CHAPTER 1:THE VIXEN

1506 Words
Flash. Flash. Flash. Agad na naagaw ni Mara ang atensyon ng mga tao. Sunod-sunod ang ilaw ng camera habang pababa sa black SUV niya. Hindi pa man siya tuluyang nakatapak sa red carpet. Agad siyang mahinang napamura dahil hindi niya inaasahan na malalaman pa rin ng mga ito kung anong sasakyan ang gamit niya. She knows anytime soon para siyang isang matamis na candy— ang mga ito ay langgam na mabilis na lalapit sa kanya para dumugin. “Mara! Mara! Over here!” “Is it true na may bagong project ka with an international brand?” “Miss Doxx, any comment about the recent issue?” She smiled. That perfect, practiced smile.‘Yung tipong kahit wasak ka na sa loob, walang makakahalata. “Later na po, okay?” malambing niyang sagot, sabay taas ng kamay. Elegante ang bawat galaw niya—tila ba sanay na sanay sa lahat ng mata na nakatutok sa kanya. At totoo naman. She was built for this for a long time, before she perfected this version of herself. A queen. A vixen. Sa loob ng venue, mas tahimik. Pero hindi ibig sabihin na wala nang mata. Naroon pa rin ang mga bulong. “Siya ‘yon, ’di ba?” “Ang dami niyang issue lately…” “Pero grabe, ang ganda pa rin.” Mara walked like she didn’t hear anything. Pero narinig niya. Ang lahat. Sanay na siya sa tagal niya sa industriya. Hindi na ito bago. Marami na ring pagkakataon na nangyari sa kanya ito. “Late ka.” Napahinto siya. Hindi niya kailangang lingunin para malaman kung sino. “Busy ako,” she answered, calm. “Busy… or avoiding me?” Ngumiti siya, pero hindi na ‘yon para sa publiko. Para na ‘yon sa kanya. “Don’t start, Lorgan.” Lumapit ang lalaki sa kanya. Halos wala nang pagitan ang mga katawan nila. “Hindi ka sumasagot sa mga tawag ko.” “And you’re getting married,” she replied, flat. Tumahimik si Lorgan. Sandali lang. Pero sapat na para maramdaman ang bigat ng katotohanan. “Hindi ko ginusto ‘yon.” Napatawa si Mara—mahina, pero may halong pait. “Really? Kasi mukhang ang saya mo sa pictures.” “Mara—” “Stop,” she cut him off; their eyes finally met. Russet brown eyes—sharp, dangerous. “Don’t lie to me.” Tahimik ang paligid nila. Pero ang totoo, parang sumasabog ang mundo ni Mara. Hindi lang halata. Hindi puwede. Hindi dito. At hindi ngayon. “Hindi kita kayang iwan.” Mahina ang boses ni Lorgan, pero diretso sa puso. At doon siya mahina. Always has been. Mara inhaled slowly. “Then don’t,” she whispered. “Just don’t get caught.” And just like that— She chose him. Again. Her hopes up. The man she loved still wanted her. After an hour, she’s expecting na nandoon pa rin ang mga ito, inaabangan ang kanyang paglabas. Bago pa ang lahat, mabilis siyang tumakbo papasok sa loob ng sasakyan kung saan siya bumaba kanina. Mabilis na isinara ang pinto bago pa makahabol ang mga ito nang tuluyan. She’s not going to have an interview. She will make sure na walang mapapala ang mga ito mula sa kanya. Nagpakawala ng malalim na buntong-hininga si Mara nang maayos na siyang nakaupo doon. Agad na pinaandar ang sasakyan palayo. “Mara, ayos ka lang ba?” Sandali na lumingon ito nang tanungin siya. Bumalik sa daan ang tingin. She smiles and nods. Ibang sasakyan na nga ang kanyang ginamit upang makaiwas sa media, pero hindi pa rin siya nakaiwas sa mga ito. Tinawagan agad ni Mara ang manager niya upang ipaalam ang nangyari. Nalaman niya mula rito na may nag-timbre sa media na dadalo siya sa event na iyon— hindi pa alam kung sino ang nasabing source. Bahala na ang manager niya sa pagpapaliwanag kung bakit hindi na siya tumuloy. Matapos ang tawag ay tahimik na ulit si Mara. Nag-iisip kung ano na ang gagawin niya. Hindi pa rin tapos ang issue. Part of her ay naiinis, pero mas lamang ang tuwa sa mga nangyayari. May oras pa si Mara dahil sa event na hindi na tuloy. “Tay Goryo, daan muna tayo sa drive-thru,” she informed her driver. Ginutom lang siya. Her whole month's schedule is so busy. Tinawagan niya si Jaja to inform na dadaanan na nila ito. Dumaan muna sila sa drive-thru para kumain at dumaan na kung nasaan ang assistant niya. Abala sa pagkain si Mara nang pumasok si Jaja sa loob ng sasakyan. “Good morning,” nakangiting bati nito. Ngiti lang ang binigay ni Mara dahil abala siya sa pagkain. She just wanted to enjoy her meal that morning. Papunta na sana si Mara sa susunod niyang gawin sa araw na iyon, pero nakatanggap siya ng tawag mula sa manager niya na kailangan niyang pumunta sa condo at umuwi. Kaya eto siya ngayon, tahimik lang na nakaupo doon habang nakatingin sa manager niya na halos umusok na ang puwet sa sobrang galit. Kanina pa iyon lumalakad pabalik-balik sa harapan niya. Tikom bibig pa rin siya doon. Nakarating dito ang totoong nangyari kanina. “Sinabihan na kita, Mara, na huwag nang makipagkita sa lalaking iyon!” Magkasalubong ang kanyang kilay. “Ano ang gagawin natin?” Bakas sa boses nito na hindi alam ang gagawin. Nagsimula na ito. Mara understood her— but for Mara, it was good. “Pang-ilang beses na nga ba ito ngayong buwan?” nakataas ang kilay nito kay Mara habang nagtatanong. Napaisip naman si Mara sa tanong nito sa kanya. Hindi na nga niya maalala kung makailang ulit na siyang nagkaroon ng isyu sa buwan na iyon. Pinipigil niya ang pagtawa dahil sa iba’t ibang senaryong bumabalik sa kanyang isip. She did that on purpose. “See— hindi mo na matandaan kung ilang beses dahil hindi na kayang bilangin sa daliri ang mga iyon!” Pinanood lang ito ni Mara. That is true na maraming beses nga siyang nasangkot sa iba’t ibang issue. Kaya nga hindi siya makaalis mag-isa at hindi rin siya pinapayagan. “Hanggang ngayon hindi pa rin tumitigil si Winnie sa pagba-bash sa’yo.” Mara rolled her eyes when she heard that name. “Assumera lang talaga ang babaeng iyon!” depensa naman ni Mara. Bumalik sa alaala ang nangyari kung bakit galit na galit ito sa kanya. “You dated her boyfriend,” paalala ni Anne. Hindi makapaniwala si Mara sa narinig niya. “Are you real?” tanong ni Mara. Tiningnan niya nang mabuti si Anne upang suriin ang ekspresyon nito sa mukha. Looking at her— mukha namang hindi ito naniniwala; sadyang iniinis lang siya nito. Hindi iniis ang nararamdaman ni Mara kundi galit. “My goodness! Maria Doris Dulalia, make my life free from stress!” Sapo nito ang magkabilang gilid ng ulo habang nakatingin kay Mara. “Hindi ko kasalanan na assumera ang babaeng iyon!” Naiinis siya kapag naalala niya iyon dahil ang lalaki na dinate niya noon ay masyadong mahangin, ang lalaking kiniclaim ni Winnie na boyfriend. Pinagmamayabang na siya ang nag-aya rito na lumabas para mag-date. “Mag sasampa sana ako ng kaso laban sa kanya pero dahil nakiusap si Mr. Larosa na daddy ni Winnie kay Daddy na hindi ko na tinuloy.” hindi mapigil ang bahagyang sakit na dumaan sa mukha ni Mara. Mara, remember it dahil mismo ang Daddy pa niya ang pumunta sa kanya just to ask her na iurong ang demanda laban sa anak ni Mr. Larosa na si Winnie. Galit na galit si Mara dahil pakiramdam niya walang pakialam ang ama niya sa kanya dahil sa ginawang iyon— na mas concerned pa ito sa pakiusap ni Mr. Larosa, na ama ni Winnie. Her dad didn’t even ask her if she’s okay or if she's hurt. “Please, Mara, itago mo muna ang mga sungay mo this time.” Natatawa na napapailing ito sa pakiusap niya. Kumunot ang noo ni Mara at ngumuso kay Anne. “How?” tanong niya rito. “Just do it!” ang utos nito sa kanya. Umupo na sa tabi ni Mara si Anne. Because they're done talking, kaya naisipan niyang mag-check ng phone. “Look, ang dami na namang iba’t ibang issue na binabato sa’yo.” She heard Anne talk. Abala na rin ito sa kung ano ang tinitingnan sa phone. “Ayoko makita. Naiinis lang ako,” sagot ni Mara. Ipinagpatuloy na ang ginawang pag-scroll sa feed niya. Hindi na bago kay Mara ang mga nangyayari. Huhupa rin naman ang mga iyon kapag may bagong isyu na lumabas. That's how the world she belongs to is. She’s going to relax and focus on sa mga gagawin niya this coming week and ignore all the allegations about her. Sa araw na iyon may huli siyang gagawin ang pumunta sa contract signing ng isang brand na i-endorse niya na parang walang nangyari. May magandang dulot din ang ginawa ni Winnie. Nakapagpahinga siya kahit ilang oras.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD