Sinundo ni Lea ang anak niyang si Leandro galing sa special lesson nitong piano sa isang mall. Pinauna na niyang pinahatid sa mansyon ang nanny nito at siya na lamang ang mag-aasikaso sa anak. Dala naman ni Lea ang sariling kotse kaya hindi na rin niya pinabalik ang sundo dapat ng anak. “Mommy, gusto kong maglaro sa slide. Doon oh!” turo ni Leandro sa isang playhouse. Sinipat ni Lea ang relo sa kamay. May oras pa naman kaya pumayag na rin siya. Afterall, bihira niya lang makasama ang anak. Madalas sa bahay na niya ito nakakasama pero kung minsan at halos patulog na ang bata kapag umuuwi siya galing sa trabaho. “Okay, thirty minutes lang ha? Malapit na mag-dinner.” paliwanag niya sa anak. “Yay! Love you, Mommy.” tuwang-tuwang tumakbo ang bata papasok ng palaruan. Agad na sinundan niya

