DAMON POV It's already 12:30 and now wala pa siya. Sigaraduhin niyang may maganda siyang dahilan kung bakit wala pa siya hanggang ngayon. Kanina ko pa siya hinihintay at nag-aalala na ako sa babaeng yun. Kumunot ang noo ko ng may marinig akong sasakyan sa labas kaya agad akong kumuha ng beer at nilagok iyon. Tatlong bote ang nilagok ko at nagpunta ako sa sofa. Madilim na ang bahay dahil pinatay ko lahat ng ilaw. At ng bumukas ang pinto ay dumiretso siya sa hagdan. "Where have you been?" galit kong saad at inopen ang ilaw saka siya dahan dahan na lumingon sa akin. "Bakit ngayon ka lang umuwi?" galit kong tanong muli. "Nagkasiyahan lang kami" malamig na sagot niya kaya kumunot ang noo ko. "Sinong mga kasama mo at saan kayo nagpunta?" galit kong sigaw sa kaniya kaya napapitlag siya

