CHAPTER 1

1301 Words
Manila, 9:03 PM – Monteverde Tower Penthouse "Ava, anak. For once, makinig ka naman." Ava Monteverde crossed her arms, leaning against the glass balcony railing of their penthouse, city lights glowing behind her like scattered diamonds. She was wearing silk pajamas and no patience. “Dad, I can take care of myself. Hindi ko kailangan ng yaya.” Her father sighed. “He’s not a yaya. He’s your personal security detail. Elite, ex-military. Hindi ito basta-basta. Ayokong maulit pa ang nangyari, alam mo naman na ikaw nalang ang meron ako.” “Exactly,” she snapped. “Which makes this even more dramatic. It’s just a few creepy messages—baka prank lang ‘yun.” depensa ng dalaga sa pagpupumilit ng ama. “Hacking into your car? That’s not a prank. It’s a threat.” She paused. She hated when he made sense. Her dad stood and checked his Rolex. “He’ll be here in five minutes. Try to be nice.” “Nice?” she muttered. “Hindi ko maipapangako, but I'll give it a try.”Umakyat ito sa kwarto na para bang walang narinig sa sinabi ng ama. Kahit ayaw nya ay wala syang ibang choice. Dahil doon nakilala ang ama nya na kapag may ginusto ay ginagawa nito lalo kung tungkol sa kanya. LIAM PRIVATE UNIT “Monteverde residence. 24/7 close-contact detail. Priority level: red.” Utos iyon sa kanya sa isang tawag mula kay General Sarmiento ng private security firm na kinabibilangan nito—at isang pangalan lang ang kailangan nyang bantayan. Ava Ysabelle Monteverde - anak ng isa sa pinakamakapangyarihang business tycoon sa bansa. May limang sasakyan, tatlong penthouse, at isang reputation na mas kilala pa sa headlines kaysa sa tatay niya. Spoiled. Wild. Maarte. Delikado. At siya? Isang bodyguard. May baril, may galit sa sistema, at may paninindigan na hindi lalagpas sa linya. MONTEVERDE TOWER PENTHOUSE First day ni Liam as official bodyguard. At ngayon nakatayo sya sa gilid ng malaking sala, suot ang black tactical attire. Hindi sya sanay sa ganung karangyaan—glass chandelier, Italian tiles, at mga painting na halatang hindi nabili lang sa mall. Ilang saglit ay dumaan ang dalaga pababa ng hagdanan. Dahan-dahan na para bang nasa runway. Naka-robe ito at halatang walang suot pang ibabang kahit anu at kumpiyansa pa ang mga mata nito. Hindi takot. Hindi inosente. At hindi siya pipitsugin lang. Tumigil ito sa tapat nya. Tumagilid ang ulo, saka ngumiti. “So ikaw pala ‘yung bagong tagabantay ko?” “Rivera. Close protection specialist,” sabi nito at diretso ang tingin. “Liam? Right?" "Yes ma'am." "Napangiti ang babae. "Don't call me mam, Ava is enough." “Hmm. You look the type.” “Anong type ma'am? I mean, Miss Ava.” "Oh! Yung tipong matigas ang katawan, pero mas matigas ang prinsipyo.” Napasinghap ang binata, hindi nya iyon inaasahan na sagot ng dalaga. At saka marahang lumapit sa kanya. Subrang lapit. Na tipong naamoy ang halimuyak nitong pabango—vanilla at lavender. “May kasamang rulebook ba ‘yang suot mong suit, Mr. Rivera?” tanong niya habang inaabot ang kwelyo ng blazer nito. “O pwede kong dagdagan ng sariling patakaran?” “Rule number one: huwag mong subukang manipulahin ang bantay mo.” Pigil at basag na sagot ng binata ngunit nandun pa din ang pagkaprofessional. Tumawa lang ang dalaga, malambing pero mapang-asar. “Hindi ko naman kailangang subukan, ‘di ba? At saka naglakad ito palayo—paikot sa kanya—habang dumadampi ang daliri nito sa balikat niya. Mapaglaro. Mapanganib. Mainit. Hinayaan lang iyon ni Liam dahil alam nyang ganun ang dalaga. "See you later, Mr. Rivera." At naglakad ito palayo sa kanya na may iniwang mapanuksong mga ngiti. Inayos ng binata ang kwelyo nya, aminado syang may intense ang unang pagkikita nila ng dalaga. Saka inilibot ang paningin. "Mr. Rivera.”Tawag ni Don Roberto Monteverde—ama ni Ava, founder ng Monteverde International. Matikas pa rin sa edad nito, pero halatang hindi sanay napapahiya o tinatanggi. “Sir.” sagot ni Liam at pansamantalang pinatay ang earpiece. “Pasensya kana sa first meet nyo ng anak ko, sana hindi nagbago ang desisyon mo. Masasanay ka din." "Nothing to worry about, sir." "Halika, sumunod ka saken.” Madali itong sumunod, pagpasok sa loob ay bumungad sa binata ang kulob ng study—bookshelves, vintage globe, whisky bar. "Have a seat." Alok nito at umupo sa swivel leather chair. Maayos na umupo si Liam. “Liam Rivera.” Hindi siya tumingin, pero ramdam ang bigat ng pangalan niya mula sa bibig niya. “Alam mo ba kung bakit ikaw ang pinili para sa trabaho?” “Highly qualified. Tactical experience. No ties to the family,” sagot nito ng diretso. Tumango ang matanda ng mabagal. “At walang karapatang humawak, humipo, o kahit tumingin sa anak ko… ng higit pa sa isang empleyado.” Saglit na namuo ang katahimikan at konting tension sa pagitan ng dalawa ngunit naputol din iyon. “Si Ava… she’s impulsive. Spoiled. Mapaglaro,” umpisa nito “At alam kong masyado siyang sanay sa mga lalaking sumusunod sa kanya. Ipinapahamak ang sarili para lang sa pansamantalang saya.” Hindi kumibo ang binata at hinahayaan lang magsalita ang matanda. “Gusto ko lang malaman Liam, kaya mo bang bantayan ang anak ko... nang hindi mo ginagalaw?” seryoso ang mga tingin nito sa binata. "It is my job to protect her at any cost, kaya habang buhay ako, walang makakagalaw sa anak niyo. Lalo na kung hindi siya papayag.” “Good answer. At kung sakaling lumagpas ka sa linya,” dagdag ng matanda, “don’t make me choose between you and her.”Kaya sana… huwag mong sirain ‘yon.” Diretsong tumingin si Liam sa mata nito. Alam niyang hindi iyon paalala ngunit Isang warning para sa kanya. Tumayo ang matanda at, naglakad sa gilid ng mesa habang nagsasalita. "Then let's make this thing clear, I have three rules when it comes to her. Rule number one: You are not to get emotionally involved. Ava is playful, impulsive, and charming—alam ko ‘yan. But that does not mean she’s yours to pursue. Rule number two: Hindi mo siya papayagang gumawa ng kahit anong delikado—even if she insists. I don’t care if she screams at you. Your job is to control the situation, not follow her whims. Rule number three…” huminto siya sa harap nito, seryoso ang mga mata. “If you ever touch my daughter in a way that goes beyond your duty… you will disappear, Liam. And I have the power to make that happen.” Tahimik lang ang binata. Hindi dahil sa takot —dahil alam nitong hindi lang trabaho ang tinutukoy nito. "Natakot ba kita?" "No sir. I understand."Lumapit ang matanda at tinapik sa balikat. "Then, you may go, and start doing your job." Sabi nito. --- Paglabas niya ng opisina, nakita nyang naka upo ang dalaga sa sofa na para bang hinihintay sya. Gusto nya sana itong iwasan, ngunit ramdam nya ang mga yabag nitong nakasunod sa kanya. “Kumusta ang interrogation?” tanong nito na may lihim na ngiti. “Normal lang. Gusto lang malaman ng tatay mo kung kakagat ako sa pain.” “Eh… kakagat ka ba?” napahinto ang binata sa paglakad. “Bakit, masarap ka bang pain?” tanong ng binatang patagilid ang tingin. Ngumiti si Ava , pero may konting kilig sa mata. “Oh I like that, Mr. Rivera. By the way, your job starts tonight. Samahan mo ako sa event ngayong gabi. Just wait me at the basement and don't worry Dad already know about this dahil sya lang naman ang nagpumilit na pumunta ako.." Sabay kindat pa nito sa binata at umakyat sa hagdan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD