Dahil sa tulong ni Gela-- si Gela na may kaya pala sa buhay. Nakauwi na siya sa pilipinas at kinakabahan siya habang papalapit sa bahay nila ang sinasakyan niya. Hindi niya alam kung anong sasabihin niya sa mga magulang. Hindi alam ng mga ito na uuwi siya ng biglaan, mas okay ng surpresaa. Uuwi siya ni kahit anong pasalubong ay wala siya, tapos buntis pa siya. Napakunot-noo siya nang matapat siya sa bahay nila, ang laki ng pagbabago. Sinuri niyang maigi kung iyon ba talaga ang bahay nila, may bakod na kasi sila. Tapos kung dati ay half lang ang sementado ng bahay nila, ngayon ay halos buo na. Napangiti siya ng mapakla, may kinapuntahan din pala ang pagbibigay niya ng sarili at pagpapabuntis sa halimaw na iyon. Pagkaalala sa binata, magkahalong galit at pagka-miss ang naramdaman niya dit

