Chapter One
Your Highness, You're My Slave
written by: st3lla/stellarEchizen in collaboration with Lazy_Fingerz
"ZENWEL! Ano 'tong nabalitaan kong ginawa mong katulong ang limang babaeng estudyante natin para linisin ang tambayan niyo?" paninermon ng ate ni Zenwel na si Crystal; ang kasalukuyang namamahala ng Willford Academy.
"Tsk," he sighed heavily as he rolled his eyes at maangas na dumikwatro ng upo sa sofang inuupuan at isinandal ang likod. "Why are you just blaming me for this? Pati rin naman sina Kyle at Nieder ay kasama ko sa kalokohang 'yun, ah." He uttered.
"Dahil ikaw lang naman ang mastermind dito! Si Kyle, goodboy 'yun, napapariwara lang dahil sa 'yo. Si Nieder, malamang tinakot mo kaya sumunod."
"What the f**k, Crystal! It was Kyle's idea!" He uttered defending himself.
Si Kyle ay isang looking good na lalaki na mukhang hindi makakagawa ng masama pero kung makikilala mo talaga ito, ito ang pinakamaraming kalokohan sa lahat. Si Kyle ang mastermind sa mga kalokohan nilang tatlo, pero dahil matalino ito, alam na nito agad kung paano mag-hugas ng kamay.
Si Nieder naman ay madalas na sumasakay sa kalokohan at nangunguna pa nga. Pero magaling itong lumusot kapag nagkahulihan na kaya sa huli... si Zenwel ang naiiwan. Siya lang ang lalabas na masama at kahit mangatwiran pa siya walang maniniwala sa kaniya.
"Gusto mo ba Zenwel na hindi lang mga janitors ang magsialisan sa 'tin? Gusto mo bang pati ang mga estudyante ng Wilford Academy ay isa-isa na rin tayong layasan? Bakit mo naman ginawa 'yun? At Diyos ko naman, pati ba naman babae pinapatulan mo?" Hindi makapaniwalang ani ng kanyang ate.
"My room was so messed! What do you want me to do?!"
"For heaven's sake! Sino kaya ang pasimuno kung bakit isa isang nag-alisan ang mga janitor ng Willford? Hindi ba 't ikaw?"
Napangiti siya nang maalala ang huling beses na nangbully siya ng kareresign lang na janitress. Natutuwa talaga siya kapag may napaglalaruan.
"And your point is?" Tamad niyang pagtatanong dito. Sawa na siya sa pag-aastang nanay ni Crystal. As if naman na may pakialam talaga 'to sa kanya. No one cares for him simula noong mawala ang mommy niya.
"My point is to stop bullying others! You're not a kid anymore, Zenwel! Can you think according to your age?!"
"Whatever." Labas sa kanang tenga labas sa kaliwa ang nangyari. Tumayo nalang siya para lumabas.
"Zenwel!!" pigil sa kanya ng kanyang ate pero hindi siya huminto. "Kung hindi ka titigil sa kalokohan mong 'yan ay mapipilitan akong parusahan ka! Baka nakakalimutan mo! Ibinigay ni daddy ang consent sa 'kin para sa pangangalaga sa inyo ni Nieder!" Pahabol ng ate niya nang papalayo na siya.
Samantala, naiwan si Crystal na hinihilot ang sintido. Hindi nito na alam kung anong gagawin sa kanya. Napakatigas ng ulo at pati ata puso ay bato na.
Naiintindihan naman naman ni Crystal ito. Galit ito sa mundo dahil iniwan sila ng ina nila; na syang totoong nagpahalaga at nagmahal kay Zenwel pero dahil pati ang kaisa-isang tao na minahal nito ay nagawa itong iwan hindi na ito naniwala pa sa iba. Mas nangingibabaw ang galit sa puso niya. Kung meron lang sanang makakatunaw ng yelo sa puso niya at makakasabay sa katigasan ng ulo niya ay magiging maganda sana.
***
SA KABILANG banda, pawisan naman si Alexis sa pagtuturo sa mga bata ng ilang basic positions sa taekwondo. Isa siyang guro sa isang maliit na paaralan at meron siyang pitong batang tinuturuan.
"Okay mga bata, tama na muna sa araw na 'to." Aniya sa mga bata matapos nilang sabay-sabay na gawin ang mga basic positions na kanyang itinuro.
"Maraming salamat po, Master." Ani ng mga bata at isa-isa nag nagsialisan kasama ang mga magulang na sundo ng mga ito. Agad nagtatakbo sa locker room si Alex para magpalit ng damit. May isang trabaho pa siyang hahabulin.
Matapos mag-bihis ay agad siyang sumakay sa kanyang bisekleta at mabilis itong pinadyakan. Isa siyang kargadora sa isang palengke. Nagbubuhat siya ng mga naideliver ng mga gulay, batsa-batsang isda, kinatay na baboy at kung anu-ano pang klase ng pagbubuhat. Pero kung minamalas ka nga naman, kung kailan ka nagmamadali ay may tatanga-tangang lalake pa ang bigla nalang tumawid sa kalye kaya dali-dali syang napakambyo at sumemplang.
"Fvck!" Malutong na mura ng lalake nang mapaupo ito sa kalsada dahil sa gulat. Kamuntikan na niya itong masagasaan.
Napadaing si Alex sa konting gasgas na natamo niya sa palad at sa siko na siyang pinangsuporta niya nang malaglag siya sa bike. Agad niyang dinaluhan ang bike niya at nang makitang wala naman iyong naging sira ay natuwa siya.
Napabaling ang tingin niya sa tatanga-tangang lalaki na tumatawid kahit green light pa. Nainis siya bigla dahil hindi niya gusto ang mga taong lumalabag sa mga simpleng batas.
"Ang tanga mo naman! Bakit bigla kang tumatawid? Kita mo ng green light, oh!" Asik ni Alexis sa lalake sabay turo doon sa traffic light.
"What the f**k did you just say?!" Hindi makapaniwalang singhal ng lalake. Magsasalita pa sana siya ulit pero napako siya ng ilang segundo sa kinatatayuan at napaawang ang bibig nang harapin siya ng lalaki. Hindi siya makapaniwala sa kanyang nakikita. Buong buhay niya ay hindi pa siya nakakita ng isang napaka-gwapong nilalang.
"You f*****g hit me with your damn f*****g trash and you almost f*****g kill me! Are you some kind of a s**t?! And you don't have the right to f*****g call me stupid, damn asshole! How f*****g dare you?!" May diin sa bawat salita na asik nito sa kanya.
Pero titig na titig padin siya sa binata. Manghang-mangha siya sa itsura nito. Matangos na ilong, perfect jaw line, ang mga mata nitong para kang hinihubaran kapag nakatitig at ang buhok, ang shiny! Tinalo pa ang buhok ng mga babaeng modelo ng shampoo. At higit sa lahat, ang pagbaba't taas ng adams apple nito na nakakapanindig balahibo talaga!
"Pay for all the damages or else I will sue you!" banta nito sa kanya at tinuro-turo pa siya. Tska pinahid ang maliit na likidong dumikit sa gilid ng mata nito. Natalsikan kasi ito ng kung anong materyal na nagmula sa bisekleta ni Alexis.
"For your information! I came from a very popular and wealthy family! I can buy you and your f*****g soul! I can destroy your whole life! You mother fucker! Do you f*****g understand everything I said?!" Galit na galit na tanong ng lalake sa kanya pero labas sa tenga ang nangyari dahil titig na titig talaga siya sa lalake.
"Okay! I know that I am very very handsome! But, you do not have the right to drool at me! You need to pay for the damage you've done! D'you see the bruise I have on my face?! Pay for th--"
"Ang daldal mo para sa isang lalaki. Bakla ka ba?" biglang pagsasalita ni Alex na siyang kinatigil ng lalake. Agad itong napasinghal nang malakas dahil sa tinanong niya rito.
"W-what?!" napamaang na sagot nito.
Magsasalita pa sana siya dito pero nagsimula nang bumusina ang mga sasakyang naperwisyo nilang dalawa dahil nasa gitna pala sila ng kalsada.
"Patay!" Doon lang naalala ni Alex na kailangan niya na palang magmadali dahil huli na siya. Agad na kinuha niya ang bisekleta at sinakyan 'to.
"Hey!! Asshole!! Where do you think you're going?!!" Panghahabol sa kanya ng lalake pero hindi niya na ito pinansin. Mas mahalaga sa kanya ang trabahong hinahabol.
Malutong na napamura ang lalake. "Come back here you son of a b***h! Do you think you can run from me?!! Hey! Come back!!" Sigaw parin nito pero nakalayo na si Alex. Asar na asar tuloy ito sa kanya.
***
"HOY IKAW! H'wag ka ngang humarang-harang sa daan!" Galit na sigaw ng isang driver ng sasakyan kay Zenwel.
"Are you shouting at me?!" At nabaling na nga sa driver ang galit niya. Nang humarap siya rito ay agad siya nitong nakilala dahil sa suot niyang uniporme ng Willford Academy at bukod pa doon kalat na ang larawan niya sa internet, dyaryo, magazine at tv dahil sa success ng pamilya nila.
"M-Master Zenwel," nanginginig ang boses na ani ng matandang lalaki na nagkataong nagtatrabaho sa kanilang kompanya. Nalaman 'yun ni Zenwel dahil gamit nito ang company car na pagmamay-ari nila.
Agad na lumabas sa loob ng sasakyan ang matandang lalaki at paulit-ulit na yumuko sa harapan niya para humingi ng tawad sa kanya. Pero parang walang narinig si Zenwel sa pagmamakaawa nito.
"What was your name?" May otoridad na pagtatanong ni Zenwel dito.
"M-Master Zenwel, hindi ko naman po sinasadya--"
"What the f**k is your name?!"
"Rodolpo Robrero po!"
Agad na may tinawagan si Zenwel at narinig nitong binanggit niya ang pangalan nito. Napaiyak na ang matandang lalaki dahil tila may ideya na ito sa mga mangyayare.
"You're fired!" Sigaw niya at tinalikuran ito. Sakto namang dumating na ang kotse na tinawagan niya rin kanina para sunduin siya.
"Humanda ka sa'king loko ka! Hinding-hindi ko palalagpasin ang ginawa mong 'to sa'kin!!" Naibulong niya sa hangin habang nasa loob na ng kotse.
***
AGAD na ipinarada ni Alex ang bisekleta sa tabi at nagtatakbo na papasok sa palengke.
"Magandang umaga po," aniya sa mga amo.
"Anong magandang umaga? Tanghali na inday! Huli ka na naman! Alam mo namang maaga ang bagsakan ng mga gulay, karne't isda diri!" Pinandilatan siya ng mata ng maliit at matabang babae na kanyang pinagtatrabahuhan.
"Pasensya na po talaga, galing po kasi ako sa klase ko sa taek--"
"Aba'y wala namang problema sa 'kin kahit saan ka pa galing basta ba'y dumating ka sa tamang oras! Aba'y ano pang gagawin mo rito? Nabuhat na ng mga kargador ko ang lahat ng kailangang buhatin."
"Pasensya na po talaga. Ahmm, tutulong nalang po akong magtinda--"
"Hindi inday. Tama na. Hindi ko na kailangan ng tindera at ang isang katulad mo na iresponsable. Tinanggap na nga lang kita rito kahit babae ka dahil sa malakas ka naman kaso huli nga lang."
" Alex," dumating naman si Joe, isa ring kargador sa loob ng palengke at siya rin mismo ang nag-reto kay Alex sa ganitong trabaho.
"Tanggal na naman ako sa trabaho, Joe." Kamot ulong aniya pero nagawa niya pa ring ngumiti sa kaibigan.
Agad na nagpa-cute na lumapit si Joe sa kanyang amo, "aling baby, baka naman pwedeng pagbigyan niyo pa po si Alex." Pakiusap ni Joe dito.
"Hay naku, Joe! Ilang beses ko na siyang napagbigyan ng dahil sa 'yo pero sa pagkakataong 'to. Sagad na ako." Ani nito at saka sila tinalikurang dalawa.
"Pasensya ka na Alex, ah." Paghingi ng pasensya nito at napansin ang mga sugat ni Alex. "Teka, may sugat ka anong nangyari dyan?"
"Okay lang Joe, tsaka wala lang 'yan. May gunggong lang na biglang tumawid."
"Hindi, Alex. Gamutin natin 'yan. Dumudugo, oh." Pagpupumilit ni Joe at hinawakan pa nito ang braso niya para makita nang maigi.
"Okay lang nga. Malayo 'yan sa bituka." Binawi ni Alex ang braso niya. "Alis na ako Joe, ah. Hahanap pa ako ng bagong trabaho. Pangalawang pagkatanggal ko na 'to. Kailangan na kailangan ko pa naman ng pera para sa tuition ng kapatid ko. Last year niya na oh."
"Pasensya ka na talaga Alex, ah. Pipilitin ko si Aling baby na tanggapin ka ulit." Anito habang nakasunod sa kanya papunta sa bisekleta niya.
"Salamat talaga, Joe. Dami mo ng naitulong sa 'kin, p're." Ani Alex ng nakasakay na sa bisekleta. Nakipagfist bump pa siya kay Joe. "Sige, sige, Joe. Una na muna ako." Paalam niya kay Joe at ngumiti naman ito sa kanya at tumango.
Paaandarin na sana ni Alex ang bisekleta niya pero nagulat siya ng bigla nalang bumigay ang manubela nito at naputol. Halos pagsakluban siya ng langit at lupa sa nangyari.
"Naputol, Alex." Nasabi pa ni Joe nang makitang halos takasan na siya ng kaluluwa sa nangyari.
Ang mahal kaya ng bike niya. Ito na nga lang ang kaisa-isang bagay na nabili niya para sa sarili niya. Malaking tulong din ito sa kanya para hindi na siya mamahase.
Agad na nag-alab ang galit kay Alex at naghanap ng masisisi. "'Yung baklang 'yun! Magbabayad siya!" Gigil na gigil na bigkas niya ng maalalang ito ang may dahilan kung bakit nasira ang bisikleta niya. Okay lang sa kanya na magalusan pero 'yung bike niya? Hindi niya 'yun palalampasin. Magkaubusan man ng lahi.
***