TBW SERIES2: EIGHTEEN

798 Words
Alam niya nagtataka ang matanda ng makita siya nito nakaabang sa labas ng opisina nito.Nakangiti ng binati niya ito sa kabila na gustong-gusto na niya ito isadlak sa kulungan. "Anong kailangan mo?" kunot-noo nito tanong. "Maaari ko po ba kayo makausap?"magalang niya sagot. "Tungkol saan?" "Gusto ko lang magtanong ng kaunti,"aniya. " Sabihin mo na,may gagawin pa akong report,"anito. "Mayroon ba kayo ideya kung sino ang pumatay sa mag-asawa?" deretsahan niya tanong. Bigla ito nanigas at agad din kumilos na tila inosente ito. "Mabait ang mag-asawa,sa tagal ko na pagtatrabaho sa kanila masasabi kong napabuti nila ng kahit sino rito," papuri nito sa yumaong amo. Tumango-tango siya rito."Hmm,pero sa ano palagay niyo kung bakit pinatay ang mag-asawa?" "Teka nga? Ano ka ba,investigator? Kung makatanong ka parang alam mo ang pangyayari iyun? Hindi ba trabahador ka lang dito na bigla sumulpot?"may inis na nito turan. Nagkibit siya ng balikat." Imbestigador naman talaga ako,"pag-amin. Natigilan ito at hindi makapaniwala sa sinabi niya. "Kinuha ni Ms.Debbie ang serbisyo ko at ang asawa ng Ate Amelia niya para mabigyan na ng hustisya ang pagkamatay ng magulang nila." Naningkit ang mga mata nito sa likod ng suot nito salamin. "Pinagsusupetsahan mo ba ako?" "Wala naman ako sinasabi ganun?" natatawa niya saad."unless na lang kung may alam kayo,"bigla pagseryoso niya saad. Nagalit ang matanda lalaki."Lapastangan! Hindi mo ako kilala,lalaki! Kaya magdahan-dahan ka sa pagbibintang mo!"singhal nito sa kanya. "Alam ko naman yun,pero sana lang wala nga kayo kinalaman sa pagkamatay ng dati niyo mga amo dahil panigurado hindi iyun magugustuhan ng lahat." "Tumigil ka na! Wala kang makukuha sa akin na kahit ano! Inosente ako!" "Alright,trabaho lang ito ginagawa ko kaya wag kayo masyado mahigh blood." sarcastic niya turan at tinalikuran na ito. "Lapastangan ka,makikita mo kung sino kinakalaban mo," mariin na saad ng matanda lalaki na ikinatigil niya sa pag-alis. "Try me..dahil baka hindi mo alam kung ano nalalaman ko sa inyo.." may halo pagbabanta niya sabi. Namutla ang matanda. "Patunayan mong inosente ka,Mr.Hernandez dahil kung hindi ako mismo ang maghahatid sayo sa piitan.." aniya."Oo nga pala,suspek ko din ang inaanak mo,si Caloy.."pahabol niya sabi at iniwan ito tulala at namumutla. Ngayon magkakaalamanan na,alam niya kikilos ang matanda ngayon may alam na siya sa sekreto nito at kailangan niya paghandaan niya yun. Napabuga siya ng hangin,hindi na bumalik si Debbie mula ng umalis ito kahapon.Hindi niya alam kung bakit hinahanap-hanap niya ito. Gumugulo din sa isip niya ang ginawa nito sa kanya kahapon.Damn,walang kurap na naisadlak siya nito sa pader?! Paano nito iyun nagawa ng ganun kabilis? Damn,namamalikmata nga lang ba siya? Pero ramdam niya ang pananakit ng likod niya sa lakas na pagkakatama niya sa pader.The heck,nagdududa tuloy siya sa tunay na pagkatao ng babae,may kung ano iba sa pagkatao nito na sa tingin niya na wala sa ordinaryo babae.Kung kumilos ito parang ito warrior.Yeah,she's like a warrior,a sexy one.Men,nakakatakot ang ganun babae pero cool din at the same time. Marahas siya napabuga ng hangin.Ewan nya ,sana magkausap sila muli ni Debbie ngayon mainit na siya sa matanda lalaki.Karapatan pa rin nito malaman ang mga nakuha niya inpormasyon. Yeah,hindi nga naniniwala sayo eh?! Hell yeah,badshot naman taLaga ako sa kanya sa umpisa pa lang. Bakit ba parang nasasaktan siya sa isipin iyun? Eh ni hindi nga sila close ng babae at higit sa lahat hindi nito gugustuhin na kilalanin siya di gaya niya na gustong-gusto niya ito makilala ito,pero ayaw siya nito bigyan ng pagkakataon. Nagplano pa naman siya aamuhin ito pero hindi nangyari dahiL mailap talaga ito sa kanya at tila ba napakasama niya tao sa paningin nito. Napailing na lang siya,ngayon lang siya nagdamdam ng ganito sa isang babae.He's hurt like he is f*****g heartbroken. Damn. "M-ms.Stonex.." namumutla anas ni Atty.Chavez. Matalim ang mga mata niya rito habang nakaharap siya sa desk nito pagkatapos niya ipakita rito ang dokyumento nakita ni Tyron sa opisina ni Sec.Hernandez. "Ipaliwanag niyo ng mabuti kung paano nangyari yan.."puno ng babala ang tono niya turan rito. Nanlalaki ang mga mata nito at hindi makapaniwalang inisa-isa sila magkakapatid ng tingin na nakapalibot rito. " M-mga kapatid mo ba sila?" "Oo,Atorney at isa sa amin dapat nakapangalan ang Farm." nanlilisik ang mga mata tugon niya rito. "A-ano...u-uhm,sa tingin ko si William ang kausapin niyo,s-siya ang nag-utos sakin nito," "Hay Naku,Ate Debbie..mabuti pa basahin mo na lang isip niya,wag mo ng tanungin,guguluhin lang nila ang isip natin,alam mo yun magtuturuan sila kung sino pasimuno,hay naku..what the hell?!" bulalas ni Erin na tila naiinip na. "Sang-ayon ako dun,Ate Debbie.."si Veron na abala sa pagtingin sa mga nakasalansan na libro. Bago pa man makaaksyon ang naguguluhan lalaki nakapwesto na sa likuran nito si Senneth. " Still ..Wala kami gagawin sayo,makisama ka na lang,"usal nito sa lalaki na putlang-putla na. Lumapit siya sa abogado at sinimulan halungkatin ang nasa isip nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD