CHAPTER 2

1717 Words
HARMONY POV LUMIPAS ang halos sampung minuto ay nakabalik na rin sina Alina at Ethan. Nag—isang linya ang aking kilay nang makitang sabay silang bumalik. “Sorry,” ani Alina sa akin habang hinihingal nang bahagya. “May tumawag lang sa akin kaya natagalan akong bumalik.” Nangunot ang noo ko dahil may tumawag sa kanya pero hinihingal siya? “Sino?” curious kong tanong sa kanya. Inayos niya ang kanyang buhok. “Iyong pinsan ko. Kinongrats lang nila ako.” mabilis niyang sagot at ngumiti nang malaki sa akin. Tumango na lamang ako sa kanya at tumingin naman ako kay Ethan na kararating lang din. Nakita ko siyang inaayos ang kanyang suot. “Ikaw, saan ka galing?” tanong ko sa kanya. Nakita ko ang gulat niyang tingin sa akin. “Ha? Ah, restroom, love. Nagbawas ako...” Napatingin siya sa table namin na may pagkain pa. “Nabusog ako. Ang sasarap naman kasi ng pagkain dito. Kaya hindi ko napigilang magbawas, love.” Nakangiting sabi niya sa akin. Napatango na lamang ako sa kanilang sinabi. Hindi ko alam pero may kakaiba akong nararamdaman na hindi dapat. Nakagat ko ang aking ibabang labi habang nakatingin kina Ethan and Alina. Sa totoo lang, hindi ko pa talaga gaanong kilala si Ethan lalo naʼt sino ang totoong dad niya. Hindi niya rin sinasabi sa akin dahil galit siya roon. Sinisisi niya ang kanyang dad kaya namatay ang Mama lalo naʼt ayaw panagutan noong una si Ethan. Pakiramdam ko nga ay hanggang ngayon, tanging binigay lamang ang surname niya kay Ethan. Never din niya nakita sa personal ang dad niya, ayaw niya rin makita ang dad niya. Kapag tinatanong ko si Ethan, iniiba niya ang usapan. Ayaw niya talaga sa dad niya. “Love, graduate na rin tayo!” Napatigil ako sa pagbukas ng sasakyan namin. Tapos na rin ang celebration namin kaya kanya—kanya na kami uuwi. “Yes, we are.” Nakangiting sabi ko sa kanya. “Magagawa na natin ang gusto... Ang pinapangarap natin. Hahanap agad ako ng work. Hindi ako hihingi ng tulong kay dad... Hindi ko rin naman siya tinuturing na ama. Pangako hindi ako tutulad sa kanya. Ipaglalaban, mamahalin at pagsisilbihan kita, love.” Hindi ko napigilang mapangiti sa sinabi ni Ethan. “Ako rin. Sisikapin kong makapasok talaga sa Montenegro Bank para sa future natin,” nakangiting sabi ko sa kanya at niyakap niya akong mahigpit. Alam kong siya na talaga ang future ko, si Ethan Revilla. Surname ng mom niya ang ginamit pala niya dahil galit siya sa dad niya. “Oh siya, mauuna na kami sa inyo. Sumabay na kayo kina tita and tito. Chat na lang later,” sabi ko sa kanya. Magkalapit kasi ang bahay nila, iisang barangay lamang sina Alina and Ethan. Kinagabihan, nakaramdam ako ng saya sa puso ko. Napatingin ako sa aking diploma na naka—paskil na sa wall ko. “Graduate na talaga ako,” nakangiting sabi ko habang nakatingin doon. Napaupo ako sa kama nang makitang nagre—request ng video call si Ethan. Mabilis kong in—accept iyon. “Hello, love! I miss you,” nakangiting sabi niya. Halos mamula na naman ang magkabilang pisngi ko. “Kakahiwalay lang natin, Ethan. Ikaw talaga... Bolero,” saad ko. “Nagsasabi lang ako, love. Ganoʼn kita kamahal.” Napailing ako sa kanya. “Ang drama mo.” Narinig ko siyang tumawa. “I love you!” malakas niyang sabi. “I love you too!” mabilis kong sagot sa kanya. “Hay naku! Matulog ka na. Alam kong pagod ka na rin dahil maaga lahat tayong nagising. Bukas na lamang, Ethan. Good night!” “I know. Good night too, love! Sana mapanaginipan mo ko.” I chuckles. “Sweet dream! Matulog, ha? Huwag na mag—online games!” paalala ko sa kanya. “I am, love! Hindi ako maglalaro pa! Bye!” Tumango ako sa kanya at kumaway na rin hanggang mawala na agad ang video call namin. Gusto ko pa siyang makausap, pero alam ko namang pagod na siya kaya kailangan din namin ng pahinga. ~~°°~~ Tatlong araw matapos ang graduation namin ay nagsisimula na akong mag—asikaso ng mga requirements ko para ipasa sa Montenegro Bank dahil nakapasa na talaga ako roon. Habang inaayos ko ang mga documents sa sala namin ay biglang tumunog ang phone ko. Chineck ko iyon at nakita ko ang name ni Ethan, hindi ko napigilang mapangiti nang malaki. Ethan Calling... Hindi ko alam pero agad kong sinagot ang tawag niya. Gusto kong marinig ang boses niya. “Good morning, love!” Nakagat ko ang aking ibabang labi. “G—good morning din,” masaya kong sagot sa kanya. Nangunot ang noo ko nang may marinig akong ingay sa kabilang linya. “Anong ginagawa mo, Ethan?” tanong ko sa kanya. “Ah, nasa labas ako, love!” Nangunot ang noo ko. “Talaga? Saan?” Sandaling na tahimik ang kabilang linya. “May aasikasuhin lang akong requirements, love. Alam mo na, naghahanap na rin akong work para sa future natin.” Napangiti ako sa kanyang sinabi. “Talaga? Oh, good luck! Kapag tapos ka na, sabihan mo ko. Para matulungan kitang kumuha ng mga requirements. Alam mo namang nasa requirements na rin ako, ʼdi ba? Pasado na talaga ako sa Montenegro Bank. Ipapasa ko na lamang itong requirements ko then hihintayin ko na lang kung kailan ang starts ko,” mahabang sabi ko sa kanya. “Oo naman, love. Sige na... Kailangan ko ng ibaba. I love you!” “I love you too, Ethan. Ingat ka, ha? Do your best!” sabi ko sa kanya. Nang maibaba ang call namin ay napangiti ako nang malaki. Ibababa ko na sana ang phone ko nang biglang nagmessage naman si Alina sa akin. Alina: Bestie! Free ka ba mamaya? Samahan mo naman akong mamili. Napatingin ako sa aking requirements pero hindi ako pʼwede today. Harmony: Sorry, bestie! Inaayos ko pa ang requirements ko. Nakapasa na kasi ako sa Montenegro Bank. Sorry! Alina: Sayang. Next time na lang. Mabilis siyang nagreply sa akin. Kinahapunan, nagpasya akong lumabas para bumili ng coffee and bread sa Orionʼs Haven. Malapit lang naman din kasi kami sa Mall, pʼwedeng mag—traysikel. Nang nasa Ever Mall na ano ay lumakad na ako papunta sa Orionʼs Haven, umorder ako roon ng coffee and breads nila. Habang hinihintay ko ang aking order, may pamilyar akong boses na naririnig. Kaya lumabas ako sa café at lumingon sa paligid. “Wala ang boses... Kaboses nina Ethan and Alina. Pero impossible namang magkasama sila today. Lalo naʼt nasa bahay si Alina ngayon at si Ethan ay naghahanap ng trabaho,” sabi ko sa aking sarili. Napailing na lang ako. “Baka ka—boses lamang niya,” saad ko at muling pumasok sa café. Umuwi na rin ako sa bahay namin na dala ang order ko from Orionʼs Haven at folder from school supplies. “Mama, nandito na po muli ako! May breads po akong dala!” malakas na sabi ko at nilapag sa coffee table namin. Binuksan ko na ang binili kong folder na maraming lalagyan at doon ay nilagay ko ang mga requirements ko. Isahang lalagyan na lang para hindi na ako maraming dinadala na folders or envelopes. “Ang bilis mo naman, anak?” “Bumili lang po ako nito, Mama. Bukas po pala ay pupunta muli ako sa Montenegro Bank po para ibigay ang aking requirements,” sagot ko sa kanya. Kumuha siya ng bread. “Sana nga, anak. Malaki ang kikitain mo roon.” Ngumiting tumango ako sa kanya at muli kong nakita si Ethan sa screen ng phone ko. “Sagutin mo na, anak. Doon na muna ako sa kusina at maghihiwa na ako ng halunan natin.” Napangiti na lang ako sa kanya. Nahihiya talaga ako kapag nasa tabi ko si Mama habang kausap si Ethan. “Hello, Ethan! Kumusta ang pag—apply—an mo? At sa requirements mo?” tanong ko sa kanya. “Okay naman, love. Nakakuha na ako ng SSS ko. Ikaw naman?” Maingay pa rin sa kabilang linya. Nasa labas pa rin ba siya. “Isa pa lang nakukuha mo? Sana sinama mo na iyong ibang government IDʼs madali lang naman iyon... Nasa labas ka pa ba?” tanong ko sa kanya. “Opo, love. Kumakain na ako then next nito ay uwi na ako. Sobrang pagod pala,” sagot niya sa akin. “Ganoʼn talaga, Ethan. Dapat kasi sumabay ka na sa akin bago tayong grumaduate. Eh, ʼdi sana may mga IDʼs ka na rin.” “Sorry, love. Sana nga talaga. Kolokoy kasi mga kaibigan ko!” Napailing na lamang ako sa kanyang sinabi. “Umuwi ka na. Bukas ay ipagluluto kita para hindi ka na mapagod.” “Talaga, love?” “Opo.” Hindi ko napigilang mapangiti nang malaki. “Tapos ako naman ang magluluto kapag kasal na tayo.” Hindi na nawala ang ngiti sa labi ko. “May plano ka na talaga?” “Ikaw ang plano ko, love.” Napailing ako habang natatawa. Hindi ko alam kung gaano ako ka—swerte kay Ethan. Never niya akong sinaktan. Kinagabihan, natapos na rin ako at nakahiga na ako sa kama. Nag—i—scroll na lang ako sa facetagram account ko para magpaantok. Kailangan kong maagang makatulog dahil maaga ako pupunta sa Montenegro Bank para ipasa lahat ng requirements na hinihingi nila sa akin. Napansin kong online si Alina, gusto ko siyang i—chat pero mapapahaba ang usapan naming dalawa. Madàldāl pa naman ang isang ito. Ilang segundo rin nang mapansin ko namang online na rin si Ethan. Hinihintay kong tumawag siya sa akin, pero hindi nangyari iyon. Naalala kong nag—inactive ako ng status dahil nga nagpapa—antok na lamang ako. Hindi rin naman nagtagal ay nagulat ako nang pareho silang nag—offline bigla. Pero hindi ko binigyan pansin iyon dahil nasa isip ko ay baka nagkataon lamang. “Makatulog na nga rin,” sabi ko at binaba na sa side table ang phone ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD