Nang malaman ni Elena ang Ilan pang kasabwat sa pagpatay sa kanya noon at talagang nanoot ang galit nito. kaya pinagplanohan ni Elena ang pag ganti dito. Masayang nakikipag harutan si Hepe sa babaeng kasama nito. Sinakay nito ang babae sa kanyang sasakyan. Habang naghaharutan sila isang baril ang sumulpot sa mukha ni Hepe. Dahil sa takot umalis ang babae nitong kasama. Tinutok ni Elena ang baril sa leeg ni Hepe. Nakasuot ang dalaga ng itim na sumbrero at naka cover din ang mukha nito. " Kamusta na Hepe? Naka ngising Tanong ni Elena. " Teka sino kaba ibaba mo yang baril" Tila nakikiusap nitong Sabi sa dalaga "Ipuputok ko talaga ito pag hindi ka nagsalita. Pitong taon ng nakalipas nang pagtakpan niyo ang pagpatay sa isang babae, ngayon sabihin mo sa akin sinu- sino pa sangkot sa k

