Four

3674 Words
Your Highness, You're My Slave Chapter Four HABANG nasa locker room para magpalit ng maido costume si Alex ay napansin niya na hindi na namamaga ang kanang kamay niya. Napangiti siya. Mabuti 'yun para pagpasok niya mamaya sa Chocolate bar ay hindi ito magiging sagabal sa kanya. "Ikaw ang mag-seserve, ngayon?" Tanong sa kanya ni Joana. "Oo, ikaw naman sa counter." Sabi niya rito at pinagpatuloy na ang pagpapalit ng damit. Dalawa lang sila ni Joana ang nasa night shift. Ang ibang maido girls ay sa umaga at tanghali pumapasok. "Welcome sir, ma'am, table for two?" Pagtatanong niya sa kakapasok pa lang na magkasintahan. Saan niya nakuha ang english na 'yun? Kinabisado niya lang ang sinasabi ni Joana kapag may dumadating na costumer. "This way, please." Aniya at ginaya ang dalawang customer sa isang pandalawahang lamesa. Tinanong niya na rin kung ano ang order ng mga ito at inulit ang sinabi nitong order para makasiguro na tama at walang kulang sa nailista niya. Narinig niyang tumunog ang bell na nasa pinto ng cafe, babatiin niya na sana ang mga ito pero nanlaki ang mga mata niya nang makita kung sino ang dumating na costumers. Agad siyang napaupo at nagtago sa likod ng nakaupo na magkasintahan. "Welcome sir!" Narinig niyang bati ni Joana mula sa counter sa mga ito at agad hinahanap siya nang mga mata nito. Natagpuan siya nito at pinandilatan siya ng mata pero nag-sign lang siya na h'wag maingay. Mabuti na lang at nakisama ang kaibigan. "Dude, ang cool dito." Narinig niya ang boses ni Nieder. "Gusto ko ng coffee. Nag-iinit dugo ko sa inyo. " Narinig niya ang mayabang na boses ni Zenwel. "Kung nag-iinit pala ang dugo mo dapat hindi coffee ang hinahanap mo. Dapat halo-halo." Narinig niya ang gwapong boses ni Kyle. "Bakit? May ice coffee naman, ah?" Ani Nieder. "Oo nga, 'no?" Sabi naman ni Zenwel. Nagtawanan sila Kyle at Nieder bigla. Mga baliw. Nakaupo at nagtatago sa mga lamesang naglakad si Alex papunta sa counter at hanggang doon ay nagtatago pa rin siya. "Ang drama mo, baks!" Nasabi sa kanya ni Joana. "Baks, ikaw muna magserve." Bulong niya rito at binigay agad kay Joana ang listahan. "Bakit?" "'Yung tatlong lalaki na kakapasok lang, sila ang mga amo ko sa pinagtatrabahuhan kong isa. Diba nasabi ko sa'yo ang tungkol sa pagpapanggap kong lalake para makuha iyong trabahong janitor? Naku! Patay talaga ako nito kapag nakita nila ako dito! " Napatutop si Joana ng maalala na sinabi niya nga pala iyon dito dati. "Talaga? Aba'y ang gagwapo ng mga amo mo, baks! Ang swerte mo!" "Asar! Iyong kagwapuhan pa nila inatupag mo, hayop ka! Tulungan mo nalang ako na hindi nila ako makita!" at sinamaan niya ito ng tingin. "Fine fine!" hinamon din siya nito, pero joke lang nila iyon. "Miss! 'Yung order namin na saan na?" Pag-aapura na ng isang costumer. "Hala, bilis na baks! 'Kaw na muna magserve ako na muna bahala rito." Napapayag niya naman ang kaibigan pero dapat ay magkwento daw siya dito mamaya. Hinatid ni Joana ang order ng magkasintahan at saka ito lumapit sa naggagwapuhang tatlong binata. "Anong order niyo, sir?" Pagtatanong nito at agad na gumana ang kapilyuhan ni Nieder at nagawa pa nitong kindatan si Joana. Sinabi ng mga ito ang order nila at binigay ito kay Alex ang listahan. Ito na ang gumawa ng order ng mga ito at sinisiguro niya na hindi siya makikita ng tatlo o mamumukhaan habang nagtatrabaho sa counter. Sa tinagal ng oras na nilagi ng tatlo sa maido cafe ay laking pasasalamat niya dahil hindi siya napapansin ng mga ito. Busy lang sa pagkukwentuhan ng kung ano at sa pagkalkal sa laptop. Parang mag ginagawa ang mga itong research. Pero sabi nga nila, h'wag magsasalita ng tapos lalo pa't hindi pa tapos. Nang aalis na kasi ang tatlo ay nagtungo pa ang mga ito sa counter. Balak pa atang mag-take-out ang mga ito. "Dude, una na ako sa kotse." Paalam ni Nieder. "Hintayin ka namin doon, Zen, ah!" Paalam din ni Kyle kaya si Zenwel na lang ang tumuloy sa counter. Habang naglalakad na ang dalawa sa pintuan palabas ay tila nahagip ng balintataw ni Kyle ang bulto ni Alex sa counter ng coffee shop. Akala nito ay namamalikmata lang it okay huminto ang binata at sinigurado kung tama ba ang hula nito. "Oh, Kyle? May problema ba?" saad ni Nieder ng huminto sila saglit. "Parang si Alex iyong nasa counter," siningkit niya ang mga mata at pinakatitigan ang babaeng nasa counter. Hindi ito pwedeng magkamali, si Alex nga ang nakikita nito. Ngunit bakit nakadamit pambabae ito? Hindi ba ay lalake si Alex? *** "ANO po sa inyo, sir?" Impit ang boses na sabi ni Alex. Ayaw niyang makilala siya ni Zenwel na ngayon ay nasa harapan niya. Isang dipa ang pagitan nilang dalawa. Hindi nito pwedeng malaman na babae siya! Siguradong matatanggal siya sa trabaho niya at baka ipakulong pa siya ni Crystal kapag nagsumbong si Zenwel matapos siya nitong makita! Paano na lang si Kia? Tagaktak ang pawis niya. Gusto niya ng lamunin ng lupa ngayon din mismo! "One order of Greek frappé coffee, please." Ani Zenwel. "Okay, sir, wait lang." Aniya habang nakayuko at pilit na tinatakip ng maikli niyang buhok ang mukha. Naweirduhan tuloy si Zenwel sa kanya dahil nakatabingi ang ulo niya habang kumikilos. "Here's your order, sir." Sabi ni Alex at kinakapa ang counter para iabot ang order nito pero mali ang napaglapagan niya. Lumagpas ito kaya bumagsak ang coffee ni Zenwel sa lapag at nabasa ang sapatos nitong mamahalin. "Fvck!" Malutong na mura kaagad ni Zenwel at nataranta naman agad si Alex . Agad siyang lumabas ng counter at lumuhod sa harapan ni Zenwel para punasan ang nabasa nitong sapatos. "Sorry, sir. Hindi ko po sinasadya. Pasensya na." Hingi niya pa ng sorry dito habang patuloy naman sa pagmumura ng malutong si Zenwel. "Ang tanga-tanga mo kasi, eh! Tama bang nakayuko habang nagseserve?" "Pasensya na po talaga, sir." "Get off me!!" Singhal nito at itinaas ni Zenwel ang paa kaya nasipa siya at napaupo sa saheg. "Aray naman!" Daing niya pa. "Nagsosorry na nga 'di ba? Bakit kailangan mong manip—" hindi natapos ni Alex ang paninermon niya dahil nakita niyang nakatulala na sa kanya si Zenwel at doon niya lang naalala na pinagtataguan niya nga pala 'to. Pero huli na ang lahat dahil nakita na siya nito. "W-wait. Your—" Hindi niya na ito pinatapos pang magsalita at mabilis na tinalikuran ang binata. Hahakbang na sana siya palayo ngunit narinig niya ang paglapit nila Nieder at Kyle. Mas lalo siyang nilukob ng kaba. Katapusan niya na ba? Mawawalan na ba siya ng trabaho? Makukulong pa siya! Paano na si Kia?! Paano na ang pag-aaral nito?! "Dude! Naku! Hindi mob a alam na tumawag si Angelica sa'kin kanina?!" "Oo nga! Ang sabi ay namimiss ka na daw niya!" Angelica? Sino si Angelica? "Ha?! Talaga?! Ba't hindi siya tumawag sa'kin? Ang weird kase sa'kin naman iyong lagging tumatawag, eh." "Ah, dude. We really need to go." "Ha? Pero kase—wait!" "Ah, miss! Thank you ulit! Kami na lang ang bahala dito sa kaibigan namin!" Naramdaman niyang parang kinaladkad na palayo ng dalawa si Zenwel. Naguguluhan naman si Zenwel sa ginawa ng mga ito pero sa huli ay binaliwala nalang iyon ng binata. Para naman siyang nabunutan ng malaking tunok sa likod matapos iyon. Nagpasalamat siya sa langin dahil buti na lang ay dumating ang dalawa. Akala niya ay matutuklasan nan g mga ito na babae siya. *** KAKATAPOS lang ng shift niya sa coffee shop. Lumabas na siya roon ng bigla ay sumulpot sa harapan niya si Nieder at Kyle. Muntikan na siyang mapasigaw sa pagkabigla. Napalunok siya ng ilang beses ng makita ang mga nakakalokong ngiti ng dalawa. "Babae ka pala, Alex?" Mga salitang nagpasinghap sa kanya ng malalim. Si Nieder ang unang nagsalita. "A-anong sinasabi mo?" "H'wag ka ng magsinungaling sa'min. Alam mo ba na pwede kang makulong sa ginawa mo?" Banta ni Kyle na nagpa-iling sa kanya. Agad na nangusap ang kanyang mga mata dahil bigla niyang naalala ang kapatid na si Kia. "P-please naman, oh! H'wag—h'wag niyo akong isumbong? Kailangan na kailangan ko kase ang trabaho, eh. P-para sa kapatid kong si Kia! Gusto ko siyang makagraduate ngayong taon kaya—" Bigla siyang inakbayan ni Nieder. "Oo naman, Alex! Hindi namin sasabihin! Sus! Hindi naman kami gano'n kasama at naiintindihan namin!" "Yep yep." Tatango-tango naman itong si Kyle. Biglang umaliwalas ang mukha ni Alex sa mga narinig mula sa dalawa. Hindi niya lubos maisip na hindi siya isusumbong ng dalawa. "P-pero. Ma-may kapalit ba?" Humalukipkip si Kyle. Ipinatong ang daliri sa ilalim ng baba at pinagsadahan ng tingin ang kanyang katawan, "shempre may kapalit." Nakangisi na turan nito sa kanya. Bigla tuloy siyang nanigas sa kinatatayuan. Sinasabi niya na nga bang may kapalit. Shempre, mga lalaki? Ano bang dapat asahan sa mga katulad ng mga 'to. "K—kung kung katawan ko rin lang ang gusto niyo, h'wag na!" Pumiksi siya sa pagkaka-akbay ni Nieder sa kanya at tska ipinosisyon ang sarili. Para bang naghahamon siya ng suntukan sa dalawa. Hindi siya gano'n kababaw para ibigay sa mga 'to ang gusto nila at hindi rin naman siya bobo para magpa-uto. Sinamaan niya ng tingin ang dalawa at hinamon pa. Natigilan siya ng biglang tumawa ng malakas sina Kyle at Nieder. Tinutulak pa ng dalawa ang isa't-isa habang tumatawa tska napahawak sa sariling mga tiyan. "Alex naman! Gino-good time lang, eh!" Ani Kyle na pinipigilan ng matawa ulit. "Ano?! Ano bang tingin niyo sa'kin, ha?!" Singhal niya na pero mas lalong natawa ang dalawa. "Ang seryoso mo naman! Kung hindi ka naming nakitang nagsuot ng cute na French maid costume, naku! Pero, ang cute mo, Alex! Papasa ka sa standards ko." Tawa parin ng tawa si Nieder. Inis siyang umayos ng tayo. "Bwisit kayo!" "Pero promise, we'll keep this as a secret. Since, ikaw lang naman ang nakita kong katapat ni Zenwel. I'm sure, this will be interesting." Ani pa ni Kyle. "Ewan ko sa inyo! Bahala na nga kayo d'yan!" Naiinis na naglakad nalang siya palayo at iniwan ang dalawa. Kahit malayo na siya ay hindi parin natigil ang pagtawa ng mga ito. *** KINABUKASAN ay nagising si Kia sa naririnig na pag-ungol. Napatingin siya sa ate niya at inaapoy na pala ito ng lagnat. "A-Ate," naiiyak na banggit niya at hindi alam ang gagawin. Nagising tuloy ang ate niya sa pag-iyak-iyak niya. "A-Ano ba, K-kia? A-Anong iniiyak-iyak mo d-diyan?" Hirap na sabi nito ng mabungaran si Kia na umiiyak. "Ate, may lagnat ka, eh. Iiwan mo na rin ba ako?" Umiiyak na sabi niya kaya kahit hinang-hina ay pinilit na itinaas ni Alex ang kamay para batukan ang kapatid. "S-Sira! May lagnat lang mamamatay kaagad?" Ani Alex sa kanya. Akma itong tatayo pero hindi nito kinaya kaya napahiga na lang ulit. "Ate, h'wag ka ng tumayo, hindi mo naman kaya, eh. Pahinga ka na lang muna." "Pero ang trabaho ko. Mag-dedeliver pa ako ng dyaryo at gatas." "Ako nalang po ang mag-dedeliver. Hindi nalang po muna ako papasok." "Hindi! Pumasok ka, Kia." "Ate naman. Hayaan mo naman akong maging kapatid sa 'yo. Magtutulungan tayo 'di ba? This time, tutulungan kita ate. Ako na muna ngayon, please? Magpahinga ka." Sa huli ay napapayag din ni Kia ang ate niya na siya ang maghatid ng mga dyaryo at gatas. Agad din siyang umuwi pagkatapos niyang puntahan ang eskwelahan na pinagtuturuan ng ate niya na hindi ito makakapasok. Pagdating niya sa bahay ay nakita niyang pilit na tumatayo ang kanyang ate pero pinagalitan niya ito at pinahigang muli. Mataas pa rin ang lagnat nito at hindi man lang bumababa kaya sobrang nag-aalala na siya. Hindi naman siya makatawag sa doktor o madala ang ate sa ospital dahil ayaw nitong magpadala. Kaya patuloy nalang ang pagpupunas niya sa katawan nito at pinilit na pakainin at painumin ng gamot para sa lagnat. "SINONG hinahanap mo, dude?" Malokong pagtatanong ni Nieder sa kapatid niyang kanina pa palinga-linga habang naglalakad sila sa hallway ng school. Lunch break na nila ngayon. "Anong hinahanap 'yang sinasabi mo?" Pagtataray ni Zenwel. "Sus naman, Zen! Bakit hindi mo na lang aminin na hinahanap mo si Alex?" Taas baba pa ang kilay ni Kyle habang sinasabi 'to. "Heh! Bakit ko naman hahanapin ang isang 'yun? Pangalawang araw niya ng wala! Pakialam ko sa nangyari sa kanya?!" Pasigaw na ani Zenwel na sya namang tinawanan ng dalawa. "Tumigil nga kayong dalawa!!" Saway ni Zenwel sa mga ito. "Dude, halatang-halata ka." Natatawang inakbayan ni Nieder ang kuya niya. "Zen, akalain mong alam mong dalawang araw na siyang wala? Iba na 'yan." Nakiakbay pa 'tong si Kyle kaya iritadong inalis ni Zenwel ang mga braso nila sa balikat nito. "Ano ba 'yang mga sinasabi niyo?! Mga baliw!! Diyan na nga kayo!!" Sigaw nito sa kanila at nagpatiuna nang maglakad at natatawang nakasunod naman sina Kyle at Nieder. *** NAPAKUNOT ang noo ni Crystal nang mapansin niya ang kapatid na si Zenwel sa harap ng opisina niya. Pabalik-balik ito na naglalakad sa harapan ng pinto, akmang bubuksan ang pinto pero sa huli ay magdadabog at sasabunutan pa ang sarili na parang hindi alam ang gagawin. Kung bubuksan ba o h'wag na lang. Natatawa at natutuwa siya sa aksyon ng kapatid pero binuksan niya nalang ang pinto para malaman ang pakay nito. "Anong ginagawa mo, Zenwel?" Bungad niya sa kapatid habang ang mga kamay nito ay naiwan sa ere na akmang bubuksan ang pinto. Napatayo si Zenwel ng tuwid at hinawi ang bangs nito gamit ang palasingsingan. Nag-clear throat ito bago nagbalik ang maangas nitong tindig at mapanindak na tingin. "Wala, naligaw lang ako." Anito sa kanya at napataas naman ang kilay niya sa kapatid na wari'y hindi naniniwala sa sinasabi nito. Sino ba namang maniniwala e' kanina niya pa pinagmamasdan ito na 'di mapakaling pabalik-balik sa harap ng opisina niya. "Ba't ganyan ka makatingin?! Totoo ang sinasabi ko!" Depensa pa nito kaya natawa na lang siya. Masyado kasing defensive ang kapatid. Nahahalata niya tuloy ang mga galaw nito. "Si Alex ba?" Pagtatanong niya rito nang may nakakalokong ngiti sa labi. "Ano?! Bakit ko naman hahanapin 'yun? Pakialam ko ba kung bakit hanggang ngayon ay hindi pa siya pumapasok? Pakialam ko ba kung ano ng nangyari sa kanya? May paki ba ako roon?! Mga sinasabi niyo!! Diyan ka na nga!!" Tinalikuran na siya nito matapos itong sabihin. Nagulat pa siya sa mga sinabi nito kaya hindi kaagad siya nakapag-reak. Namalayan niya nalang na medyo nakakalayo na si Zenwel. "May sakit siya! Kaya hindi makakapasok!!" Sigaw niya sa papalayung si Zenwel pero hindi man lang ito huminto. Pero alam niyang narinig 'to ng kapatid niya. *** "MAY sakit? Ang mayabang na patpating 'yun? Huh! Tama lang 'yun sa kanya!" Ani Zenwel at hinulog ang sarili sa sofa. Nandito na siya sa loob ng leisure room hanggang sa napansin niya na wala sina Kyle at Nieder dito. Doon niya lang naalala na may klase nga pala siyang dapat attend-nan. Umalis siya sa kwartong tinambayan at nagdisisyong pumasok sa klase. "Buong akala namin hindi ka na naman papasok." Bulong sa kanya ni Kyle nang maupo siya sa unahan nitong upuan. "Tsk!" 'Yan lang ang naging sagot niya sa sinabi nito. Wala naman kasi siyang choice kundi ang pumasok. Paano niya na lang makukuha ang mga mana niya kung hindi niya matatapos ang college. "Dude, natatae ka ba?" Maya-maya ay bulong sa kanya ni Nieder na nasa bandang likuran niya katabi si Kyle. Nilingon niya lang ito at sinamaan ng tingin. Nababadtrip siya lalo! Ang panget na nga ng prof na nagtuturo wala pa siyang maintindihan sa tinuturo nito. Hindi naman mahirap para sa kanya ang Accounting pero bakit ngayon wala siyang maintindihan dahil paulit-ulit na nagpeplay sa utak niya ang sinabi ni Crystal kani-kanina lang. "May sakit siya! Kaya hindi makakapasok!" "May sakit siya! Kaya hindi makakapasok!" "May sakit siya! Kaya hindi makakapasok!" Ano bang pakialam niya kung may sakit nga si Alex? Hindi niya na dapat isipin ang payatot na iyon! "Mr. Zenwel Ashfortz!" Puna sa kanya ng kasalukuyan nilang professor nang bigla ay tumayo siya at lumikha iyon ng ingay na nakakuha sa atensyon ng lahat. Walang sali-salitang naglakad siya palabas at naiiling nalang ang professor sa gano'ng asta niya. *** "LEVY!" Galit na bungad niya sa phone nang tawagan niya ang personal butler niya. "Yes, young master?" "Where's the f*****g file I asked you before?!" "Nasa locker niyo na po, young master." Hindi na niya ito sinagot pa at agad na-ini-end ang call at nagtungo sa locker room para kunin ang kailangan niya. Pagbukas niya ng locker ay nakita niya kaagad ang isang sliding folder na naglalaman ng mga impormasyong nakuha ni Levy tungkol kay Alex . Agad na nilipat ni Zenwel ang mga pahina at hinanap ang address ni Alex kung sa'n ito nakatira. "Sitio kwatro, Dumpsite Hendez City." Napakunot ang noo niya sa nabasa. Hindi niya pa naririnig ang lugar na ito pero may hula na siya sa itsura ng lugar. Dumpsite? Hindi ba't tapunan ito ng mga basura? Paanong doon ito nakatira? Kung sa bagay ang isang salot na dagang gaya ni Alex ay dapat lang na manirahan doon. Isinara ni Zenwel ang locker niya at agad na naglakad papunta sa parking lot upang puntahan ang sinasabi sa address. Pero papalabas palang ang kotse niya sa school ay napahinto na siya dahil namataan niya na si Alex . Nakaangkas ito sa isang bike na pinapaandar ng isang lalaki. Agad na gumuhit ang init ng ulo sa kanya sa nakitang tagpo. *** "NANDITO na tayo." "Salamat Joe, ah." "Ano ka ba, wala lang 'to 'no!" "The best ka talagang katropa! Kaibigang tunay!" Ani pa ni Alex at nagtaas ng palad upang makipag-hi five. Nag-aalangan naman na tinanggap 'yun ni Joe. Tropa, kaibigan. Siguro nga hanggang doon na lang ito para kay Alex . Kung sana ay mayaman lang ito ay magkakaroon pa ito ng lakas ng loob na ligawan siya. Pero kung sila kasi ang magkakatuluyan, mahirap plus mahirap equals salat. Mas maghihirap lang si Alex sa piling ni Joe kaya habang hindi pa ito mayaman ay hahayaan na lang muna ito ni Joe. Magkalapat pa ang mga palad nila sa pagkakahi-five nang bigla nalang ay may humila kay Alex palayo kay Joe. "Ano ba!" Iritang sigaw ni Alex at mas nairita siya nang makita si Zenwel na galit ang mukha. "Bakit na naman ba?" "May sakit ka ba talaga o dinahilan mo lang 'yun para makipaglandian dito sa lalaki mo?" Anito sa kanya na syang kinaawang ng bibig niya. "At ikaw naman?" Tuon ni Zenwel kay Joe habang hawak siya nang mahigpit sa palapulsuhan. "Kukuha ka nalang ng call boy ito pang patpating 'to ang kinuha mo! Kung sa bagay mukhang hindi mo kayang kumuha ng mas matino!" "Hindi ko alam kung ano man 'yang mga sinasabi mo pero hindi ko gusto ang tabas ng dila mo!" Ani Joe rito at napatingin ito sa pagkakahawak kay Alex . "Bitawan mo nga siya!" Utos nito kay Zenwel. "And who are you to tell me what to do?" Angas ni Zenwel kay Joe. "Hindi mo ako kailangan makilala. Ang akin lang bitawan mo si Alex !" Sagot naman ni Joe. "Walang sa 'yo dahil sa 'kin siya!" Sigaw ni Zenwel. "Nababaliw ka na ba?! Bitaw nga!! Babalyahin kita sinasabi ko sa 'yo!!" Ani Alex habang pilit na kumakawala. "Ako ang nagpapasahod sa kanya na siyang pinanlalamon niya! Sa 'kin galing 'yun! Kaya automatically sa 'kin siya!" Singhal ni Zenwel kay Joe. "Tama na nga!" Mabilis na pumagitna na si Alex at malakas na tinulak palayo si Zenwel sa dibdib nito. Bahagya namang natigilan si Zenwel sa ginawa niya. "Okay ka lang, Alex ? Sino ba ang mayabang na 'yan?" "Isang taong desperado at walang ibang alam gawin kundi manakit ng ibang tao!" Ani Alex sa kaibigan na siyang kinatigil naman ni Zenwel."Sige na Joe, ako na ang bahala rito. Alis ka na." "Pero Alex , 'yang lalaking 'yan." "Anak siya ng may-ari nitong school. May pagka-abnormal lang talaga 'to lalo na kapag hindi nakakainom ng gamot. Pero kaya ko na 'to." "Anak siya ng may-ari ng school? Isa siyang Ashfortz?" "Oo, sige na Joe. Ako na rito. Mas lalo lang magkakagulo kung mananatili ka pa." Walang ibang nagawa si Joe kundi sundin na muna si Alex sa ngayon dahil ayaw nitong makadagdag sa dalahin niyang problema. "Fvck! Bakit mo ginawa 'yun sa 'kin?" Bulyaw ni Zenwel nang makabawi at napansin naman agad nito ang pag-alis ni Joe. "Hoy! Saan ka pupunta? Bumalik ka rito!!" Sigaw nito habang tinuturo si Joe na nakalayo na. "Manahimik ka nga! Ano bang drama mo at gumagawa ka ng iskandalo?" "Iskandalo? Ikaw 'tong gumagawa ng iskandalo! Pati ang pamamakla ay pinapatos mo na ring trabaho? Gaano ka ba kahirap, ah?! Bukod sa pagiging janitress rito sa Willford ilan pa ang matino mong trabaho?" Unti-unting nanlalaki ang mga mata ni Alex sa bawat salita na naririnig niya mula kay Zenwel. Ano bang iniisip nito? Na ang pagiging janitor niya lang sa Willford ang matino niyang trabaho at lahat puro hindi disente na? "Alam mo, hindi porque mahirap ka ay gagawin mo na ang lahat para may makain. You are so disgusting!! Ang pagpatol sa kapwa lalaki o kahit pa man bakla ay isang—" Napakabilis ng mga sumunod na nangyari. Napaupo sa lapag si Zenwel dahil sa lakas nang pagkakasuntok ni Alex sa mukha nito. "Hindi rin porque mayaman ka ay may karapatan ka ng husgahan ako. Umayos ka, hindi ko na nagugustuhan ang tabas ng pananalita mo!" May diin na bigkas niya rito. "Kung ano man ang pinanghuhugutan ng mga sinasabi mo, pwede ba h'wag ako?! Kasi hindi ako 'yung taong palabiro kaya h'wag mo akong mabiro-biro. Baka kapag ako ang natripan mo matripan ko ring patulan ka." Makahulugang ani Alex rito at saka tinalikuran. Baka akala niya nakakalimutan na nito kung bakit siya nagkasakit ay dahil sa pangtitrip nito sa kanya na buhusan ng isang baldeng tubig. Mas pinalala kaya noon ang pakiramdam niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD