Isang masamang balita, naipanganak ni Aki sa hindi tamang oras ang kanyang mga anak, na ngayon ay kailangan munang manatili sa Invubator. Samantalang si Aki ay nasa ICU dahil nagkaroon siya ng sepsis. Sakit na kundi maagapan ay maaring magdulot ng kamatayan. - - - - - - - - - ---------------------- Nakatayo ngayon si Zed sa harapan ng isang maliit na bahay. Iyon ang address na nakasulat sa hawak niyang papel mula sa impormasyong nangaling kay Mr. Barc, Halo halong emosyon ang kanyang nadarama. Saya dahil makikita niyang muli si Aki at makikita niya malaki na ang tiyan nito. Excitement dahil ang ilang buwang pangungulila niya sa dalaga ay mapuputol na. Ngunit may takot din siyang nadarama, takot na baka galit si Aki sa kanya at hindi na siya muling tangapin pa. Pinagmasdan niya

