(Third Person's POV) MAGTA-TATLONGPUNG minuto ng lukot ang mukha ng tatay ni Daks na si Charles habang pinanonood ang anak at ang kinakasama na kanina pa magkayakap. Pare-pareho naman silang naka-jacket na tatlo pero sya lang yata ang tinatablan ng lamig, paano ba nama'y halos hindi na mabitawan ni Lance si Alexander habang ang anak naman nya ay hindi rin natigil sa pagdila sa kanya bilang pang-aasar. Nagyayabang na ito dahil hindi na kailangan ng arm support yung braso nyang napilay noong nakaraan. "Blehhh..." Mahinang saad ni Daks na hinila pa ang ilalim ng mata. Gustong humalakhak ni Alexander nang makita yung ugat na bumabakat sa noo ng ama nya, kaya naman niyakap pa nya ng mas mahigpit ang Dada Lance nya. "Ano ba! Baka mapisat mo 'yang si loves!" Saway ng tatay nya pero ito pa ang

