakasalubong but I'm not gonna say or do anything." Saad ko tsaka tumikim ng isa pang appetizer at uminom ng juice. The food here is actually good. I never tried it before since si Daks lang naman ang natikman ko sa lugar na 'to. "Hey, dahan-dahan sa appetizer. Parating pa lang ang alak at pulutan." Saway ni Theo. "I'm not gonna drink. Wala ako sa mood." "Wow, the heaviest drinker of the group who doesn't get drunk even after drinking five bottles of liquor is not gonna drink tonight?" Umakbay na rin si Theo sa'kin. "Why? Takot kang makitang lasing ni Alexander?" Pumalatak si JR. "Ay 'nak ka ng teteng oh, bakit hindi iinom? Dinala ka namin dito para mag-inom, mag-celebrate! Hindi ba't cool off kayo ng gagong Jerome na 'yon?" "The kid might be working right now. There's no chance for them to bump each other in the hallway." Si Morgan. "Dinala nyo ba ako dito knowing na dito nagta-trabaho si Alexander?" Salubong ang kilay na tanong ko. Nagkatinginan sina Morgan at Theo kaya asar akong tumayo. Nakaismid at palipat-lipat ang masamang tingin ko sa kanila kaya naman sabay silang nag-iwas ng tingin. "Why did you bring me here?" "Okay, fine! It was our idea." Bumuntong hininga si Theo. "Morgan and I thought that you might wanna see Alexander since you're in a cool off with Jerome and we are hoping that you would break off your engagement with him. I mean, kung papipiliin kami we'll choose Alexander than Jerome." "Unless you have another guy to add." Dugtong ni Morgan. "I don't have any other guys, ano ba kayo—ugh, nakakainis kayo." Dinampot ko ang bag ko tsaka tinuro silang dalawa. "I'm not done with the both of you. Magsi-CR lang ako." "b***h, let me come with you!" Habol ni Vero sa'kin. *** "IS he handsome?" Vero asked while facing the mirror and currently applying her red lipstick. "That boy named Daks, sobrang gwapo ba?" Ibinalik ko na ang face powder ko sa bag tsaka sumandal sa lababo. "Yes, he is." "How handsome?" Ibinalik nya ang mga makeup nya sa bag tsaka taas ang kilay na humarap sa'kin. "Super handsome? Like, mas handsome pa kaysa kay Jerome na boyfriend and fiancé mo?" Ngumiwi ako at inalala ang mukha ni Daks na lagi namang lumilitaw sa isip ko. He doesn't have any foreign features unlike Jerome, but masasabi 'kong medyo malaki ang agwat ng itsura nila. Ma-appeal si Jerome, kumbaga malakas ang dating kaya marami rin talagang nagkakagusto sa kanya noong college kami. But Daks? He's a head turner. He's pretty tall for his age and he has fair white skin, yung kutis na alam mong alagang-alaga talaga sa sobrang kinis. His eyelashes is not that long but it keeps on fluttering everytime he blinks that makes his brown eyes more captivating. Dak's body is ripped and honestly say that he is worth tasting for especially because his muscles are flexing everytime he moves. Pointy nose, plump lips na masarap humalik and sharp jawline? She's every woman's dream man. No wonder rank one sya sa pagiging escort-s***h-private stripper nya— "Hello? Earth to Vassy?" Napakurap-kurap ako nang pumitik ang daliri ni Vero sa harap ko, dahilan para mahinto yung pagmo-monologue ko sa isip ko. Now she's raising her eyebrows and I know that she's judging me already based on how she purse her lips. "No need to answer my question, b***h. Like, halata naman na sobrang gwapo talaga ng guy na yon for you to space out like that." Ikinawit na nya ang braso nya sa'kin tsaka ako hinila. "C'mon, let's go back." Space out? I frowned. Why would I space out just because I think of him? He's just a fling, a sub—he's nothing but a toy that I already disposed. Bakit naman ako tutulala ng dahil lang sa kanya? We're currently walking on our way back to our private room when Vero suddenly stopped walking. "Oh, who do we have here." Saad ni Vero ng may nang-aasar na tono. "It's nice to see you again, June Harper Y Peñafrancia. The famous volleyball captain in college and the hottest lesbian in mass communication department." "And now I'm just a bar manager, but still famous and the hottest lesbian manager." Nakangising sagot ni Harper bago nakipag-beso kay Veronica. "What's a married woman doing here in my bar?" "Just having some fun with my friends. Don't worry, I have my husband's permission and it's just us in there, no other guests." "Must be nice having a very understanding husband." Naningkit ang mga mata ko at napakunot noo. I just saw Harper glared at me for a moment. Hindi ako namalikmata, talagang nakita kong sinamaan nya ako ng tingin habang nag-uusap sila ni Vero. Isa pa ay hindi nya ako binati, unlike before na masigla sya noong una at pangalawang punta ko rito. Matapos ang maikling batian nila ay nagpaalam ako kay Vero na may itatanong lang ako saglit kay Harper kaya naman ay nauna na sya. Minutes after makalayo ni Vero ay agad akong nilapitan ni Harper. "What are you doing here, Vassy?" She asked in an angry tone na para bang kanina pa nya ako gustong kausapin. I smirked. "Hey, you're mean. That's not how you talked to me the last time we meet." "Dahil naiinis ako sayo." "Bakit naman?" "Don't act innocent on me, Vassy. Magkasama tayo sa volleyball team noong college kaya kilala ko ang ugali mo. Alam ko mga tipo mo." Asar nyang ginulo ang buhok nya. "Of all the men that we have here, bakit si Daks pa ang napili mong gawing sub?" Oh, si Daks ang issue? "I didn't forced him to be my sub. He volunteered." "And you let him?" "I let him because he's cute and persistent but what's wrong with that? Is it because he's younger than me? Is that the issue here?" "No, that's not the issue here." Mas lalong bumakas ang frustration sa mukha nya. "Tinapos ko na ang ugnayan namin sa isa't isa days ago, ano pang ikinaiinis mo sa'kin?" "Because your type of s*x hurts, okay? Kahit naman s*xworker si Daks ay hindi naman excuse yun para masaktan sya. Who the hell f***s like that to the point na nabalian ng braso ang ka-s*x nila?" Puno ng pag-aalalang anya pero natigilan ako. Did she just said injured? Daks is injured? Arm injury? And I am at fault?! Agad ko syang kinwelyuhan na ikinagulat nya. "WHAT THE f**k DID YOU JUST SAY?" (Third Person's POV) MAHIGPIT ang hawak ni Vassy sa basket ng prutas na tatlumpong minuto nyang pinili sa mall kaninang umaga. Medyo may kabigatan iyon dahil pinili nya ang basket na may pinakamaraming laman at may pinakamagandang pagkakaaayos. Namamawis ang kamay nya sa kaba at medyo malakas ang kabog ng dibdib nya. Aaminin nya, kinakabahan sya dahil sa magiging reaksyon ni Daks kapag nagkita sila. Sinabihan nya ang binata na umalis dahil ayaw na nya itong makita pero heto sya't nakatayo sa mismong pathwalk kung saan nakatira si Daks gaya ng sabi ni Harper. Huminga muna sya ng malalim bago naglakad papasok ng medyo makipot na daan ng pathwalk. Maluwag naman sana ang daan kung hindi lang ginawang paradahan ng mga motor ang gilid non, may mga batang naglalaro rin sa gitna ng daan, mga asong naglalakad-lakad, pusang umiinom sa kanal, mga nanay na naglalaba at nagsasampay sa labas ng bahay nila, mga tatay na nag-iinuman na nagpapatugtog ng malakas sa speaker at may bingguhan pa sa may bandang dulo ng pathwalk na syang pinagmumulan ng ingay. Hindi alam ni Vassy kung saan sya dadaan o lalakad, ang dami rin kasing nagkalat ng mga dumi ng hayop sa daan. Basa pa ang sahig ng tubig na may sabon dala ng pagbuhos ng mga ginang ng pinagsabunan ng nilalabhan nilang damit. Nagsisimulang umikot ang paningin nya dahil bukod sa halo-halong ingay ay iba't ibang amoy rin ang nalalanghap nya. Pakiramdam nya ay matutumba sya kaya naman ganon na lang ang gulat nya ng may humawak sa bewang nya para alalayan sya. "Miss Vassy?" Tanong ng pamilyar na boses ng babae. Nakasuot ito ng pulang dolphin shorts at puting spaghetti strap na sando na saktong-sakto sa hulma ng katawan nito. Nakalaylay rin ang mahabang buhok na may blonde highlights, mahabang kuko na may puting nail polish at may kapulahang labi. May nakasabit na pink na twalya sa balikat nito. Agad nya itong nakilala nang malingunan nya, nagtataka man ay nginitian sya nito. "You're Maria Rosana Acedo, kaibigan ni Alexander, right?" Natawa ang babae sa kanya. "Sus naman, pwede namang Rose na lang." Bumaba ang tingin nito sa hawak ni Vassy tsaka ngumisi. "Para kay kupal ba yan?" Mabilis na tumango si Vassy. "I heard he got an arm injury, is it true?" "Oo, bobo kasi eh." Tawa nito ulit bago kinuha ang bitbit ni Vassy na basket. "Tara, hahatid kita sa bahay nila. Parang tutumba ka na eh." "Salamat." "Wala 'yon." Tipid na ngumiti si Vassy at basta na lang nagpahila kay Rose. Ramdam nya ang tila tumutusok na tingin ng mga tao sa paligid nila, yung iba ay talagang tumayo pa at sinundan sila ng tingin kahit na lumiko na sila sa mas maliit na daan. Magandang babae si Rose. Morena ang kulay nito, may mahahabang binti at balingkinitang katawan. Hindi rin ito lugi sa height dahil pang-model ang tangkad nito. Ang mukha ay pilipinang-pilipina ang dating. "H'wag mong pansinin yung mga tao dito, ngayon lang nakakita ng dyosa yung mga yan. Puro p*kp*k kasi kami dito kaya naninibago yang mga yan makakita ng matinong babae." Saad ni Rose nang mapansin na nililingon nya ang ibang nakatingin sa kanila. "Believe me, I may not look like it but I'm much more of a slut than you." Agad na sagot ni Vassy. Nagulat man ay muling nauwi sa tawa ang naging reaksyon ni Rose sa sinabing 'yon ni Vassy. Umangkla pa ito sa braso ni Vassy na para bang matagal na silang magkakilala. Mas naging kumportable naman si Vassy dahil doon. Tumagal rin ng bente minutos ang nilakad nila bago sila nakarating sa bandang dulo kung saan may isang bahay na may maliit na stainless gate na may nakasabit na karatula ng 'Ice 4 Sale' at maraming iba't ibang uri ng bulaklaking halaman ang nakahilera. Napapitlag sya ng kalampagin ni Rose ang gate habang sumisigaw. "Tito Lanceee! Tito Charlesss! May bisita 'ho kayo!" Lumingon sya kay Vassy tsaka ibinalik ang basket. "Oh, ikaw na bahala magpakilala sa mga tatay ni Daks, hah? Basta tandaan mo lang, hindi nila alam ang trabaho ni Daks kaya ingat-ingat at baka madulas ka sa kanila." "O-okay, understood." Tumatango-tangong anya ni Vassy. Nagpaalam na si Rose sa kanya dahil may pupuntahan daw itong job interview. Sakto naman na bumukas ang pinto ng bahay nila Daks at lumabas doon isang lalaking nakatungkod. Bahagyang nanlaki ang mata ni Vassy nang magtagpo ang paningin nila ng lalaking kalalabas lang. Maamo ang ngiti nito habang mabagal na naglalakad palapit sa gate kung nasaan sya nakatayo. Kung tatanungin si Vassy ng kahit sino kung ano ang itsura ng anghel, ang lalaking nasa harap nya mismo ang ituturo nya. Pangalawa lang si Noam. Dahil kahit na alam ni Vassy na may edad na ito, kataka-takang halos hindi makita ang linya nito sa mukha na dapat ay bakas ng katandaan. 'Oh my gosh, he looks so gorgeous.' Usal nya sa utak nya. May kapayatan ang lalaki pero hindi nabawasan non ang pagiging 'gorgeous' nito sa paningin ni Vassy kahit na ternong pastel yellow checkered pajama lang ang suot nito ay ang lakas pa rin ng dating. Medyo may kahabaan ang buhok nito na umaabot sa balikat na bumagay talaga sa hulma ng mukha nito na hugis puso. He has this amber chinky eyes, long thick eyelashes, small pointy nose, heart shaped lips, slender body and approximately 5'7 - 5'9 in height. He has this small mole right under the corner of his right eye. "Kung makakalampag naman itong si Rose ng gate." Mahinhin na saad ng lalaki tsaka lumingon sa paligid bago nakangiting hinarap si Vassy. "Hello, good morning." "H-hello...po..." Namumula ang pisnging sagot ni Vassy. "May maitutulong ba ako sa'yo?" Concern na tanong ng lalaki habang pasimpleng pinapasadahan ng tingin si Vassy mula ulo hanggang paa. Bahagyang umiling si Vassy para gisingin ang sarili mula sa pagkakatulala. Nako-conscious sya, hindi nya talaga inasahang mas may gaganda pa pala kay Noam na asawa ni Morgan. "I'm Vasselisa Skyran, but you can just call me Vassy. I'm here for Alexander—" Biglang tumaas ang kilay nito, nawala ang magandang ngiti at napalitan ng masungit na pagkakakunot ng noo at matalim na tingin. "Si Alexander?" Dahan-dahang tumango si Vassy. "Yes po." Ilang segundo sya nitong pinaningkitan ng mata bago alanganing ngumiti. "Saglit lang, ha?" Hindi na hinintay nito ang sagot ni Vassy at basta na lang bumalik sa loob ng bahay. Ilang saglit pa ay napapitlag muli si Vassy sa gulat nang makarinig sya ng kumakalansing na gamit sa loob ng bahay na tila ba binabato. "ALEXANDER CHARLES HERNANDEZ! SINUNGALING KA TALAGA!" "LOVE! H'WAG! MABIGAT YAN, BAKA MASAKTAN KA—ARAY!" Napangiwi si Vassy sa mga narinig nya. Puro sigaw at mga nahuhulog na bagay na kasi ang sumunod nyang narinig. Mas lalo tuloy syang kinabahan. "I think I should have said Daks instead of Alexander." Bulong nya bago napangiwi ulit ng marinig ang pagkabasag ng tila pinggan sa loob.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD