SANTILLIAN SERIES [Garrett Santillian]
"A Sadist's Kiss"
NAGISING nalang si Hailey sa katok mula sa kanyang pintuan. Nakita n'yang pumasok sa loob ang Yaya ni Garrett, nakangiti eto sa dalaga. Walang bago sa kanya mula ng makulong s'ya sa mansyon, babangon para kumain, at matutulog. Nang bumangon si Hailey may nakita s'yang damit sa kabilang side ng kanyang kama.. Isang long tube red shinny dress with a little touch of black lace iyon.. Simple ang tabas pero makikita mong elegante ang dating. Pag inat n'ya ng kanyang paa nakita din nya ang isang pares ng sandals na nandoon..
"Iha maligo ka nalang muna, saka babalik ako para tulungan kita sa pag-aayos.. Yon ay kung okay lang naman sa'yo" pagpipresenta ni Yaya.
"Ayos lang ho kaya ko naman." tipid na tugon ni Hailey at saka n'ya sinulyapan ang isang wall clock na nasa kanyang silid. Wala naman kaseng sinabi si Garrett kung anong oras sila lalabas ngayong gabi. At t'yak kung hindi pa kumatok ang yaya nitu hindi naman s'ya magigising eh.. Isang matamis na ngiti ang binigay ng Yaya ni Garrett sa dalaga. Nag-aalangan namang ngumiti si Hailey. Ewan pero parang wala s'yang tiwala sa mga tao sa manyon, lahat ata ng mga eto sunod-sunuran lang kay Garrett.
Mabilis na nakagayak ang dalaga at, simple lang din naman ang kanyang ayos, isinoot din nya ang jewelries na katerno ng kanyang damit. Ng makita ng yaya ni Garrett ang dalaga di naman maiwasan ng may edad ng Ginang na purihin eto. Dahil lumitaw nga naman ang pagiging sopistikada ng dalaga. Sanay naman s'yang magtungo sa mga ganitong pagtitipon, yon nga lang hindi n'ya alam kung saan s'ya dadalhin ni Garrett ngayon. Natapos na s'ya pero wala pang Garrett na bumaba parang baliktad pa s'ya pa ang kailangang maghintay sa lalaking iyon. Hindi s'ya ganito dati, kailangang s'ya ang late sa mga gathering pero ngayon, mukang s'ya pa ang titingala mula sa pagbaba ng Monster sa mataas na hagdan.
"Mal-educated. Hindi ata alam ang oras.." inis na nasambit ni Hailey. Na s'yang dahilan para maupo nalang muna s'ya sa malambot na sofa. Kakaupo palang n'ya ng makarinig s'ya ng mga yabag, yabag mula sa hagdan.
Tila huminto ang orasan at mundo ni Hailey ng mga oras na iyon ng makita ang binata. Nakasuot eto ng black tuxedo at my ribbon na pula katerno eto ng kanyang suot na damit. Kagaya ng kanyang soot simple din ang suot ni Garreet pero eleganteng-elegante ang dating niyon. Garrett stop to check his wrist watch and by doing that, sinamantala naman ni Hailey na sulyapan si Garrett at tumayo s'ya, kakaiba ang nararamdaman ng dalaga napakalakas ng kabog ng dibdib n'ya hindi dahil sa takot. Hindi n'ya maipaliwanag ang kanyang nararamdaman ng mga oras na iyon. Garrett's perfect to discribe, his beyond the words that Hailey could come up with. Ang mga labi ng binata na tila may lipgloss at mamasamasa, na tila ba nag-aanyayang halikan s'ya. Garrett has this magnitic full where obeying is instrictive. Mga katagang naglalaro sa isipan ni Hailey. Sa kanyang pagtayo nakagawa s'ya ng kaluskus at mahinang ingay dahilan para lingunin s'ya ng binata. Sinulyapan lang s'ya nitu at muli binalik ang tingin sa relong pambisig.
"Let's go!" Garrett said with the voice of a real man and full of authority.
Sa paglalakad ni Garrett nakasunod naman si Hailey. Ngunit tila may kung ano pa ring kidlat na nakapagitan sa kanilang dalawa and the atmospher is very deafering between the two. Tahimik lang na nagmamaneho si Garrett habang nasa front seat din naman si Hailey, katabi ni Garrett. Pilit mang basahin ni Hailey ang utak ng binata ngunit wala, wala s'yang mabasa doon, hindi rin n'ya alam kung saan sila pupunta. Gustuhin man n'yang magtanong ngunit baka kung ano nanaman ang gawin sa kanya ni Garrett. Nasulyapan ni Hailey sa side mirror ang isa pang sasakyang naka-convoy sa kanila. Iyon ang mga body guards ni Garrett nakasunod ang mga eto sa kanila.
Ilang minuto din ang kanilang tinakbo at sa wakas mukang narating na nila ang kanilang distinasyon. Isang club house iyon, at tila maraming panauhin na lahat mayayaman, kahit papaano kase alam ni Hailey ang mga brand ng sasakyan kaya alam n'yang mamahalin ang mga sasakyang naka parke sa labas niyon.
Nang mapatay ni Garrett ang makina ng sasakyan n'ya agad etong bumaba, na tila ba walang kasama. Hailey expect that Garrett will open the door for her.. Pero nagtuloy-tuloy lang eto. Nang makapasok sila sa loob halos malula si Hailey sa mga nandoon, mga anak ng pulitiko, politician's, artista at mga kilalang tao sa lipunan ang nandoon. Tila naasawa naman ang dalaga sa tingin sa kanya ng mga nandoon, paano naman nasa likod lang s'ya ni Garrett. It was an akward para kay Hailey. Hindi s'ya kumportable, sanay naman s'ya sa sosyalan pero ewan parang nawala na sa kanya ang dati n'yang buhay noon. Pang gusto nalang nya umuwi.
Habang tumatagal sila doon, paparami naman ng paparami ang tao, at dumadami rin ang mga taong nakatanaw at nakatingin kay Hailey. Hindi s'ya kumain ng tanghalian kaya naman nakaramdam ng gutom si Hailey. Nagpalinga-linga s'ya hinahanap si Garret at baka gusto ng lalaki na sabayan s'yang kumain. Ngunit wala si Garrett sa paligid kaya naman nagpasya ang dalagang kumain nalang.. Habang naglalakad s'ya may mga matang nakatingin sa kanya na tila ba bawat kilos nya ay binabantayan.. Hailey go to buffet table and get a plate. Natanaw din ng dalaga ang body guard ni Garret kaya naman, itinaas nya ang platong hawak para anyayahan eto na kumain. Ngunit iling lang ang sinagot ng body guard. Nilagyan nya ang kanyang plato ng tamang pagkain na alam nyang kaya nya lang ubusin. Hailey want to get a glass of wine when suddenly she bumped into someone..
"Hailey?!" someone whispered. Tila may kung anong bagay na tumusok nanaman sa kanyang dibdib at patuloy iyon sa pagtambol ng marinig ng dalaga ang boses ng taong pamilyar sa kanya.
"Ikaw nga! Paanong? Anong ginagawa mo dito?" sunod-sunod na tanong ng lalaking kaharap ni Hailey It was Alden. Ang hayop nyang boyfriend ang taong nagbenta sa kanya. Tila isang bomba s'ya na sasabog ng oras na iyon, sa galit ng makita ang nobyo.
Her gazes went over his shoulder only to see Garrett, his with Abby.. Abby Santos kilala nya ang babae, dahil patay na patay eto kay Alden isang solong anak at kilala din sa lipunan ang pamilya ni Abby dahil sa isa din sila sa mayayamang tao na mahilig sa ganoong pagtitipon. Pinagtitinginan sina Garrett at Abby. Ngunit bumaling ang mapanuring mata ng mga nandoon kay Hailey ng magsalita si Alden. Kaya naman maging si Garrett ay napalingon sa kinaroroonan ni Hailey at nakita ng binata na may kausap etong lalaki. At halos di maipinta ang mukha ni Garrett ng makita nitong hinapit ni Alden ang bewang ng dalaga. Na tila ba pakiramdam naman ni Alden ay malaya pa rin eto bilang nobyo nya.
"I can't believe you're here." Alden whispered again on Hailey's ear. At amoy na amoy ni Hailey ang bibig nito na amoy alak at mukhang lasing at nakainom na..
"Pwede ba magkabalikan na tayo uli? " nakatawang wika ni Alden. Naikuyom ni Hailey ang kanyang palad gustong-gusto n'yang sapakan eto o kaya tusukin ng hawak nyang tinidor. Habang si Garrett titig na titig naman kay Hailey. Nilingon ni Hailey si Garret, tingin na tila nagmamakaawa para tulungan s'ya kay Alden. Ngunit balewala bagkos nakipaglandian pa eto kay Abby, na s'yang paglingon naman sa lugar ni Abby kung saan nakatayo si Hailey. Mas humigpit ang hawak ni Alden sa kanyang bewang. Pilit na itinulak ng dalaga ang dating nobyo, ngunit tila wala lang kay Alden, lasing eto.
"Wag ka ng mag-inarte alam kung nalawayan ka na ng nakabili sayo, sumama ka naman sa akin para matikman man lang kita.." pambabastos ni Alden kay Hailey. Hindi alam ni Hailey na nandoon na rin si Garrett sa malapit at dinig na dinig ng binata ang sinabi nitu. Hindi na nakapagtimpi si Hailey at buong lakas nyang itinulak si Alden. Sa eskandong kanyang nagawa halos lahat nakatingin sa kanya. Punong-puno s'ya ng kahihiyan.
Matapos na maitulak si Alden mabilis na tumakbo si Hailey at naghanap ng Comfort room para ikubli ang sarili sa kahihiyan, alam nyang ilan sa mga nandoon ay kilala din s'ya. Hailey shoulders shaking uncontrollably, she did her best not to make sound dahil alam nyang merong tao sa labas. Tila wala s'yang mukhang maihaharap sa mga eto.
Nanatiliti si Hailey sa loob ng cubicle kung saan s'ya pumasok nakaupo sa bowl at naghihintay ng kung anong himala. Ilang oras din ang lumipas tila wala s'yang planong lumabas. Hinihintay na matapos ang piging na iyon. Ngunit nag-alala s'ya ng pinatay na ang ilaw sa loob ng CR, medyo tahimik na rin sa labas. Takot na takot s'ya ng makarinig s'ya ng mga kaluskos, ang iba'y tila tumitili. Patay ang ilaw sa loob ng cubicle kung nasaan s'ya nagrarambulan nanaman ang mga daga sa kanyang dibdib. At napayaka nalang s'ya sa kanyang sarili. Ngunit ilang sandali pa'y nagsindi na rin ang ilaw sa labas at maging sa CR. Sa takot ng dalaga mabilis s'yang lumabas at tumakbo para buksan ang pintuan ng banyo. Halos nadidinig na rin nya ang mga daga sa kanyang dibdib sa sobrang takot.
Sa pagtakbo ng dalaga hindi nya napansin ang taong makakasalubong nya, nabangga n'ya si Garrett. Garrett was already in front of Hailey, his chest was heaving franctically, wildly that made Hailey step backward. Nanlilisik ang dalawang mata ng binata na nakatingin kay Hailey. Tila nagkaroon naman ng lakas ng loob si Hailey para takbuhan si Garrett, tatakasan nya eto, ngunit naka unang hakbang palang s'ya ng hilahin ng binata ang kanyang palapulsuhan. Ngunit mas nagulat si Hailey ng makita n'ya ang kamao ng binata na may dugo. Maraming dugo iyon na tila isinuntok ng paulit-ulit sa matigas na bagay.
"Garrett.." Mahinang anas ni Hailey ngunit ni hindi manlang pinansin ng binata si Hailey. Patuloy eto sa paghila sa kanya para lumayo sa lugar na iyon. Kinakaladkad ni Garrett si Hailey at halos sila na ang sentro ng mga taong nandoon. Sa paglalakad nila may mga mga babae na nagsisigawan, tumitili..
"Tulong! Tulong! Si Mr. Alden Angeles..!" tili ng isang babae, pamilyar kay Hailey iyon si Abby ang tumitili.
Tiningnan ni Hailey ang kamay ni Garrett na puno pa rin ng dugo. Napakahigpit ng hawak sa kanya ni Garrett at nasasaktan na s'ya. pabalibag n'yang isinakay sa sasakyan si Hailey at halos mabingi naman ang dalaga sa impact ng pintuan ng isara iyon ni Garrett. Galit na galit eto.
****