TBW SERIES2: THREE

585 Words
Alam niyang may kasamang babae ang lalaki ,naaamoy niya ang pabango ng isang cheap na babae,who cares? Mas maigi ng daanan na niya ito para isama sa Farm ng matapos silang makapagdeliver ng mga gulay sa malaki palengke ng MayNila. Ayon sa Kuya Dave niya dito sa pribadong village nakatira ang lalaki.Wala siya pakielam kung maaabala niya ito sa pagtulog tutal naman tanghali na. Muli niya pinindot ang doorbell.Maya-maya pa bumukas ang pintuan at isang babae na nakaroba ang nagbukas nun. "Sino ba yan? Ang aga-aga mong mang-abala?" pagalit na singhal ng babae. Agad ito natigilan sa pagsasalita ng humarap siya rito.Pero agad din nakabawi at muli nagtaray sa kanya. "Ano'ng kailangan mo? Kung si Tyron ang hanap mo natutulog pa siya dahil umaga na kami natapos," sabay ngisi nito sa kanya. "Wala akong pakielam kung nakailang rounds pa kayo o kung ano mga posisyon pa ang ginawa niyo,miss..pakisabi nandito ako at sinusundo siya," malamig na saad niya sa babae na hindi makapaniwala sa mga sinabi niya. "S-sino ka ba?" tila umurong ang katarayan nito sa kanya. "Pakisabi na sa kanya,ayoko nasasayang ang oras ko," bwelta niya rito. Matagal siya nito tinitigan mula ulo hanggang paa.Nang makatingin ito sa mga mata niya bahagya ito namutla. "Babe..sino yan?" maya-maya paglapit ng lalaki sa likuran nito. "D-Debbie? Oh s**t!" gulat nito turan ng makita siya nito. "Sino ba siya,babe? " usisa ng babae rito. "Limang minuto,Mr.Siegfred dapat nakahanda ka na," aniya. "Ha?"tila naguguluhan nito sabi. " Ngayon ka na magtatrabaho sakin,"malamig niya sabi rito. Maang ito napatitig sa kanya. "Don't waste my time,lover boy.."uyam niya rito at sinulyapan ang babae na nakakapit sa braso ng lalaki. Hindi na niya hinintay pang makaimik ito tinalikuran na niya ito at sa pick-up truck na niya ito hihintayin. Agad niya tinapik ang kasama si Caloy ang lagi niya kasama kapag nagdedeliver sila.Ito ang nagmamando sa mga kargador at kumakausap sa mga suki nila. "Okay na,Ma'am ?" anito. "5 minutes," aniya at pumuwesto na sa driver seat.Kasya ang tatlo tao sa unahan. Nagmamadali lumabas ng bahay ang lalaki kasunod ang babae na nakasimangot. "Convoy tayo," anito. Marahas siya napabuga ng hangin at bumaba ng sasakyan agad naman hinapit ng babae ang lalaki na akala mo aagawan. Sinenyasan niya ito lumapit sa kanya.Walang tanong-tanong na lumapit ito at napilitan ang babae bumitaw rito. "Sa amin ka sasasakay,"agad niya sabi rito.Agad na lumipad ang tingin nito sa sasasakyan.Napangunot ang noo nito. " Uhm,kasya ba tayo? Nakakahiya naman sa kasama mo kung makikipagsiksikan pa ako,"anito. "Sa tingin mo ba maganda ideya na magdala ka ng maganda kotse sa farm para paniwalaan ang mga taga-roon na isa ka lamang hamak na trabahador na nangangailangan ng trabaho?" supla niya rito. Agad ito natauhan sa sinabi niya."Yeah,right..."walang masabi nito tugon. Bumaling siya sa babae na masama na ang tingin sa kanila.Lumapit siya rito. "Mamasahe ka na lang,Miss..marunong ka naman siguro umuwi sa inyo," aniya at tinalikuran na ito. "Sumakay ka na,"paglagpas niya sa lalaki na walang imik nakamata sa kanya. " Babe..ihatid mo muna ako!"ungot ng babae. "Uh,I'm sorry,kailangan ko kasi umalis na,pasensya na ,babawi ako next time!" nagmamadali ito umikot para sumakay na ng magbusina siya. "Babe!!!" Walang pakundangan na binugahan ng usok ng dalaga ang babae naghehestirikal ng paandarin niya ang sasakyan dahil sa bigla pagiwan rito ng binata.Nakita niya napaubo ito. "Hi,I'm Caloy,Sir.." pakilala ng kasama niya rito. "Tyron," "Wag mo siya isi-Sir ,magtatrabaho siya sa Farm ,just call his first name.." baling niya sa katabi si Caloy.Nagtataka man hindi na ito nag-usisa pa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD