HARMONY POV
MAINIT ang sikat ng araw sa loob ng University gymnasium habang isa—isang tinatawag ang mga tulad kong ga—graduate ngayong araw.
October ngayon. At kaming mga Octoberian Graduates ay dito lamang sa gymnasium ng Maravilla University ga—graduate.
Nakatayo na kami ngayon habang patuloy na pumapalakpak pa rin sa mga kapwa kong graduates. Naririnig ko rin ang camera shutters sa paligid at masasayang tawanan ang bumabalot sa buong paligid.
Habang kami rito ay malapit na sa may stage, section na namin ang tatawagin.
Ang course na kinuha ko ay Business Management, ka—parehas kong kurso si Alina ang best friend ko at ang boyfriend ko namang si Ethan ay Marketing Management ang course niya.
“Reyes, Alina!”
Napangiti ako nang malaki nang matawag na ang pangalan ng best friend ko.
Napatingin ako roon sa stage na todo ang ngiti pero nawala ang ngiti ko nang makitang nasa harap ng stage si Ethan.
“Bakit nakaramdam ako ng pagkaselos?”
Napailing ako nang maisip ko iyon. “Bakit iniisip natin iyon? Kaibigan lang ang tingin ni Ethan kay Alina.” kausap ko sa aking sarili.
“Harmony, ikaw na ang next tatawagin...” Napalingon ako sa likod nang marinig ko ang kaklase ko. “Umakyat ka na sa stage.”
Napalingon ako sa aking kaklase at tumàngo. Nawala ang tingin ko roon kina Alina and Ethan at umakyat ako sa stage.
“Villanueva, Harmony... Magna c*m Laude!”
Napangiti ako nang marinig ang aking buong pangalan. Nang nasa stage na ako ay ngumiti ako sa harap, pero ganoʼn ang dismaya ko ng wala si Ethan sa harap para kuhanan ako.
Ang nasa harap ko lang ay tanging photographer na kinuha ng campus.
Lumakad na lamang ako pababa ng stage hanggang doon ay nakita ko sina Ethan and Alina, pini—picture—an pa rin ni Ethan si Alina.
“Ethan!” malakas na tawag ko sa kanya.
Sabay silang napalingon sa akin. “Love! Tapos ka na?” Nakita ko ang mukha niyang gulat nang makita nila ako.
“Best, tinawag ka na? Hala, sorry!” sabi ni Alina hanggang nakalapit siya sa akin. “Hindi ka nakunan tuloy ni Ethan sa stage. Magna c*m Laude ka pa naman din!” dagdag niyang sabi.
Hindi ba nila narinig ang pangalan ko? Eh, ganoʼng naka—microphone ang nag—a—announce kanina.
“Ah, oo. Tinawag na ako.” Pinakita ko sa kanya ang diploma ko.
“Sorry, love! Um, picture—an na lang kita rito!” Hinawakan niya ang kanang pulsuhan ko at dinala sa lugar kung saan ko sila nakita.
“Smile, best!”
Hindi ko alam pero I feel weird.
Iba ang t***k ng puso ko ngayon.
Lumabas na kaming tatlo pero nagkanya—kanya kami dahil nasa labas din ang magulang ni Alina at ang Loloʼt Lola ni Ethan.
Matagal ng patay ang mom niya, then ang dad niya ay sinusustentohan lamang siya kaya tanging Loloʼt Lola lamang niya ang kasama.
“Congratulations, anak!” sigaw ni Mama sa akin nang makita nila ako
Mahigpit nila akong niyakap, kaya binalik ko rin iyon sa kanila.
“Salamat po, Mama at Papa.” Hindi ko napigilang mangilid ang luha sa magkabilang mata ko. “Hindi ko po ito kararating kung hindi dahil sa inyo.”
“Hindi, Harmony... Pinaghirapan mo iyan,” nakangiting sabi ni Papa sa akin.
Ngumiti lang ako sa kanila at lumakad kami pababa sa event. Sa pagbaba namin ay nakita ko si Ethan na may hawak na isang bouquet ng roses.
“Congratulations, love!” sabi niya at inabot iyon sa akin.
Nahihiya akong tinanggap ang bulaklak. “T—thank you,” nahihiya kong sabi sa kanya.
Hindi pa siya tapos dahil hinalikan niya ang aking noo. “Ang ganda mo na nga tapos ang talino mo pa, love!”
Napangiwi ako sa kanyang sinabi. “Sipsip.”
Narinig ko siyang tumawa. “Totoo ang sinabi ko, ha?” Napatingin siya kina Mama at Papa. “Di ba po, tita and tito?”
Aba, humanap pa siya ng kakampi.
“Loko.” Hinawakan ko ang kanyang tenga.
“Harmony!”
Nakita ko si Alina na tumatakbo palapit sa akin. Napahinto ako na may dala rin siyang bulaklak, parehas kami.
“Ah, bigay rin ni Ethan! Sabi niya kasi ay mag—best friend tayo kaya same ang binigay niya. Ayaw mo ba, best?”
Nawala ang tingin ko sa bulaklak. “Ha? Hindi naman. Cute nga, eh. D—dahil we are same!” sabi ko sa kanya.
“Kaya nga, eh! Picture tayong tatlo!” Hinila niya si Ethan at nagulat akong siya ang nasa gitna namin.
Hindi ko alam pero kinakabahan ako.
Dapat hindi ko ito maramdaman dahil silang dalawa ang taong pinagkakatiwalaan ko nang buong—buo.
Si Ethan ang unang lalaking minahal ko.
Si Alina naman best friend ko, seven years na kami. Para ko na siyang kapatid na hindi ipinagkaloob sa akin ng tadhana.
Solo child ako, pero marami akong pinsan.
“Wala na tayong exams!” malakas na sabi ni Alina habang hawak niya ang kamay ko.
“Thesis din—”
“Oo, wala na rin tayong thesis! Hindi na tayo magpupuyat!” dagdag niyang sabi sa akin.
“Hindi lang din iyon, love... At wala na ring dahilan para ipagpaliban natin ang future nating dalawa, love.”
Nangunot ang noo ko nang marinig ang sinabi ni Ethan. “Anong ibig mong sabihin?” takang tanong ko sa kanya.
Ngumiti siya sa akin. “Maghahanap tayo ng full—time job. Hindi ko kailangan humingi ng pera sa dad ko. Kapag nakaipon tayo, bubukod na tayo. Pagkatapos...” Huminto siya nang sandali. “...magpapakasal na tayong dalawa, love.” pagpapatuloy niyang sabi sa akin.
Napangiti ako sa kanyang sinabi, pero nakita ko ang mukha ni Alina na nakasimangot at nakita ko rin ang kamao niyang nakakuyom.
“Hindi man ngayon. Hindi man sa susunod na taon. Pero ipinapangako ko, ikaw ang gusto kong makasama habang buhay—”
Hindi natapos ni Ethan ang sasabihin niya nang bigla pumalakpak si Alina.
“Aww! Ang sweet ninyo naman! Nilalanggam na ako rito!” malakas na sabi ni Alina. “Alam ninyo... Umalis na tayo rito at may celebration pa tayo! Nagugutom na rin ako kaya tara na!”
Nagulat ako nang hilahin ako ni Alina kaya wala akong nagawa kung ʼdi sumunod sa kanya.
Hindi ko alam pero ang laki ng nakikita kong pagbabago kay Alina
~~°°~~
Lumipas ang ilang oras matapos ang graduation ceremony ay dumiretso kaming lahat sa isang kilala restaurant upang ipagdiwang ang pagtatapos naming tatlo.
Masaya ang atmosphere ng aming table dahil lahat sila ay nag—uusap ngayon about sa amin. Nakatingin ako sa kanila hanggang kinalabit ako ni Alina, kaya napalingon ako sa kanya.
“Hmm? Bakit?”
“Harmony... May plano ka na ba?” tanong niya sa akin at humigop ng juice.
Napangiti ako sa kanya. “Plano? Ah, mag—a—apply muna ako ng trabaho. Gusto kong magkaroon ng experience bago ako mag—aral muli...”
“So, may na—apply—an ka na?”
Tumango ako sa kanya. “Oo. May interview ako next next week sa Montenegro Bank, Alina,” sagot ko sa kanya. “Kung matatanggap ako roon ay malaking opportunity for me.”
“Wow! Laking bangko iyon, ha? Gusto ko rin sana roon pero hindi ako pumasa. Good luck, Harmony!”
Napangiti ako sa kanya. “Si Lance kaya saan magta—trabaho? Ay, baka roon na siya magwork sa dad niya... Mayaman sila, ʼdi ba?”
Tinignan ko si Alina. “Tumahimik ka... Baka may makarinig sa iyo... Hindi sila mayaman, ang dad lang niya, pero hindi naman niya sinasabi sa atin kung sino ang dad niya.”
“Maging ikaw ay hindi mo alam? Kung sino ang dad niya? Tapos pangalan ng dad niya?”
Umiling ako sa kanya. “Hindi. Ayoko rin naman tanungin, Alina.”
“Ay, sayang naman! Pero kung ako kay Ethan... Magpapatulong ako kay dad niya.”
“Sira! Mas okay kung pinaghirapan mo iyon, Alina. Para hindi ka matawag na kaya ka nakapasok kasi may backer ka,” sabi ko sa kanya.
Nakita ko ang pagnguso niya kaya natawa lamang ako.
Makalipas ang ilang minuto, sunod—sunod na kaming nag—picture para may memories kami. Napuno ng tawanan, kʼwentuhan, at masasayang alaala ang bumalot sa buong salu—salo.
Nakatingin ako sa phone ko habang nakatingin sa mga photos sa phone ko hanggang napansin kong nawala sina Ethan and Alina sa table namin.
“Nasaaan ang dalawang iyon?”
Tinignan ko ang silya ni Alina, nandito naman ang bag niya. Sa kabilang side ko naman, wala ang bag ni Ethan.
“Sino hinahanap mo, Harmony?” Napalingon ako sa Mama ni Alina. “Si Alina ba? Pumunta sa restroom.”
Napatango ako sa kanyang sinabi. Kaya siguro babalik din silang dalawa.