CHAPTER II [Entering the Mansion]

1792 Words
SANTILLIAN SERIES [Garrett Santillian] "A Sadist's Kiss"     MULI akong pumasok sa dati kung silid doon sa malaking bahay. May mga ilang gamit pa kase akong naiwan doon. Mabilis kung kinuha ang mga iyon at inayos sa maliit kung maleta. Walang mga babae na nasa labas nang oras na iyon. Pero habang inaayos ko ang mga gamit ko palaisipan sa akin kung sino ang taong nakabili sa akin, kaya naman tinanong ko si Jaspher..   "Jaspher maari ko bang malaman kung sino ang taong nakabili sa akin.." mahina kung wika, at agad naman akong tumingin sa kinatatayuan ni Jaspher. Isa si Jaspher sa mga nagbabantay sa mga babae sa malaking bahay. Isa din s'yang hayop at walang puso.   Tinitigan n'ya ako at ngumiti nang mapakla sabay na pinalugutok ang ang mga daliri n'ya at tinanggal ang mga kandadong nakalagay sa kwarto ko. Ilang kandado ba ang nakalagay doon hindi ko na ata maalala, ang lalalaki pa man din. Kaya mahirap tumakas dito, ilang babae na rin ang gustong tumakas, ngunit bigo sila sa gusto nilang gawin. Mahigpit magbantay ang grupo nila Jaspher, at kapag nahuli ka, t'yak na masama ang kalalagyan mo pag nagkataon.   Papalapit sa akin si Jaspher at ngumiti nang akala mo isa kung nobyo ko na napaka tamis.   "Garrett Santillian.." Tugon ni Jaspher sa tanong ko. Ako naman ang natulala sa kanya at nakatitig nang mga oras na yun. I know him. Bata palang ako naririnig at nakikita ko na ang kanilang apelyedo. Napaka yaman talaga nila. He bought me for ninety million. Pero bakit? Katanungan ko nanaman sa sarili ko.   Nang matapos ako sa ginagawa kong pag-ayos nang natitira ko pang gamit. Agad akong tumayo. S'ya namang paglapit ni Jaspher sa akin. Nakita ko may mga ilan na ring babae na nasa coridor at ilan pang bantay.   "Hailey! Paano ba yan, mukang eto na ang huli nating pagkikita.. Wala man lang ba akong kiss d'yan?" he ask me with a soft and sweet voice. That stupid Jaspher. Nang sinabi n'ya iyon tumayo ako nang tuluyan, I give him a sweet smile and flirting lips. Mukang kumagat naman s'ya sa ginawa ko..   "Gusto mo nang kiss? Halika! Please come closer.." I ask him with a sweet voice, at dahan-dahan naman s'yang lumapit, mas inilapit nya ang kanyang mukha, sa pag-aakalang bibigyan ko nga s'ya ng isang matamis na halik. Malapit na s'ya sa akin, nang buong pwersa kung tinuhod ang kanyang pagkakalaki.   "A-aray.. Ang sakit!" palahaw na sigaw ni Jaspher. Matapos iyon mabils kung binuhat ang bag ko.. Nakita kung nagtawanan ang ilang babaeng nandon..   "Para sa'yo yan Jaspher pabaon ko sa pagtrato nyo sa akin na tila isa akong tau-tauhan nyo.. Tutal di na rin naman tayo magkikita..!" sigaw ko pa nang nasa kalagitnaan na ako nang coridor. Sa lakas nang binigay ko sa kanya alam ko basag at malamang hindi na s'ya magkakaanak pa. Nakita kung dumadaing pa rin s'ya sa sakit.   "Sige na dalian mo na Hailey at kanina pa sila naghihintay.." bulyaw naman sa akin ni Brando s'ya ang ka-buddy lagi ni Jaspher. Kaya naman nagmadali na rin akong lumapit sa malapad na pituan. Malapit na ako kay Brando nang harangin n'ya ako. Sabay hablot sa gintong kwentas na nakalagay sa leeg ko..   "Aww!! Ano ba?!" Galit na wika ko kay Brando, hindi ganoon kakapal ang kwentas na iyon kaya mabilis din naputol. Nakita kung muling inilagay ni Brando iyon sa isang maliit na box. Lahat nang babae dito sa malaking bahay may suot na kwentas, may mga number iyon. Yon ang mga tag namin. Hinaplos-haplos ko pa ang leeg ko dahil masakit din naman ang ginawang paghila ni Brando sa kwentas na yon. Nang matanaw ko ang apat na lalaki sa labas ng bintana. Naisip ko kung paano ako makakatakas sa mga iyon. Eh itsura palang nang mga tauhan ni Garrett Santillian mukang dika na makakawala.     Huling pintuan na ang lalabasan ko sa malaking bahay. Pero habang papalabas ako naglalaro sa isip ko na oras na bumukas ang pinto tatakbo ako at tatakas. Sobrang liit naman ata nang mundo para ako pa ang mabili nang isang Garrett Santillian. Sa napaka laking halaga. Ninety million? Wow.. Nakita kung may mga inaayos at pinipirmahan pa silang papel, nakita ko na kausap nila Jaspher ang isa sa tauhan ni Garrett. Alam ko yon dahil sa soot palang, halata naman na eh. Nang tuluyan na kaming nakalabas. Binuksan naman agad ng tauhan ni Garrett ang pinto nang kotse at tinulungan akong buhatin ang maliit kong bag. Akala ko nasa loob si Garrett ngunit wala s'ya. Ako lang pala at ang driver ang sasakay doon. Nasaan s'ya? Bakit wala s'ya dito?.. Napaka misteryoso talaga nang pagkatao ni Garrett. Isa s'ya sa klase nang tao na mahirap basahin kung ano ang nasa isip.   Natanaw ko na may mga itim ding kotse sa palagid, palagay ko doon naka sakay ang ibang tauhan ni Garrett. I just brushed everything off at the back of my mind and carry on. This is It. This must be It. Sa itsura palang ng mga tauhan na nakapaligid mukang wala talaga akong takas. Isa eto sa mga natutunan ko mula nang dumating ang mga problema sa amin, ang harapin ang problema at hindi ang takasan. Ang lahat ay nagbago. Ang lahat ay nawala. Malas ba ako talaga? Karma ba namin to? Bakit ako ang dapat na sumalo? Hindi naman namin kasalanan ang mga pangyayari.   Hindi ganito ang buhay namin, masaya kami, buo ang pamilya kahit na solo akong anak masaya naman kami nina Mommy at Daddy. Hindi ko maiwasang hindi tumulo ang luha sa t'wing naalala ko kung bakit sa isang iglap nawala ang lahat sa amin. Hindi ko sinisisi sina Mommy at Daddy alam kung wala silang kasalanan. Hindi nila alam ang lahat at hindi sila nagkulang. Ayoko ring isipin na isa etong sumpa na dapat ako ang sumalo. Pati ang lalaking akala ko minahal ako bigla nalang din nawala ang masaklap pa s'ya ang dahilan kung bakit napadpad ako sa lugar na eto. Hindi ko maiwasang di maiyak sa t'wing maiisip ang lahat nang pangyayari.   The car stop at the front of a huge black gate. It has a huge letter S in the middle and it has painted by white, a metallic white to be exact. I felt that ponderous feeling on my chest once more, ni hindi man lang ako makapag salita. Yong mga naka tuxedong lalaki ni hindi man lang yata marunong magsalita. Lumunok ako nang sarili kung laway bago ako nag-salita.   "Manong.. Saan na po ba tayo?" tanong ko sa nagmamaneho..   "Nandito na tayo Ma'am.." I was shocked nang tinawag nya akong ma'am. Lahat kase nang mga babaeng nabibili sa bahay na iyon, pagkatapos na bayaran nagiging impyerno agad ang buhay. Yong iba kakabili palang ginagahasa na agad sa basement palang nang malaking bahay..   Pero iba ang siwasyon ngayon, hindi ko ganoon ka kilala ang isang Garret Santillian, marami akong naririnig sa kanila at may mga masamang balita rin akong naririnig tungkol sa kanya. Binuksan nila ang kotse, the guy gestured something at isang hudyat iyon para makarating sa akin ang kanyang mensahe. Gusto n'ya akong lumabas nang sasakyan. Unti-unti kong inilabas ang ulo ko mula sa pintuan nang sasakyan, halos mapa nga-nga sa paghanga nito.   "Pinaakyat na ni Boss ang mga gamit mo sa magiging silid mo. Ihahatid ka ni Raf hanggang sa pintuan nang opisina ni Boss. Malamang s'ya na rin ang magtuturo nang magiging silid mo. Ako nga pala si Christopher.." Pakilala nya sa kanyang sarili. Ni walang isang salita na lumalabas sa akin, dahil tuloy-tuloy ang pagsasalita nang nagpapakilalang si Christopher.   "Kanina ka pa hinihintay ni Boss.." muling wika ni Christopher. That term boss, parang nakakatakot naman. Muli nanaman ang tanong sa isip ko bakit n'ya ako binili? Ano kaya ang balak n'ya sa akin ngayon? It's like I got stuck in a tricky situation again and I have no choice but to bear the consequences.. Ilang sandali pa'y may tumabi sa akin na lalaki palagay ko s'ya si Raf na sinabi kanina sa akin.   "Let's go Ma'am." Aya n'ya sa akin kaya naman sumunod nalang ako, para akong batang litang na palinga-linga sa paligid. Napakaganda nang mga desenyong natatanaw ko, pero hamak na mas maganda ang loob nang mansyon, hindi naman ako enosente pero alam kung mamahalin ang mga eto. Parang mga human size na nakikita ko noon kapag nag-out of the country kami nina Mommy at Daddy. Ayoko nang balikan ang lahat, biglang sumasakit ang sintido ko kapag naalala ang lahat. Ipinanganak nga akong may gintong kutsara sa bibig, ngunit ngayon daig ko pa ang basang sisiw dahil wala ni isang pag-aari.   "Ma'am hanggang dito nalang po ako." I got back my senses dahil sa boses ni Raf. Hindi ko man lang napansin kung ilang minuto ba kami naglakad sa mahabang pasilyo sa laki nang mansyon. Sa itsura palang nang mansyon, tiyak na maraming lihim na lagusan at mga adjoining rooms, alam ko eto dahil ganito ang itsura nang malaking bahay na pinagdalhan sa akin ni Alden. At ang bawat pader ay t'yak na may lihim na lagusan din.   Kinabahan ako nang akmang bubuksan ni Raf ang malaking pintuan. Isang malaking pintuan na kulay itim din at may makikitang itim na usa na desenyon doon. I intended to hug my self just to make them see the quesiness in me because of what I'm seeing.   "S-sandali!" wika ko..   "Ma'am kanina ka pa kase n'ya hinihintay, kami ang malalagot kapag nagtagal pa tayo dito. May comfort room naman sa loob kung gusto n'yong banyo.." Wika ni Raf sabay talikod sa akin. Kaya naman hindi na ako nakatanggi pa. Nang bumukas ang pinto bumungad sa amin ang napaka laking library room. Napaka raming libro at makikita mong nakaayos ang lahat.   "Nauuhaw kase ako.." pagdadahilan ko. Ngunit ngumiti lang si Raf sa akin.   "May tubig ho sa loob ma'am.." tugon ni Raf at marahan n'ya akong tinulak papasok sa loob.   "Just wait.. Don't push me.." sinadya kung lakasan ang boses ko, na s'ya namang pag-echoe noon sa loob. Ngunit nang nilingon ko s'ya nakasara na ang pintuan. Naiwan ako sa loob na punong-puno nang kaba.   Nayakap ko ang sarili ko nang mga oras na iyon. napaka lamig sa loob ng library, para yatang nasa alaska ako nang mga oras na iyon. Sa di kalayuan nkita ko ang isang anino. Anino nang isang lalaki. nakaharap s'ya sa may bintana na tila ba may tinatanaw doon. Napaka higpit nang yakap ko sa sarili ko. Andoon din ang kaba at takot, pag-aalinlangan at kung anu-ano pa.     ~to be continue   It's already in w*****d but still on-going story.. to read a little bit  advance just open the link down.. http://www.wattpad.com/story/26972557     To read more stories of  Ms. Alejos just follow the link down.. http://www.wattpad.com/user/Ms_Alejos      
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD