TBW SERIES2: SIXTEEN

909 Words
Maalinsangan ang gabi,at hindi makatulog si Tyron dahiL panay ang ngiti niya ng parang tanga habang paulit-ulit na inaalala ang pagtanggap nito sa paanyaya niya kanina.Awtomatiko siya muli napangiti,para siya teenager na pinansin ng crush niya,he's so gay! Pinagsasalamat na rin niya na tinamaan siya nito ng vase na inihagis nito sa bintana dahiL siguro naguilty ito kaya pumayag na.Awtomatiko napahawak siya sa sugat,medyo makirot pero balewala lang sa kanya yun,hindi naman siya mamamatay sa maliit na sugat lang.Well,bakit nga ba nito tinapon sa bintana ang Vase na pinaglalagyan niya ng Santan? Bigla siya napaisip.Yeah,baka may sumpong? Di bale maglalagay na lang siya ng panibago bukas. Bigla naging alerto ang pandama niya.Tila may kung ano paggalaw sa paligid niya. DahiL nakapatay na ang ilaw walang ingay na kinapa niya sa ilalim ng katre niya ang isang lisensyado baril.Nakasuksok iyun sa ilalim ng katre.Maingat na lumapit siya sa bintana na nakaugalian na niya lagi nakabukas.Sumilip siya roon at dahil maliwanag ang buwan.May anino na gumagalaw pero di niya matanto kung anino ng tao. Nakaporma na ang baril kung sakali man kailangan niya kalabitin ang gatilyo.Hinintay niya ang pagkilos muli ng anino at maya-maya pa tila may mabibigat na yabag siya narinig,lumundag iyun at mabilis na tumakbo palayo.Maagap na lumabas siya ng kubo at ang paggalaw na lamang ng halaman sa banda kasukalan ang nadatnan niya. Nagtataka kung ano yun .Wala naman siguro tigre rito sa Farm.Mag-iisang buwan na siya rito pero ngayon lang nangyari ito. Pumasok na siya muli ng kubo at para na rin sa kaligtasan niya binuhay niya ang ilaw.Pinilit na niya makatulog pero alerto pa rin sa paligid niya. Kinabukasan,maaga pa rin siya nagising kahit inumaga na siya nakatulog.Kaya naisipan na lang niya magjogging tutal naman matagal-tagal na rin siya hindi nag-eehersisyo dahil ibang ehersisyo ang ginagawa niya. Napatigil siya ng matanawan niya nagkakarga ng gulay sa likod ng pick-up truck agad siya lumapit para tumulong. Agad na binati siya ng dalawa lalaki nagkakarga at tumulong na siya sa pagkarga. "Saan ito idedeliver?" tanong niya. "Sa bayan lang," sagot ng nasa truck na siya nag-aayos sa pagkakalagay ng mga gulay na nasa basket. "Ahh,sino ho magdedeliver? Si Mang Teban?" aniya. "Hindi si Ms.Debbie.." Agad siya napahinto sa pagtulong."May kasama ba siya?" "Wala,nasa Maynila pa ata si Caloy at si Mr.Hernandez.." sagot nito. "Okay na ba ang lahat," pagsulpot ng dalaga na sakto naman patapos na sa pagkarga. "Opo,Ms.Debbie.." anang ng nauna lalaki. "Salamat," anang ng dalaga. "Ikaw lang magdedeliver ng mga ito?" paglapit niya sa dalaga. "Oo.." sagot nito. "Pwede ba kong sumama?" agad niya boluntaryo na ikinataas nito ng kilay."Uhm,Baka kailanganin mo ng makakatulong since Wala si Caloy.."aniya. "Ano naman ang maitutulong mo?" mataray nito sabi. "Pwede ako tumulong sa pagbagsak ng mga yan sa bayan,since naumpisahan ko ng magjogging,ehersisyo na rin ang pagbubuhat," pangungubinse niya rito. "Sige na,I want to help,"pilit niya rito. "Bahala ka.." anito. Agad siya napa-Yes ng pumayag ito. Nasa daan na sila ng basagin niya ang katahimikan."May itatanong lang ako,"aniya. "Ano yun?" maiksi nito sabi habang nasa daan pa rin ang tingin. "Ni minsan ba walang naligaw na wild animal sa farm? Gaya ng tigre o leon?" Kunot-noo ito napasulyap sa kanya agad naman siya nakaramdam ng pagkapahiya. "Uh,kasi kagabi may kakaiba paggalaw sa may kubo hindi ko naman nakita kung ano.." "Baka may naligaw lang na kambing o baboy ramo kaya," kunot-noo pa rin turan nito. "Ahh,baka nga siguro.."aniya "Palagi ka bang hands on sa pagdedeliver? Pwede mo naman ito iutos sa iba?" patuloy niya sa pag-uusisa. "Maraming na sila ginagawa sa Farm ayoko iasa ito sa kanila since kaya ko naman gawin," seryoso nito sagot. Napangiti siya,napahanga siya nito."That's nice..kaya malaki ang respeto nila sayo dahil hindi ka yung tipong amo na lahat iaatang mo sa kanila,you are amazing!" Wala ito naging reaksyon.Malamang ayaw nito pinupuri ito.Nakangiti na nanahimik na lang siya kahit papaano hindi ito naging mailap sa kanya ngayon pumayag pa itong isama siya. Hindi na ito kumibo at nang makarating na sila sa bayan gaya ng sabi niya tumulong siya sa pagbaba ng mga gulay habang si Debbie naman ay kausap ang isang matabang babae na siya umorder ng mga gulay . Nang makatapos sa pagbaba ng mga gulay.Nagulat pa ang binata na ibalibag nito ang bitbit nito. "What's wrong?" usisa niya rito. "Ang sabi niya nagbabayad siya every month sa banko pero wala iniissue sakin resibo si Sec.Hernandez," naguguluhan nito saad. Naikuyom niya ang mga palad. "Pero may pinakita siya sakin resibo ng banko sa tuwing magdedeposit siya..hindi ko maintindihan kung bakit hindi nababawasan ang utang niya sa financial report ni Sec.Hernandez.." Damn that old man! "Baka may mali ang report Bakit hindi mo ipaulit?" Tinitigan siya nito na tila tama ang ideya niya. "Kung ako sayo ikaw na ang gumawa baka kasi sa katandaan ni Sec.Hernandez baka nakakaligtaan na niya," aniya. "Siya lang ang may access ng mga financial income ng farm."anito. " Kung ganun kunin mo sa kanya,ikaw naman ang anak ng may-ari ng Farm na pinagtatrabuhan niya may karapatan ka dun,"aniya. "Ginawa ko na yan pero ayaw niya ibigay sakin," "Hindi ka ba nagduda dun?" maingat niya saad. Napatingin ito sa kanya na tila ba mag-ingat ka sa sasabihin mo. He shrugged."I just saying,bakit naman niya ipagkakait sayo ang pag-aari mo di ba, maliban na lamang kung may nililihim siya.." Sa pagkakataon iyun naging maayos naman ang ending ng pag-uusap nila ng dalaga .Wala itong imik hanggang sa makabalik sila ng Farm.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD