"It's up to you if you hate me for being silent for so long. Believe it or not, I did not mean that. I just don't want to interfere with your life. I have no right, but Miss Aki made me realized that maybe it's not too late, maybe I can still save you from hatred. I am really sorry Mr Van." Hindi siya makasagot. Nakita niya ang pagyuko ni Mr Barc bago siya nito iniwanan. Matagal ng nakaalis ang matanda sa kanyang harapan pero tila hindi pa rin niya magawang gumalaw. Hindi kasi siya makapaniwala sa mga nalaman mula sa matanda. Buong buhay niya, pinaniwalaan niya na ang ina niya ang dahilan kung bakit nasira ang pamilya nila, na may iba itong lalaki at pera lang habol nito sa kanyang ama. Pero wala naman pala, isang kasingungalingan iyon mula sa kanyang ama para magalit siya sa ina. Ngayon

