Chapter 1

1821 Words
Coleen’s POV   “Coleen! Dalian mo naman!” sigaw sa akin ni Steph habang nag mamadali syang mag lakad at ako naman parang namamasyal pa habang papunta kami sa school. Nag check ako ng wrist watch at nakitang quarter to 7am palang. Ang aga-aga pa eh,nag mamadali naman masyado itong si steph “ba’t ka ba kasi nagmamadali?”reklamo ko sa kanya. Araw-araw naman ganitong oras kami naalis. Madalas pa ngang sya ang nagsasabi sa akin na wag mag madali, tapos sya ngayon ang aligaga. “may transfer kaya!!di ba in-announce sa inyo kahapon??and guess what,12 year din sya!!” excited na excited nyang sabi sa akin. Halos muntikan pa syang tumalon sa tuwa. “oh?” Bakit ngayon pa sya nag transfer kung kelan senior na sya,at tapos na rin yung 1st quarter. “ba’t ngayon pa nag transfer?masyado naman ata syang late” “Malay ko, problema na iyon ng school. Basta ako masayang may bagong mukha, sawang sawa ako sa mukha ng mga kaklase natin. At malay mo!” nilakihan nya ang mga mata nya sa akin habang super lapit nya naman.   Kumakaway na ang mga pores nya sa akin.   “Baka sya na ang prince charming ko!” at humagikhik pa sya “ Halika na bilis!” Nag simula na syang tumakbo ako naman,tumakbo na rin…ayoko ngang maiwan..nung nasa school na kami, halos hindi na nakapag paalam si Steph dahil aligaga syang pumunta sa room nila. Hindi kami classmate,ang sad nga eh,pero okay lang kasi classmate ko naman si— “Hi! Coleen” Oh!!speaking of the loveable angel! Parang commercial model kong nilingon ang pinanggalingan ng gwapong boses na iyon. “Goodmorning my loves—I mean goodmorning James!” masayang bati ko pabalik sa kanya. Kung masaya ka, mas masaya ako. “Maganda ata ang gising mo? tara sabay na tayo.” Yaya niya sa akin. “Medyo eh, let’s go” As if naman na tatanggihan ko yang gwapong nilalang na yan diba? Sabay kaming nag lakad katulad ng madalas naming ginagawa kapag nagkakasalubong kami sa umaga matapos kong ihatid sa room nya si Steph. James Natividad is the definition of leading man, kung ikukumpara mo sa mga classic novelas.   Sya yung gwapo na mabait na anak ng mayamang haciendero at walang pakialam sa estado ng buhay ng mahirap na bida dahil mahal na mahal nya ito. Ganoon nya ka perpekto. Si My loves ang perfect heartthrob and gentleman.  “James, may practice ba mamaya?” tanong ng isa naming schoolmate ng nakasalubong namin sa paglalakad “After lunch” nakangiting sagot nya.   I’m guessing sa dance troup ito. Dahil aside sa pagiging gwapo at mabait, talented din yang si loves. Buti na nga lang member din doon si Steph kaya may excuse akong sumama at mag pantasya kay James. Ang galing-galing sya kasing sumayaw.    “Coleen, why are smilling?” agad akong napatingin kay James, hindi ko napansin na nangingiti na naman ako. Ganoon talaga kapag masaya ang crush life mo.  “Mukhang malayo na naman ang nararating ng utak mo ah” tawa nya. Napangiti din ako sa sinabi nya. Hindi naman nakakatawa yung sinabi nya pero dahil sya ang may sabi tatawa nalang din ako. “Halika na nga” natatawa pa din sya ng bigla nyang hinawakan ang pala-pulsuhan ko at hinatak ako.  Napakagat ako sa aking labi sa paghawak nya sa akin. How I wish sa kamay nya nalang ako hinawakan. Wala namang malisya eh! Damot. “lampas na kasi tayo sa classroom eh..” hinayaan kong hawakan nya ang wrist ko dahil ano namang karapatang kong tanggihan ang grasyang biyaya sa akin? Pag pasok naming sa classroom nagtinginan samin yng mga classmate naming. “ajuuuu!!!sabi na nga ba nag de-date kayo eh..” panimula ng isa kong classmate. “ayaw pa kasing umamin eh” “james pare!!ba’t sa wrist mo lang hinawakan?di mo dinerecho sa kamay!!” nagtawana at kantyawan pa sila. Waaaaaaag na!!!!! Enebenemeyen. “Uuyy! namumula na si Coleen oh!!” pinigilan ko ang pangingiti at kunyari sumimangot pero alam kong bakas ang saya sa mukha ko. Pereng mge tenge kese. “tama na yan,di naman kami nag de-date eh,friends lang kami” basag ni James. Tuluyan na akong napasimangot sa sinabi nya. Minsan talaga panira rin ito eh. Di nalang makisakay wala namang malisya! Unless. .  “Mga pa-showbiz pa! Aamin na lang eh “ huling asar ng mga kaklase namin. Tuwang –tuwa talaga ako kapag inaasar nila ako dahil alam naman nating lahat na dyan nag sisimula ang lahat. Nag sibalikan na ang lahat matapos ang morning ritual nilang asarin kaming dalawa ni James na hindi ko naman ikinagagalit. Eksaktong pag tunog noong morning bell ay sya ring bukas ng aming pintuan. “class take your seats na,mamaya nyo na lang ulit asarin an gating JC love team” panimula ni Ms. San Jose. Pati sya ay supportive sa amin si James nalang ang hindi. Nag tawanan ang lahat at nakita ko pang natatawang nailing nalang si James. Umupo na kami sa mga upuan namin,nasa last row ako naka-upo,last row last seat. Ang legendary upuan ng mga bida. “so class,lahat naman siguro kayo alam na na may transfer,actually magiging classmate nyo sya..” nag diwang ang lahat ng nasa room. Hindi man halata sa akin ay nag diwang na din ako. Nakaka-excite naman talaga kapag may bagong mukha eh lalo na’t higit anim na taon na rin kaming sama-sama dito, maliban nalang doon sa mga lumipat noong simula ng Senior High. “wah!!yes!!bagong mukha!!” “lalaki ba?sana gwapo!!” “nasan na sya miss?” bumuntong hininga si Miss San Jose “ewan ko nga eh, kanina ko pa din hinihintay sa faculty—“ napatigil kaming lahat ng pabagsak na bumukas ang pintuan. Mag rereact na sana kami negatively ng nakita naming kung sinong nasa pintuan. Pag sinabi kong pogi sya pakiramdam ko iniinsulto ko sya. Dahil gwapo talaga sya. Mukha syang bagong gising dahil naninigkit pa ang mata nya. Hindi ko maipaliwanag pero mukha syang malakas. Kung may mga soft goodlooking boys tulad ni James, iba sya, sya yung tipo ng gwapong hindi aatras sa away.  “oh,nandito na  pala sya…” nakangiting saad ni Miss San Jose. Mas lalong nag laglagan ang panga namin. It’s him! Sya ang transferee! Ang swerte naman namin! “kyaahh!!!!ampogi!!akin ka na lang please!!!!!” “anung sayo??!!sakin noh!!” “hoy apat ang mata alis dyan” narinig kong sabi nung isa at pinagpagan ang lamesa “ dito ka na lang sa tabi ko kuya!!!” Nagwawala na ang mga classmate ko. Sino ba namang hindi sa ganyan ka poging itsura. Kung hindi ako loyal kay James ay baka nag volunteer na akong maging partner nya for the rest of his life.  “girls,calm down” saway ni Miss San Jose. Binalingan nya ang transferee “ please introduce yourself”   Nag lakad sya sa gitna at habang naka side view ay tumapat sa amin ang pamatay nyang jaw line. Narinig ko pang suminghap ang iba kong kaklase. Well Naiintindihan ko naman. At parang nakita ko pa syang umirap kay Miss San Jose. Attitude?  “I’m Joshua Vince Umali..” muling nag bulungan ang mga babae dahil sa malalim nyang boses.  “call me vince and I'll f*****g kill you, and I f*****g hate noisy people” Parang isang bomba ang bumagsak sa aming lahat. Kung may ilalaglag pa ang pa nga naming ito na siguro ang huli. Para syang anghel na biglang naging kulay pula at tinubuan ng sungay. Napalinga-linga ako sa paligid at wala ni isang umiwas ng tingin sa kanya. This guy looks like trouble and danger.  “KYAAAAAAHH!!!bad boy sya!!!so cool!!!!” nagulat ako sa biglang sigaw ng isang kaklase ko. “I love you more josh!!!!!” “mas lalo kang naggng gwapo!!!!” Nagulat ako sa reaction nila. Oo nga pala, ang mga babae gustong gusto ang mga taong mukhang sisirain ang buhay nila. Ayaw natin ng mabait, gusto natin yung ikakabaliw natin at itong si Joshua Vince Umali ang mukhang ikakasira ng ulo ng lahat.  “girls calm down,please act human naman..” saway ulit ni Miss San Jose. Nakalimutan na ata ng mga babaeng ito na “he f*****g hates noisy people”   “Mr. Umali maari ka nang umupo sa vacant seat “ Imbis na umupo na, Nakita kong inikot ni Vince yung paningin nya sa buong classroom….mukang mamimili pa ata ng upuan ah… Ta’s napatingin sya sakin, ah teka, parang nabasa ko na to sa w*****d ah. Bigla syang nag smirk at nag lakad papunta sa row namin. Kung tama ang mga nababasa ko sa ebooks, uupo sya sa tabi ng magiging leading lady nya. Pinagmasdan ko ang mga naka upo sa linya namin sa kabila. Sino ang maswerteng tatabihan at mapapaalis sa upuan. Ng makita kong malapit na sya sa row namin sa likod ay umiwas na ako ng tingin. Diretso na ang tingin ko sa unahan. Parang recitation lang yan, ang mahuling naka tingin ang tatawagin. Finally tumayo sya sa row namin. Walang umimik sa buong classroom. Ng hindi ginagalaw ang ulo ko, tinignan ko ang katabi ko. Maganda sya. Mukhang ako ata ang ma-eevict dito. Itinaas ko ang mata kay Joshua Vince ng hindi pa din ginagalaw ang ulo ko para hindi halata at nakita ko syang naka tingin sa akin. Mukhang ako nga ang evicted. Sumasakit ang mata ko sa pag tingin sa kanya ng pasimple dahil sa tangkad nya. Kahit may naka pagitan sa amin ay naamoy ko na agad ang mabango at panlalaki nyang pabango. Ayaw kong lumipat ng upuan pero lalaban ba ako dito? Walang panlaban ang 5’5 kong height sa 6 footer na ito. Sa itsura nya din mukhang di nya namimili ng susuntukin. Bumuntong hininga ako at muling isinuot ang bag ko, sabay tayo. “Move “ yun lang ang sinabi nya. Nakatayo na nga ako eh, di pa ba halata? Hinarap ko sya para sana sabihin iyon pero hindi pala ako ang kausap nya! Ang katabi kong maganda!Sya ang pinapaalis, ibig sabihin noon ay sakin sya tatabi? Ako ang leading lady nya?No way! Nagmamadaling niligpit ng katabi ko ang mga gamit nya at lumipat ng upuan. Ah sayang, mabait pa naman iyon mag pa kopya ng assignment. Muling bumalik ang mga mata sa akin ni Vince kaya na estatwa ako. Hindi ko alam kung uupo ulit ako or aalis nalang. Padabog na nilagay ni Vince ang bag nya sa table na ikinagulat naming lahat. Padarag syang umupo sa upuan at tiningala ako. Yung ngiting hindi ka kikiligin, yung ngiting parang dumating si karma at sisingilin ka na sa utang mo  “long time no see,seatmate” titig na titig nyang sabi sa akin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD