Maaga siyang nagising, nagtaka siya dahil tulog na tulog pa sa tabi niya si Zed. Pero bigla niyang naalala na hindi nga pala ito papasok ngayon sa opisina. Minsan kailangan din nito ang rest day. Masyado itong workaholic e ang yaman na nito. Minasdan niyang mabuti ang binata, sadyang napaka-gwapo talaga nito. Tipong hindi nakakasawa, naiisip niya paano kaya kung magka-anak sila nito? Malalahian siya ng magagandang anak. Teka? Anak? Hindi pa ako dinadatnan. Pero bigla ding napawi ang pag aalala niya kasi kahit noon pa naman delay lagi ang buwanang dalaw niya. Minsan sa dalawang buwan nga hindi siya dinadatnan, sabi nga ng mama niya dati na baka kapag nag-asawa siya mahihirapan siya bago mabuntis kasi nga irregular siya. Kaya hindi rin siya nag aalala na mabuntis siya ni Zed. Pero, kung

