"Hindi nga kasi totoo ang mga anghel!" Padabog na binuksan ni Ayna ang gate namin at dire-diretso ang lakad papasok sa bahay. Bumuntong hininga ako bago isinara ng maayos ang gate namin. "Ayna, bakit ba nagagalit ka? Kailangan ba na maniwala rin ako dahil lang naniniwala ka?" Ibinaba ko ang bag sa sala. Wala rito si Lola kaya dumiretso ako sa kwarto ni Lola na nasa kaliwang bahagi ng sala at nakitang wala siya roon. Nagtungo ako sa kusina at wala rin siya. "Si Lola?" Nilingon ko si Ayna na pababa sa hagdanan at nakapambahay na. Hindi niya ako pinansin bagkus ay dumiretso siya sa kusina kaya sinundan ko siya roon. May pintuan sa dulo na papunta sa hardin ni Lola sa likod ng bahay at nakita kong doon nagtungo si Ayna. Maliit lang ang bahay namin kahit na up and down ito. Pagpasok sa main d

