Pinabago ni Donya Rita ang mukha ng dalaga upang maitago ang tunay na pagkatao nito.
Pinag aral din ni Donya Rita si Irish sa Unibersidad ng stado unidos.
Nagsanay din ang dalaga ng pakikipag laban dahil ka-kailanganin niya ang bagay na iyon sa pag harap niya sa panibagong hamon ng buhay niya.
Lahat ng dapat matutunan ni Irish ay matagumpay niyang nagawa.
Sa kanyang pagbabalik , Sisiguraduhin niyang magbabayad si Don Montero sa kahayupan na ginawa nito sa kanya.
Hindi lang mukha ang binago Kay Irish dahil pinalitan din ang kanyang pangalan.
Magbabalik siya bilang Elena Ruiz.
Isang matapang at mapang- akit na dalaga.
Titiyakin niya na mahuhulog sa mga bitag niya si Don Montero.
Lumipas ang pitong taon natapos na ang pag aaral ni Irish sa USA.
Hinanda niya na ang kanyang pagbabalik sa pilipinas.
Samantala, Isa nang ganap Gobernador si Don Montero, mas naging makapangyarihan na tao at napaka impluwensya nito.
Masusing pinag aral ni Elena ang lahat ng aktibidad ni Gobernador Montero, kung saan ito madalas pumunta at kung ano ang kahinaan nito.
Kailangan niya akitin at paibigin si Gobernador Montero, yung tipong mababaliw ito sa angkin niyang HALIMUYAK.
Hinubog ang bago niyang pagkatao bilang isang mapang- akit na dalaga at palaban.
" Wala kana bang ibang gagawin? pinapahiya mo na ko sa mga kaibigan ko, busit ka talaga Diego." Galit na galit na sabi ni Gobernador Montero sa panganay na anak niya na si Diego.
" Hindi ko kasalanan yun dad. Kung sino sino nalang pinapa date niyo sa kin, Don't I have the right to make decisions for myself?" Naiinis nitong tanong sa ama.
" Ako lang ang may karapatan mag desisyon dito. Kung ayaw mo sa patakaran ko lumayas kana ngayon din" Tinuro ni Gobernador Montero ang daan palabas at sa busit ni Diego tinalikuran niya lamang ang kanyang ama at nagtungo sa kanyang silid.
kontrolodo ni Gobernador Montero ang lahat ng kanyang mga anak.
Nais niya ipakasal ang kanyang mga anak sa kanyang mga business partner o di kaya sa kaniyang mga malalapit na kaibigan.
Si Diego ang panganay nitong anak na madalas sumalo ng mga galit niya.
Hindi kasi siya sinusunod nito sa kanyang mga pinag uutos.
Ilan babae na nga Pina date niya sa anak ngunit lahat ng iyon ay tinatanggihan ni Diego, Wala pa sa isip ng binata ang magpakasal at kung maikakasal man siya ang babaeng minamahal ng puso niya at Hindi yung babaeng gusto ng kanyang ama.
Ang pangalawa namang anak ni Don Montero na si Pia ay kasulukayan ng engage sa kanyang fiance.
Si Pia ang nag mamanage ng kanilang resort sa el nido Palawan.
Samantala ang bunsong anak naman nito ay nasa edad na katorse palang.
Hindi maayos ang pag iisip ng dalaga ngunit nakaka usap naman nila ito.
Matagal ng hiwalay si Don Montero at Asawa nito ngunit nanatili parin ito naka suporta sa kanilang mga anak.
Namuhay ang Gobernador na parang walang ginawang kahayupan na ginawa.
Sa pagbabalik ni Irish bilang Elena Ruiz, Sisiguraduhin niya na masakit at mahuhulog sa kanya ang Gobernador.
Masayang sinalubo ng dalawang katulong sa Airport ang isang magandang dalaga.
Naka suot ito ng red dress na hapit na hapit sa Gandang hubog ng katawan
nito.
" Elena grabe mas lalo ka gumanda" Natutuwa nitong pag salobong sa dalaga.
" Mas lalo na kayong dalawa. Subrang saya ko kasama ko na kayo ulit" Niyakap nito ang dalawang katulong at mababakas sa mukha nito ang subrang saya.
Umuwe na ng pilipinas si Elena, masisimulan niya na ang kanyang pag hihiganti Kay Gobernador Montero.
Masayang sinalubong ni Donya Rita ang dalaga at subra ito namangha sa kagandahan na taglay nito.
" Welcome back Elena, magpahinga ka muna kailangan may lakas ka Bago sumabak sa gera." Saad ni Donya Rita at umupo na Sila ng dalaga.
" Siya si Diego Montero ang panganay na anak ni Gobernador Montero siya ang una mong magiging target.
Sisiguraduhin mo na magugulo ang buhay nilang mag ama" Siryosong pagkakasabi ni Donya
Tinignan ni Elena ang litrato ni Diego at muling tumingin kay Donya Rita.
" Titiyakin ko na hahanap- hanapin nila ang halimuyak ko." Naka ngisi nitong sabi at buo ang kumpyansa nito na magtatagumpay ang kanilang mga Plano.
Ilang araw lang ang naging pahinga ni Elena simula ng umuwe siya ng pilipinas.
Nag handa na agad siya sa pagsabak sa una nilang Plano.
Nag suot ang dalaga ng isang backless na dress at napaka taas na hills.
Mapupulang labi at mapang- akit na hubog ng katawan nito.
Tumongo ang dalaga sa Isang sikat na bar.
Nandoon Kasi ang target nito na si Diego Montero.
pag pasok palang ng dalaga napunta na sa kanya lahat ng attention ng mga tao sa bar.
Napamangha ang mga ito sa taglay na kagandahan ni Elena.
Nag simulang sumayaw ang dalaga sa gitna at lahat ng kalalakihan ay pumalibot sa kanya.
Habang sumasayaw si Elena malagkit niyang tinitignan ang binatang si Diego nasa counter stool ng bar.
Nakatitig lang sa kanya si Diego habang umiinom ito kanyang inumin.
Ilang sandali pa may humak sa bewang ni Elena at nagulat ang dalaga sa ginawang ng isang lalaki.
Nakita ni Diego na binabastos na ang dalagang Sanya kaya umaksyon na siya.
" Lumayo ka nga sa akin" Naiinis na saad ni Elena at tinulak niya ang lalaki.
"Napaka arti mo ahh! " Nabusit ito sa dalaga kaya aambahan niya sana ito ng isang sampal ngunit pinigilan ni Diego ang mga kamay nito.
" Tigil mo siya lumayas ka sa bar ko" Siryosong pagkakasabi ni Diego at wala na nagawa ang lalaki.
Pag mamay- ari pala ni Diego ang bar na iyon kaya wala ng nagawa ang bastos na lalaki.
" Thanks, Let's drink" Mapang- akit na pangyaya ni Elena.
Kita sa mga ng binata na interesado siya sa dalaga kaya masaya siyang nakipag inuman dito.
Habang nag iinom sila inumpisahan na ni Elena na akitin ang binata.
Unti - unti niyang iningat ang kanyang paa at kinoskos ito sa hita ng binata.
Ramdam na ramdam na ni Diego ang init ng katawan niya.
Nagustuhan niya ang ginagawa ng dalaga.
Maya- maya pa ay niyaya niya na si Elena na lumabas sa bar.
CONTINUE